Zoe’s POV Nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin ko sa loob ng maleta balak ko munang lumayo at pagplanuhan ang lahat. Ipinatong ko sa ibabaw ng aking mga damit ang isang bag na naglalaman ng mga mahahalagang papeles kasama ang passport at mga ID’s ko pati passbook. Nang masiguro ko na wala akong nakalimutan ay sinarado ko na ang aking maleta bago inilagay sa ilalim ng kama. Bukas pa kasi ang flight ko papuntang Malta, pansamantala muna akong mag-stay sa bahay ng kaibigan ni daddy na residente na sa Malta. Doon ko pagpa-planuhan ang lahat at kakailanganin ko ang tulong ng kaibigan ni daddy. Pagkatapos maitago sa ilalim ng kama ang maleta ay lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang aking kotse. Pupunta muna ako ng sementeryo ngayon para magpaalam sa pamilya ko. Ilang araw din