Zoe’s POV Pagkatapos ng ilang oras na mahabang pagdadrive ay huminto ang aking sasakyan sa kalagitnaan ng isang masukal at liblib na lugar. Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ngunit wala akong ibang matanaw kung hindi pawang mga puno at mga talahib ang makikita sa buong paligid. Napakalayo ng lugar na ito sa kabihasnan na matatagpuan sa pinaka dulo ng Santa Maria Bulacan. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para pumunta sa ganitong klaseng lugar. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at pinalipas ko muna ang ilang segundo bago ko ito pinakawalan. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa loob ng aking sasakyan ng maramdaman ko na handa na ako ay kinalas ko na ang aking seatbelt at nagdesisyon na bumaba na ng sasakyan. Tumingala