Amethyst 2

1208 Words
ONE YEAR LATER… Papunta ako ngayon sa bahay ng mga kapatid ko at ng kanilang asawa na si Ate Strawberri. Saktong noong graduation ko, a few months ago ay ang panganganak niya. Hindi pa niya due date pero mukhang excited ng lumabas ang kanilang baby boy. He is so cute at pinangalanan nila itong Citron. Magto-two months na siya ngayong buwan at isang taon na rin ang lumipas mula noong umalis ang kambal. Last nilang pagpunta ay noong wedding ng kanilang mga kapatid. Hindi na sila umuwi noong nanganak si Ate o kahit graduation ko pa. Bakit naman ako aasa eh ni-reject ko sila? Wala na silang pakialam sakin and for sure may ibang babae na siguro silang kasama sa Japan. Dapat hindi ko na sila iniisip eh, I told to myself many times na mag-focus ako sa relationship ko ngayon with Tyrell lalo na at nakatira na kami ngayon sa isang condo. Ilang months na rin kaming nakatirang magkasama and so far okay naman. Although ngayon, part na siya sa pagma manage ng kanilang mall kaya busy na siya. Busy din naman ako sa pagtulong sa jewelry shop kaya minsan malimit kaming magkita. Hindi na din kami makapag date gaya ng dati. I don't know pero feeling ko, nagsasama na lang kami for convenience. Yong feelings ko para sa kanya parang unti-unting nawawala. The s*x is good pero hindi niya nahihigitan ang performance ng twins. Minsan fine fake ko na lang ang orgasm ko. Ito na siguro ang sinasabi ng Mama ko na pagsisisihan ko at nagsisimula na akong makaramdam ng ganon. Kahit naman magsisi ako, huli na ang lahat. May nasabi akong napakasama sa kanila ng makita ko sila sa wedding. Tsaka alam kong masaya sila kahit wala ako sa buhay nila. I deserve this at hindi ko na ito mababawi pa. "Hello everyone!" bati ko ng pumasok ako sa kanilang bahay. Niyakap ko si Kuya Falco na lumapit sa akin at binigay ko sa kanya ang pasalubong ko para sa baby at para na rin kay ate Strawberri. Lumakad ako sa backyard porch kung saan sila naroroon at napangiti ako ng makita sila na nakaupo sa sofa at kasalukuyan siyang nagpapa breastmilk. Lumambot ang puso ko sa aking nakita at tahimik na lumapit sa kanila. Matamis na ngumiti siya sakin ng makita ako at sinenyasan na umupo sa single couch na katapat niya. "Natutulog siya ate?" tumango siya. "Gusto ko pa naman na kargahin si baby boy." "Magigising din naman siya maya-maya. Matakaw si baby…" sabi niya habang nakatitig kay Citron. Lumabas si Kuya Falco na may hawak na plate of strawberries at nahiwa ng mangoes, at bottled water para sa aming dalawa. Inilapag niya ito sa center table at binigyan ng isang loving kiss ang asawa nito. Para namang may kumurot sa puso ko sa aking nakikita. They are so affectionate with each other at gusto ko din maranasan ang ganyan. "Nasaan ang iba kuya?" tanong ko. "Natutulog sina Duin at Yuli dahil sila ang nakatoka kagabi. Si Joaquim bumili ng ibang gamit ni baby. Kailangan pa namin ng madaming baby wipes at diaper. Maiwan ko muna kayo ha, dito ka na mag lunch Ames." "Okay kuya, thank you." tumango lang siya at bumalik na sa loob. "Kumusta ka ate? How is it like being a first time mommy" "Masaya, sobrang saya pero nakakapagod rin. Buti na lang may apat akong asawa na tumutulong sa akin. Having four husbands is an advantage." natatawa niyang sabi at kumain ng strawberry. "Ikaw? I heard mas dumami daw ang loyal customers niyo sa jewelry boutique niyo mula ng maging assistant manager ka. Congratulations nga pala." "Thank you ate… Okay naman ang life, medyo busy. Wala na nga akong time sa lovelife." "Hmm… I hope your doing good with your boyfriend." ngumiti ako at tumango. "Eh ate, ang mga kapatid mo ba uuwi na?" natigilan siya tapos ay umiling. "Mukhang madedelay ang pag-uwi nila for a few months. Kailangan kasi nilang masigurado na maganda ang takbo ng business namin doon." "Ganon ba?" malungkot kong sabi. Bakit parang naiinis ako. I want to see them so bad pero ano naman ang karapatan ko para magdemand? Bumuntong hininga ako at seryosong tumingin sa kanya. "Ate, I need to tell you something pero sana huwag kang magalit." "Alam ko ang nakita mo sa wedding namin. At alam ko rin kung ano ang meron sila." agad niyang sabi at natigilan ako. "I'm sorry, kung hindi namin sinabi sayo." "A-anong ibig mong sabihin ate?" nagugulohan kong sabi. "You mean alam niyong lahat?" ng tumango siya para akong binagsakan ng malaking bato noong mga oras na yon. "Gusto nilang sabihin sayo noon pa after na maging kayong tatlo kung sakali. Para pag sinabi nila, at least maiintindihan mo at matatanggap mo sila. Pero hindi yon nangyari." ilang beses akong kumurap at napasandig sa upuan. "Hindi ka man maniniwala ate pero sila ang first love ko. Mahal ko pa rin sila, kaya nga binigay ko ang first ko noong nasa resort kami on my 18th birthday." namilog ang mga mata niya at napakagat labi ako. "Sila ang nakauna sayo?" nahihiya akong tumango. "Wow… hindi ko inaasahan yon." "Niyaya ko sila sa resort noon ateh. We really had fun, it was my best post birthday moment. Kaya lang… kaya lang natakot ako. Natakot ako sa maaaring sabihin ng mga tao. Natakot ako sa panghuhusga ng iba kaya umiwas na ko ng bumalik kami rito. Then I met Tyrell and I moved on. Noong umalis sila papuntang Japan, sobrang nalungkot ako. Gusto ko ngang sumama pero pinigilan ko ang sarili ko at may boyfriend na rin ako. Tapos noong makita ko sila sa wedding niyo, hindi mo lang alam kung gaano ko kagustong yakapin sila, halikan. The night of the wedding reception, hinanap ko sila para humingi ng tawad, hindi ko akalain na...na… May nasabi ako ate! And I saw very clearly the hurt on their faces!" "Ames, kumalma ka lang…" awat niya sakin at huminga naman ako ng malalim. Baka magising si baby sa pagda drama ko. Hindi ko lang kasi mapigilan, ang daming pent up anger, frustrations and regrets sa loob ko at ngayong kaharap ko si ate Strawberri, I just blurt it out! Pinahiran ko ang tumulong luha sa aking pisngi at nakikita ko sa kanyang mukha ang awa. "I am sorry ate, hindi ko sinasadya na sabihin yon. Nagulat lang ako, hindi lang ako makapaniwala." "I know and I understand… I'm sorry too Ames. Sana kinausap mo ko, tignan mo ngayon ang dami mong kinikimkim. Hindi na ikaw ang masaya at carefree na Amethyst na kilala ko." "Hayaan mo ate babawi ako, babawi din ako sa kambal. Yon eh kung bibigyan pa nila ako ng chance. Babawi ako as a friend, pwede naman siguro yon." "Of course pero sana maging future sister in law parin kita. Boyfriend mo pa lang si Tyrell noh." napatawa ako. Maya-maya umiyak si baby at nagulat ako ng bigla na lang lumabas lahat ng aking mga kapatid. Natatawa ako sa inaasta nila, at sobra silang nagpapanic. I wonder kung ganito rin kami ng mga kambal kung sakali lang naman. God! I am such a stupid, stupid girl!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD