Amethyst 1
"What the hell did you say?!" galit na sabi ng aking Papa Julio ng sinabi ko ang plano namin ng aking boyfriend na titira na magkasama. In short, maglilive-in na kami. Nag-aaral kami sa aming final year ng college, need ko lang mag-graduate at ipapa-manage na sakin ng aking grandparents ang kanilang jewelry shop. May kanya-kanya ng trabaho ang mga kuya ko, nakafocus sa construction company at sa restaurant. Ako naman nakahiligan ko ng mag design ng jewelry. We've been dating for 6 months now at sabi niya gusto na niya akong makasama lagi. Ako, gusto kong mahiwalay sa mga magulang ko kasi parang nasasakal na ko lalo na at napaka strict ng aking mga ama at kapatid sa akin. Nang malaman nga nila na may boyfriend ako parang may sumabog na bomba. Hindi naman ako na-surprise kasi alam kong inaasahan nila na kami ng mga Valdez twins ang magkakatuluyan. Best of friends kasi ang mga mothers namin, ngayon nga girlfriend ng mga kapatid ko si Ate Strawberri na nakatatandang kapatid ng kambal.
Lilipat na nga sila sa bago nilang bahay at tutulungan ko siya sa pagliligpit ng kanyang mga gamit bukas sa kanyang apartment. Ang twins naman, umalis na papuntang Japan para i-manage sandali ang tinayo nilang company doon. Medyo masama ang loob ko na hindi nila sinabi sa akin pero in-explain naman ni Ate na mahihirapan sila sa pag-alis pag andon ako. Alam ko ang nararamdaman nila sa akin pero binalewala ko lang yon. I have my own choices though at kailangan ko yong panindigan. At magsisimula ako sa pagiging independent, at ang pagsama ko sa iisang tirahan ng aking boyfriend.
"Gusto kong tumira kasama si Tyrell, hindi ako nagpapaalam, sinasabi ko lang sa inyo. Malaki na ko, kaya ko na po ang sarili ko." sabi ko sa kanila.
"Nababaliw ka na ba? Ilang months pala lang kayo ng lalakeng yong maglilive-in na kayo? Buti sana kung years na kayong magkarelasyon."
"Well, iba na ang panahon ngayon Papa Julio." sarcastic kong sabi at matalim niya akong tinignan.
"Sigurado ka ba dyan anak? Hindi mo pa lubos na kilala ang boyfriend mo." sabi ni Papa Bruno.
"Six months is enough Papa B. Doon din naman ang punta namin in the future."
"What a funny thing to say." sabat naman ni Papa Yago. "Alam kong mayaman ang boyfriend mo Amethyst pero may attitude din ang isang yon eh." sabat ni Papa Yago.
"Paano mo nalaman Pa? Ni hindi pa kayo nagkakilala." bumuntong-hininga ito.
"Paano namin makikilala kung ayaw mo siyang ipakilala Amethyst?" irita namang sabi ni Papa Fabio. "Then you want to live on your own with him?"
"Pa, masyado pang maaga para ipakilala siya sa inyo." angal ko.
"And yet titira ka kasama siya! Ano bang nangyayari sayo?!" galit na galit ng sabi ni Papa Julio sabay bagsak niya ng kamay sa mesa. Napangiwi naman ako at yumuko. "Pinapabayaan ka na nga namin sa gusto mong gawin. Strict kami sayo but your our only daughter, ayaw namin na masaktan ka o mapahamak. Tapos ganyan mo kami sasagutin? Yan ba ang influence sayo ng boyfriend mo ha?!"
"Tama na!" awat ng aking Mama at napatingin kaming lahat sa kanya. "Mga darlings ko, hayaan na natin si Amethyst. Gaya nga ng sabi niya, malaki na siya, kaya na niya. Hindi na din naman siya virgin eh."
"Ma naman!" irita kong sabi at ngumiti lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko at malakas yong pinisil. Tumingin ako sa kanya at nakatitig siya sakin. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, umiwas siya ng tingin. Tumayo ako at nagpaalam na aakyat na sa kwarto ko.
"Amethyst, huwag na huwag kang lalapit at iiyak sakin pag nagkamali ka sa desisyon mo okay?" pagbabanta niya sabi. Napakuyom ako ng palad at huminga ng malalim.
"Okay Ma." diin kong sabi at tuluyan ko na silang iniwan sa dining room. Padabog akong umakyat sa kwarto ko at bagsak na sinara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sinabi niya? Maling desisyon? Ang mali ay ang pagkakaroon niya ng apat na asawa na nagpahirap sakin kahit noong bata pa ko! Nahihiya akong ipakilala sa inyo ang boyfriend ko dahil sa sitwasyon natin! Kinuha ko ang aking unan at inis na sinuntok ito! Anong masama kong hindi na ko virgin? Siya din naman nong makilala niya ang mga Papa ko! Me and my mother are so close before pero habang tumatagal nararamdaman ko ang paglawak ng distansya namin sa isa't-isa.
It was my 18th birthday when I decided to give up my virginity. Nagkaroon ako ng isang bonggang debut at after ng masayang gabing yon, pumunta ako sa isang sikat na resort kung saan libre lahat ang aking accomodations na regalo sa akin ng isa sa aking kapatid. Akala nila ako lang mag-isa pero niyaya ko ang Valdez Twins. Nagsaya kami sa beach, nagharutan, naglandian, pumunta kami sa isang beach party. Marami akong ininom na alak hanggang sa pinigilan nila ako at dinala sa aming suite. And their, nangyari ang lahat, binigay ko sa kanila ang aking first, they were happy, I was happy. Pero ng bumalik kami sa university, umiwas na ko sa kanila. Nagtataka sila kung bakit, akala nila may nadevelop ng relationship sa aming tatlo, gusto ko din naman pero natakot ako. Natakot ako na husgahan ng mga tao kung sakali man na nalaman nila na nakikipagrelasyon ako sa dalawang lalake.
Lumaki ako ng may apat na daddy, the experience within our family is good pero pag sa labas, we need to be discreet as possible. Ayoko ng ganong relationship, gusto ko toxic free, na hindi ka huhusgaan ng mga tao. Kinausap ko sila na maging friends na lang kami kasi hindi pa ko ready. Tinanggap naman nila and we stayed friends. Mas nauna silang nag-graduate ng college sakin kahit magka-age lang kami. They were considered geniuses kaya nakapag skip sila ng one year sa high school. Sa final year ng aking college, nagkaroon ako ng boyfriend. Isa siyang business management student at ang pamilya niya ay nagmamay-ari sa isa sa pinakamalaking mall dito sa bansa. Doon ko napansin na lumalayo na sa akin ang kambal at hindi na kami close tulad ng dati. Alam ko naman ang feelings nila sakin kahit noon pa pero ayoko lang talaga ng conflict sa buhay ko kaya nagpatuloy na lang ako. Huli na ng malaman ko na pumunta na sila sa Japan para i-manage ang business ng kanilang pamilya for a year. Nakakasama lang ng loob na ayaw nilang ipasabi sa akin, hindi ko naman sila pipigilan.
Kung kaya nila akong iwan ng ganito, gagawin ko din ang gusto ko sa buhay. I am going to live with my sweet boyfriend at sisiguraduhin ko na magiging kami forever. Pero habang yon ang mind set ko parang may labis na kirot sa aking puso. Binuksan ko ang drawer ng aking side table at nilabas ang isang picture frame at nakalagay doon ang picture namin ng kambal. Napakagat labi ako, malayang tumulo ang aking luha sa aking mga mata at niyakap ko ito. Umiyak ako buong gabi, feeling the big space in my heart. What have I done?