Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama ang aking boyfriend para sa matagal na naming plano na lunch date. So we were eating, talking about nothing really. Nagkumustahan lang ganon, I'm actually playing with my food, as good as it looks, mas masarap pa rin talaga ang food sa restaurant ni Kuya Falco at sa restaurant din ng aking Ninong Giovanni.
Napatingin ako sa kanya at busy siyang nagta-type sa kanyang phone na lagi na niyang ginagawa pag magkaharap kami. Actually, parang wala na kaming pakialam sa isa't-isa at malimit na lang siyang umuwi sa condo namin. I don't mind though, magaan nga ang feeling ko pag wala siya doon. After a year and a few months of dating parang nagkasawaan na kaming dalawa. I wanted to be an independent woman and look what have got me, baka maghiwalay na kami ng pinagmamalaki kong boyfriend sa pamilya ko.
"I think we should go on seperate ways." bigla niyang sabi na nagpatigil sakin. Binitawan ko ang fork at hinarap siya na seryosong nakatingin sa akin.
"Nakikipaghiwalay ka sakin?” tanong ko sa kanya at tumango siya. “Kakacelebrate lang natin ng anniversary natin. Why? Did I do something wrong?”
"Wala… Wala Ames… Pero ramdam naman nating dalawa na hindi na tayo masaya. Why don't we end our misery Amethyst?” sagot niya.
"Misery? You call our relationship a misery?” hindi ko makapaniwalang sabi. “Wow…” bumuntong-hininga siya at akmang hahawakan ang kamay ko pero umiwas ako.
“I’m sorry, hindi ko dapat sinabi yon. Pero tama ako na hindi na tayo masaya diba? So, why not end it? We had fun pero may iba na tayong priorities ngayon. Sa pagma-manage ng mall na ako naka-concentrate at ikaw busy ka sa pagiging manager mo sa jewelry boutique ng family mo. Wala na tayong time sa isa’t-isa at malimit na rin tayong nagkikita kahit sa iisang condo lang tayo nakatira.” bumuntong-hininga din ako at napahawak sa aking noo. Tama din naman siya eh. Mas mabuti na sigurong tapusin na namin ang boring na relationship namin.
“Alam ko… Sorry din at nawalan ako ng time sa ating dalawa. Akala ko makakaya natin, mahirap din pala lalo na at wala na talagang spark.” bahagya siyang malungkot na ngumiti at tumango. “Paano ang condo natin?”
"You can have it, I’ll be moving out tomorrow. I’m sorry for not telling you pero my pad na akong kinuha malapit sa mall namin.” bigla akong natawa.
“Ganyan ka excited na umalis na? Grabe ka sakin sweetie…” tukso ko sa kanya. “Thank you though… Now, we can find our happiness elsewhere. I should go, ang awkward na kasi. Kunin mo na lang ang mga gamit mo, sa bahay ng parents ako magi-stay ngayong gabi.” tumango lang naman siya at tumayo na rin. Ngumiti ako, niyakap siya at dinampian ng isang halik sa pisngi tapos ay nagpasalamat ulit. After that, lumakad na ko palabas sa restaurant at madaling sumakay sa aking kotse.
Habang nagda-drive ako, tinawagan ko ang phone ni Ate Strawberri pero hindi siya sumasagot. Di bale, pupuntahan ko na lang siya, hindi na kasi ako makapaghintay na sabihin sa kanya ang good news Hindi ko alam pero parang nakahinga na ako ng maluwang ngayon. I am totally free from that sad, sad relationship. Titiisin ko na lang ang sermon ng mga magulang ko at siguradong sasabihin ng Mama ko na I told you so!
Whatever happens now, bumalik man ang kambal, walang magbabago, dahil sigurado naman akong hindi na nila ako tatanggapin pa. Okay na sa akin ang maging magkaibigan kami ulit. I think this will be my punishment, to see them happy with someone else, or to see them happy with each other. Ang tanga ko naman kasi! Bakit kasi nag-react ako ng ganon ng makita silang naghahalikan. Ni hindi ko pinakinggan ang paliwanag nila. At ang problema? Natakot na naman ako! Naging impulsive ako! Kasi wala na akong magiging lugar pa sa kanilang buhay dahil sila na! That they have each other na. Sisingit pa ba ako?!
Nagtaka ako ng makita ang sasakyan ng mga magulang ko at sasakyan nila Ninang Sherri na naka park sa garahe nang makarating ako sa bahay ng mga kapatid ko. Pinark ko din ang aking kotse, hindi ko na lang yon pinansin. Malamang gusto nilang dalawin ang kanilang apo. Sakto at pumunta ako at sana makakakain na rin ako ng matinong lunch ngayon. Narinig ko ang ingay paglapit ko sa bahay, nakabukas ang pinto at may nakita akong mga confetti at balloons na nakakalat sa sahig at sa paligid. Pumasok ako at natigilan ng makita ang aking mga magulang, sila Ninang Sherri at mga Ninong ko, mga kapatid ko at hawak ni Kuya Joaquim si baby Citron. Pero ang hindi ko inaasahan ay sina Greyson at Grayden na nandoon rin.
“Amethyst?” tumingin ako sa nagsabi non at nakita ko si Ate Strawberri na may dalang tray ng drinks at galing sa kusina. Biglang tumahimik at tumingin ang lahat sa akin na naroon. Para akong binagsakan ng malaking bato noong mga oras na yon. Parang sobra akong nahiya dahil pumunta ako dito, pero hindi ako invited. Pinigilan ko ang maiyak, pinigilan ko ang paglapit sa kambal para yakapin sila ng mahigpit.
“I-I’m sorry…” sabi ko at pilit na ngumiti. “Hindi ko alam na...na...I-I’ll just go ate, sorry ulit.” at mabilis akong tumalikod at mabilis na lumakad palayo. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Sasakay na sana ako ng may pumigil sa aking braso at hinila paharap sa kanya. Nagulat ako ng makita si Grayson na seryoso ang mukha tapos ay lumambot ito pagkakita sa naiiyak kong mukha. Hinawakan niya ang aking mukha, hinaplos ng kanyang thumb ang aking pisngi. Ngumiti siya ng konti at nabigla ako ng niyakap niya ako. Tuluyan ng tumulo ang pinipigilan kong luha, hindi ako makapaniwala, totoo ba toh?
“I miss you baby…” malambing niyang sabi at hinalikan niya ang aking ulo. Yumakap na rin ako sa kanya at hinigpitan ang hawak ko. Feeling ko kasi para siyang mawawala. “Don’t cry please…” napasinghot naman ako at humiwalay sa kanya.
“Napuwing lang ako noh!” sagot ko at tumawa siya. “Hindi na nga kayo nagsabi na aalis kayo pati ba naman pagbalik niyo hindi niyo rin sasabihin.” tampo kong sabi.
“Sorry, ayaw kasi namin na makagulo sayo. Akala ko ba may special lunch date ka with your boyfriend?” nagtataka akong tumingin sa kanya. “Sinabi sa amin ni Ate.”
“Uhm, hindi natuloy eh… Kaya pala hindi ako invited sa lunch party niyo.” napakamot lang siya ng kanyang ulo. “Pero I am happy na nakabalik na kayo and I see that your doing well.”
“Yeah...I am doing well lalo na ngayon na nakita na kita.” ngumiti lang naman ako at pinahiran ang aking mukha. “Bumalik na tayo sa loob, welcome ka naman eh.”
“Ha? Ayokong makaabala sa inyo.” hinawakan niya ang kamay ko at uminit ang aking mukha ng dinampian niya ng halik ang palad ko.
“Ano ba, your family, hindi ka abala. Halika na Amethyst, magtatampo ako pag hindi kita kasamang bumalik.” at napanguso siya na parang isang bata. Tumawa naman ako at pinalo siya sa kanyang braso.
“Sige na nga! Gutom na nga rin ako eh.” matamis siyang ngumiti at sabay kaming lumakad papasok sa bahay. Naghihintay naman sa porch si Ate Strawberri kasama ang aking Mama Jewel. Pinaningkitan ako ng mga mata ng aking ina at siya ang unang lumapit sa akin.
“Ang arte ah!” sabay kurot niya sa aking tagiliran. “Ang hilig mo talagang mag-walkout na lagi mong ginagawa.”
“Ma naman, hindi niyo kasi sinabi na may lunch party pala kayo rito. Hindi po natuloy ang lunch date ko kaya pumunta ako rito para makikain kila kuya.”
“Ang sabihin mo, hindi masarap ang restaurant na pinagdalhan sayo ng boyfriend mo!” napayuko naman ako.
“Wala na po akong boyfriend, hiwalay na kami.” bigla kong sabi at agad kong natutop ang aking bibig. Bakit ko sinabi agad?!
“ANO??????!!!!!!!!” malakas na sabi ng aking ina at napakagat na lang ako ng aking labi. Tumingin ako kay ate Straw at kay Greyson na di makapaniwala ang kanilang mukha.