Chapter 9: CHANEL VILLALUNA

1856 Words
  Dumating ang araw ng script reading and meeting with other new artist like me. Halos lahat kami ay new artist dahil hindi pa malalaki ang talent fee namin. At siyempre, para sa mga nagsisimula, malaking bagay na ang magkaroon ng palabas at makapagpakitang gilas. Ako naman ay walang interes sa pagpapasikat. Hoping pa rin akong may makitang new boylet dito sa mga magiging cast. As much as possible, gusto ko pa rin ma-attract sa iba dahil tuod talaga si Emil. Kahit bumukaka ako sa lalaking ‘yon mukhang tatanggihan ako. And I made sure naman na hindi na ‘ko gagamit uli para lang may mangyari sa ‘min. Masyado na ‘kong desperada no’n, ah. Ipinakilala ako kung kani-kanino ni Mother Jimmy. Napagod na nga ‘kong ngumiti, makipag-small talk at kung ano-ano pa. Isa na roon din ‘yong pagngiti kahit alam kong may laman ang ibang words ng mga may matataas na katungkulan. Definitely, hindi naman ako nagpapabastos. Sadya lang na I can play it cool. Pero for sure, maraming babae ang hindi magiging kasing komportable ko sa ganoong usapin and I respect them for that matter. As usual, kasunod ko si Emil. Pero simula nang umalis kami sa mansion five days ago naging mahigpit at seryoso na siya, which is hindi ko gusto at naiirita ko. Hindi dahil mahigpit siya, kung hindi dahil napakasungit na niya sa ‘kin. Hindi niya ‘ko gustong makipagkita sa iba pero ayaw naman niya ‘kong tabihan sa kama. Well, honestly, eversince Emil and I did that, nawala na rin ang drive ko sa ibang lalaki and here I am, boy hunting! Sa isang malaking kuwarto kami nag script reading. Pero bago ‘yon nagpakilala kami sa isa’t isa, nagkuwentuhan para magkaroon kami ng connection sa isa’t isa. It’s fun, para bang refreshment kumbaga. For the past couple of years, paulit-ulit ang routine ng buhay ko. Pero ngayon may nabago. It’s fun meeting and talking with people. Pero itong fun na ‘to hanggang dito lang sa trabaho na ‘to, ‘cause I can’t fully trust a person. Dahil hindi ako puwedeng hiwalayan ni Emil nang husto kaya nasa loob din siya ng kuwarto pero doon siya nakatayo malapit sa pintuan. Iyong normal suit and tie niya at pagkakasandal at pagkakapamulsa—gosh! Sobrang hot niya sa part na ‘yon! At hindi ko masisisi ang ilang napapalingon sa kanyang babae. God, he’s so handsome and looks like a model! Akala nga no’ng iba kanina, siya ang leading man ko. “Chanel?” Napaigtad ako nang may tumapik sa ‘kin. “Are you okay?” nakangiting tanong ni Tom, ang partner ko. “Oh, sorry!” Nangiti ako. Nangiti naman din siya. He’s handsome. Actually, he’s kinda my type, clean cut, white teeth, looks good with his white skin, and also smell good. He’s pretty handsome, iyong alam ko kaagad na sisikat after some push. But because of that devilishly handsome bodyguard of mine, I can’t appreciate this handsome man beside me. Iyon bang lahat-lahat sa kanya sa paningin ko ay siya ang lamang. What the heck! This attraction will be the death of my s*x life! Nag script reading kami at mas nagpokus ako. After an hour nagkaroon kami ng coffee break pero hindi na ‘ko tumayo. Mas gusto kong makipagtitigan kay Emil na ngayon ay nakahalukipkip naman at nakasandal. Ang pesteng lalaki talagang nakipagtitigan sa ‘kin! Nginitian ko siya  at siniguro kong kaakit-akit ako. Well, alam na alam ko na ang mga kaakit-akit na paraan na dapat kong gawin. Pinoy na pinoy ang kulay ni Emil. Ang ilong niya ay kastilain, may manipis siyang labi na mapula siguro dahil na rin wala akong nakikitang bisyo niya sa paninigarilyo. Kapag ngumiti siya, pantay-pantay ang mapuputi niyang ngipin. Maganda ang hugis ng kanyang panga. Pero ang pinakapaborito ko sa kanya ay ang mga mata niyang may malalantik na pilikmata. Itim na itim din ang itim ng mga mata niya, mas intimidating. Ang buhok niya nga parang itim na kinulayan pa ng itim ang dating at slick back. Looking at him, I felt like I’m seeing a confident billionaire. “Hey, are you not having a break?” Napatingala ako kay Tom. “Oh, I’m full and I’m okay,” sagot ko nang makaupo siya sa kanyang puwesto. “Well, mind if I talk to you?” nakangiti niyang tanong. “Sure, sabi naman ni direk let’s talk more para magkaroon tayo ng good connection,” nakangiti ring sangayon ko. Nag-usap kami pero pasulyap-sulyap ako kay Emil. Nawala ang konsentrasyon ko nang makita ko siyang nakangiti at nakikipag-usap kay Cassie, ang kontrabidang gaganap. Nangunot ang noo ko dahil may paghampas pa ‘yong si Cassie sa balikat ni Emil. Ito namang lalaking Emil na ‘to hindi nawawala ang ngiti at mukhang walang pakialam kung matagal na ang palad ni Cassie sa braso niya. “Chanel?” untag ni Tom. “Sorry, I need to talk to my bodyguard. May ipakukuha lang akong gamot sa ‘king headache.” Tumayo na ‘ko. “Excuse me, just a moment.” “Oh, sure,” mahinang sagot ni Tom. I’ll make sure na nag bounce ang curly hair ko habang naglalakad. I’m sexy wearing my hanging blouse long sleeve and highwaist black buttoned pants. Even my high heels black boots gave me a sexy walk. “Emil!” tawag ko nang isang dipa na lamang ako. “Oh, Cassie, sorry did I interrupt your conversation with my bodyguard?” Nag-aalalang tanong ko. “Ah, hindi naman, Chanel.” Naibaba niya ang palad niya. Good, atleast she knows who owns the man she’s trying to flirt with. “Oh, It’s a relief, then.” Nakangiting sabi ko. “Emil, let’s talk in some other time,”nginitian pa ni Cassie si Emil bago umalis. Ang lalaking herodes ngumiti at tumango. “Good luck.” Nang makaalis si Cassie ay nakipagtitigan ako kay Emil habang nakahalukipkip. Pero namulsa lang siya at nakipagtitigan din sa ‘kin. “Gusto mo bang kumain, Ms. Chanel?” “No,” matigas kong sagot. “Very nice naman pala, buti pa ‘yong ibang tao nai-good luck ng bodyguard ko,”nginisian ko siya. “Good luck din—” “So, you want that kind of girl rather than me?” tanong ko habang umaarko ang kilay. “Nasa script reading ka ‘di ba? Puwede bang kung magagalit ka at kokomprontahin ako gawin na lang natin ‘yon pag-uwi. Isa pa, kasasabi lang sa ‘yo na magiging de-numero ang galaw ninyo habang nasa ilalim ng contract na ‘to.” “E—” “Ms. Chanel, kung hindi mo planong sumikat, gumawa ng another project, maging artista, at kumita sa industriyang ‘to, kahit ‘wag mo na lang sirain ang pangarap ng mga kasama mo. Lahat sila may iba’t ibang dahilan pero paniguradong mas malalim kesa sa dahilan mo.” Mariing aniya. Somehow, I got offended. Naging masungit siya sa ‘kin at ngayon nagiging matalas ang kanyang dila. Pero alam kong tama siya kaya wala akong karapatang magalit at magwala. Dahil totoo na ang dahilan ko rito ay mababaw, makahanap ng lalaki. Habang ang iba, pangarap nilang magkaroon ng magandang break at another project at kung mas papalarin ay magkaroon ng mga big roles. “I hate you.” Tumalikod na ‘ko at bumalik sa ‘king puwesto. Hindi ko siya tinitingnan dahil nasaktan niya ‘ko sa sinabi niya. Nasaktan din ako dahil alam kong tama. At ayoko naman na mas lalo pa ‘kong maging kahiya-hiya. Kaya kesa magpokus sa paghahanap ng guwapong lalaki ay mas gusto kong pagbutihin ang ginagawa ko ngayon. Kami ang main character ni Tom. Kung hindi magiging maganda ang performance namin, parang inalisan na rin namin ng tiyansa na mapansin ang ibang artist. Dahil kapag ang bida ng kuwento ay walang spark at sense or even heart for acting, mawawalan na ng gana ang tao na ipagpatuloy ang panonood. Naging seryoso ako sa script reading at mga payo lalo na sa ‘king tone of voice. May maamo raw akong mukha pero ang boses ko ay naroon iyong confidence and pagiging likas kong high pitch—kontrabidahin ang boses ko sa madaling salita or hindi fit sa character ni Eloisa. Si Eloisa ay isang college student na may maamong mukha at mahinhing ugali’t asal. Lumaki siya sa probinsiya at nakilala niya si Tom, isang anak mayaman. Actually, typical story pero maganda ang deliveries of lines and character development that’s why kahit cliché ang kuwento may uniqueness naman siya sa iba. Kumbaga, lumang lutuin pero pinasarap sa bagong sangkap na naidagdag. Halos gabi na rin nang makabalik ako sa sasakyan. Pagod na pagod ako. Hinayaan kong si Emil ang maglagay ng seatbelt ko. Pero hindi ko siya kinikibo. Bahala siya sa buhay niya. “Bibili ba tayo ng dinner mo?” tanong niya habang pinatatakbo ang sasakyan. “You can buy anything you want but I’ll pass. I am not in my mood to eat.” “Kanina ka pa hindi kumakain. Breakfast ang huli mo,” may pag-aalala sa boses mo. “Hindi ako mamamatay dahil lang do’n.” “Miss, kailangan mong kumain. Sabihin mo sa ‘kin kung anong kakainin mo at ibibili kita.” Ewan ba, pilit akong ‘di ngumingiti kahit may kiliti akong nararamdaman sa paraan niya ng pamimilit sa ‘kin. “I want pizza, lasagna and chicken.” “Ayaw kumain pero maraming gustong kainin.” “Okay, then don’t ask me again—” “Bibili ako, ayos lang ba kung iwanan kita saglit sa sasakyan?” Tumango-tango ako. “Sure, no problem.” After fifteen minutes nag park kami sa kilalang Pizza parlor. Naiwanan ako sa loob ng sasakyan. Napasandal ako sa upuan. Pakiramdam ko may ‘s****l addiction’ ako na nararamdaman ngayon. As in ngayon ko lang naisip ‘yon. Simula nang ginawa namin ni Emil ‘yon naging laman siya ng pantasya ko. At ang masama rito, may kung ano-anong pumapasok sa utak ko na gawain para lang mapunan ang nararamdaman kong s****l urges towards him. Yes, noon pa, nakikipag-s****l intercouse ako sa mga lalaki pero hindi iyong ganitong pakiramdam na parang uncontrollable urges. Iyong habang tumatagal na wala kaming closure in bed, nagiging maiinitin ang ulo ko at naiirita ako to the point na naiisip ko uling lagyan ng gamot ang iniinom niya para lang matuloy. Pero hindi, nilalabanan ko ang nararamdaman kong ‘to dahil hindi na ‘to normal. At malaking pagkakamali na ‘yong ginawa ko at ito nga ang napala ko dahil sa pagtawid ko sa boundary. Alam ko rin na hindi ‘to mapupunan ng iba. Gosh, why am I being like this?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD