Conference

1582 Words
You came.” Wika nang matandang si Leandro nang dumating si Elizbeth sa board room nang hospital. Sa loob noon ang mga doctor at directors nang buong hospital. Nang sabihin sa kanya ni Sophia at Alexander na humihingi nang public apology ang lolo nang binata at ama ni Erika. Bigla siyang kinabahan. Mabuti nalang at hindi isang public apology na kailangang nasa harap siya nang Camera at kailangang e-televise. When he means public apology, he meant infront of all the doctors and Executives nang hospital dahil nandoon sila sa kasal nina Erika at Alexander. And apparently, Gusto nang ama ni George na hindi masira ang imahe ni Erika. Nang pumasok si Elizabeth. Agad siyang napatingin sa mga doctor at directors na nandoon. Nakakaintimidate ang mga tingin nang mga ito sa kanya. Napansin din niya si Alexander at Erika na magkatabing nakaupo. Pakiramdam nang dalaga nasa harap siya nang isang paglilitis. Bago siya naglakad papalapit sa unahan. Nakita niyang tumayo si Alexander sa kinauupuan nito at naglakad papalapit sa kanya. “Are you sure you want to do this?” tanong ni Alexander. “Sinabi ko nang hindi mo kailangang gawin---” putol na wika nang binata. “Don’t worry. I just want to clear this misunderstanding.” Agaw nang dalaga. “Please don’t misunderstood. Hindi ako nag-aalala saiyo. I just don’t feel like this is making sense.” Wika nang binata. Dahil sa sinabi nang binata bigla siyang napatingin sa mukha nang binata. “I agree. This does not make any sense, especially getting involve in your own mess.” Wika Elizabeth dahil sa inis. Hindi naman niya kailangang ipamukha sa kanya na hindi ito nag-aalala. Isa pa wala sila sa ganoong sitwasyon kung matapat lang nitong sinabi sa lolo niya na ayaw niyang magpakasal. Naglakad si Elizabeth papunta sa platform sa unahan saka tumayo sa harap nang mga doctors and directors. Sa harap niya ay ang chairman nang hospital at ang lolo ni Alexander. Nakita din niyang muling naglakad si Alexander papalapit sa kinauupuan ni Erika. Saka muling naupo sa tabi nito. Ilang sandaling nakatayo doon si Elizabeth habang nakatingin sa mga doctor. Sanay naman siyang humarap sa maraming tao. Dahil minsan kapag may mga gatherings sa Costa Estrella o inaanyayahan sila sa mga events, minsan siya ang pinagsasalita ni Rupert at Leonard. Pero sa pagkakataong iyon habang nakatayo siya sa harap nang marami hindi niya mapigilang hindi kabahan. Ang mata nang mga tao sa loob nang board ay kakaiba. They are looking at her at pakiramdam niya hinuhusgahan na siya agad nang mga ito. Oh well. Wika ni Elizabeth sa sarili niya. Hindi na rin naman niya mapipigilan ang magsalita. Better end this. Dagdag pa nang isip nang dalaga. Nang ibukas niya ang bibig niya upang magsalita bigla nalang may kamay na nagtakip sa mikropono. Sa gulat ni Elizabeth agad siyang napatinginsa may -ari nang kamay na tumakip sa micropono. Nagulat pa siya nang makita si Alexander na nakatayo sa tabi niya at siyang nagtakip nang micropono. Hindi lang si Elizabeth ang nagulat dahil sa nangyari maging ang mga doctor at directors na nandoon lalo na si Leandro, George at Erika. Napatingin naman si Elizabeth sa mga taong nasa loob nang board room bago muling bumaling kay Alexander. “Everyone. Thank you for coming today. Well, I think you shouldn’t have but since you are here let me use this occasion to personally apologize to this young lady.” Wika ni Alexander at tumingin kay Elizabeth. Napakunot ang kilay nang dahil sa pagtataka. What is he doing? Iyon ang nasa isip nang dalaga. Hindi niya maintindihan ang binata. “This young lady has nothing to do with my decision not to get married. It was my personal choice not to continue with the marriage.” Wika nang binata bago bumaling sa lolo niya at sa ama ni Erika na ngayon at nagagalit dahil sa biglang ginawa nang binata. “My words would not be enough to probably appease your anger.” Wika nang binata habang nakatingin sa dalaga. “I know, I have wasted all your time. I again apologize for that.” Wika pa nang binata. “I will not give any reason or justify my action.” Wika nang binata saka humarap kay Elizabeth. “To this young lady, who got involve with my mess. I am sorry, truly.” Wika nang binata habang nakatingin sa mga mat ani Elizabeth. Hindi naman makapagsalita si Elizabeth dahil sa labis na pagkagulat. Hindi niya alam kung anong gustong mangyari nang binata. At hindi lang siya ang nagtataka sa nangyari. They all are. “What happen out there, young man!” galit na asik nang lolo ni Alexander sa binata nang maiwan sila sa loob nang board room. Lahat naiwang speechless dahil sa biglaang ginawa nang binata. Maging si Elizabeth nang mga sandaling iyon ay hindi parin makapagsalita dahil sa gulat. “Gramps, sinabi ko na dati. Huwag na nating idamay ang ibang tao. Ako ang ayaw magpakasal. Bakit kailangan nating ipasok sa gulo ang dalagang ito. Uulitin ko ayokong magpakasal.” Mariing wika ni Alexander. “Mr. Bolton, magalit na kayo sa akin pero ayokong magpakasal sa anak niyo.” Wika nang at bumaling sa ama ni Erika saka bumaling kay Erika na nakaupo. “I don’t have anything against you. You are a great woman. But really, hindi ko kayang dayain ang sarili and you. I don’t want us to live a life with a bind of only business. You deserve someone better.” Wika nang binata sa dalaga. “Let me guess. You are doing this to rebel against me dahil hindi ko binigyan nang consent ang relasyon mo sa dati mong kasintahan. Five years have passed Alexander. And she is dead. You can’t bring her back to life.” Bulalas nang lolo nang binata. Napatingin naman si Elizabeth sa matanda. Nakita ni Elizabeth ang biglang pagkuyom nang kamao ni Alexander. “It is my decision not to get married.” Wika nang binata at naglakad palabas nang board room. Taka lang na sinundan nang tingin ni Elizabeth ang Binatang naglakad papalabas nang silid. Hindi naman alam ni Elizabeth kung anong sasabihin. Ano bang tumatakbo sa isip nang binata at ginawa niya iyon. Ginawa ba iyon ni Alexander upang hindi siya mapahiya? Hindi niya masundan ang takbo nang utak nang binata. Bakit napakatwisted nito. “This is absurd. Hindi ko makakalimutan ang ginawa nang apo mo Mr. Montefuego.” Galit na baling nito sa matanda. “Erika tayo na.” anito at nagpatiuna. Wala namang imik na tumayo si Erika at sinundan ang kanyang ama. Hindi naman nagsalita pa ang matandang lalaki. Tumayo ito mula sa kinauupuan at naglakad palabas nang conference room. Naiwan sa loob nang board room si Leandro at ang assistant nito kasama si Elizabeth. Bigla namang napaigtad ang dalaga nang biglang humarap sa kanya ang matanda saka naiiling na lumabas nang board room. Nang makalabas ang mga ito. Bigla namang napaupo sa platform ang dalaga para siyang naubusan nang lakas sa nangyari. “Your Highness.” Wika ni Sophia na pumasok sa board room saka nagmamadaling lumapit sa kanya. Nang marinig ni Elizabeth ang boses nang kaibigan napatingin siya dito. “Are you okay? What happen?” tanong nito sa kanya. “Nakasalubong ko ang mga doctor at directors. Mukhang dismayado yata sila.” “I don’t know, really.” Wika ni Elizabeth at tumingin sa kaibigan. “Should I inform Butler----” “No.” maagad na wika ni Elizabeth. “I was just actually confused as to what happened.” Wika ni Elizabeth saka tumingin sa kaibigan niya. “Pareho nating alam ang galit ni Dr. Alexander sa akin at sa pamilya ko dahil sa nangyari kay Dr. Elize at hanggang ngayon hindi parin niya ako napapatawad. I know that. But he--- He apologize infront of everyone. And take all the blame.” Wika ni Elizabeth. “You know, your highness. Dr. Alexander is a good man. Kahit naman galit siya s aiyo. And Kasal niya at ang nangyari five years ago ay magkaibigang bagay. Probably, he can’t forgive you sa nangyari to whatever sin you may have against him. But I understand him. Hindi ka naman involve sa kagustuhan niyang hindi magpakasal. Let’s be glad nalang dahil atleast hind na madadawit ang pangalan mo sa pagback out niya sa kasal. What we have to worry about right now is ang mga nurse and doctor dito sa hospital. For one, I know, kay Dr. Erika ang simpatya nila dahil sa siya ang anak nang Chairman. This will not be a smooth sailing ride, Princess.” Wika ni Sophia. “You don’t have to sound worse than it was.” Anang dalaga. Iyon din naman ang nasa isip niya. Kahit nang malaman nang mga ito na na involve siya sa nasirang kasal nang dalawa they are already judging her. Kahit siguro sinabi n ani Alexander na wala siyang kinalaman, the fact that nadawit na ang pangalan niya hindi na iyon magbabago. “Bumalik nalang kaya tayo sa Costa Estrella.” Wika ni Sophia. “You know, you can always go back anytime you want.” Wika nang dalaga sa kaibigan. “No.” maagap na wika nito. “I am your lady in waiting. Kung nasaan ka nandoon din ako. And I am your friend hind inaman kita pwedeng iwan dito. Especially not in this place. Baka kung anong gawin nila saiyo.” “You are overreacting.” Wika ni Elizabeth sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD