Run around.

1587 Words
Matapos ang conference na iyon kasama ang mga doctor at director nang hospital. Napansin agad nang mga kasama nila ER ang pagbabago nang pakikitungo ni Alexander sa dalagang si Elizabeth. Hindi naman lingid sa kaalaman nil ana talagang istrikto si Alexander. Ayaw nitong may mal isa trabaho nila lalo na at buhay nang tao ang nakasalalay. Hindi rin lingid sa kaalaman nil ana talagang masungit ang binata sa dalagang intern. Kahit noon unang araw nito sa hospital. Akala nang lahat front lang iyon nang binata para hindi pagdudahan ang relasyon nil ani Elizabeth. Iniisip nilang nagpapanggap lang ang binata para hindi mapapagtuunan nang pansin nang lahat ang ano mang relasyon meron sila ni Elizabeth. They were thinking she is especially hard on her dahil sa mga dahilang iyon. Ngunit, matapos ang conference. Tila lalo pang naging bossy si Alexander sa dalaga. Sa lahat nang intern sa hospital. He would usually scold her kahit sa harap nang mga nurse at doctor. It is understandable na may mga nagagawang mali si Elizabeth dahil baguhan pa siya. Pero pagdating kay Alexander, kahit konting pagkakamali nang dalaga sabon ang inaabot nito sa binata. At halos hindi na nito pagpahingahin ang dalaga. Kahit si Sophia nakakapansin na din sa ginawagawa ni Alexander. Para bang sinasadya nitong bigyan nang mabibigat na Gawain si Elizabeth and she can only think of one thing. Gusto nitong umalis sa hospital ang dalaga. Hindi nito gusto na Doon mag trabaho ang dalaga sa hospital. Kapag umuuwi si Elizabeth sa bahay nila. Bagsak na ang katawan nito. Minsan nakakalimutan na nitong kumain dahil sa labis na pagod. Kahit ang butler nang dalaga nakakapansin na din sa parating pagod na si Elizabeth. Madalas tinatanong nang butler si Sophia kung anong klaseng trabaho ba meron si Elizabeth sa Hospital at tila ubos na ubos ang lakas nito tuwing umuuwi. Hindi naman niya masabang para itong, nasa command nang bagong version ni Hitler dahil sa alam niyang kapag sinabi niya iyon sa Butler agad iyong magsusumbong sa dalawan prinsipe at tiyak na ang kasunod noon ang pagpapauwi kay Elizabeth sa Costa Estrella. Though, gusto niyang umuwi. Alam niyang may dahilan si Elizabeth kung bakit gusto niyang manatili sa lugar na iyon. “You highness, Okay ka lang ba? Hindi mo yata ginagalaw yang pagkain mo.” Wika ni ni Sophia nang lumapit kay Elizabeth habang sa cafeteria sila nang Hospital. Matapos ang mahabang araw nang maraming inuutos ni Alexander sa dalaga. Finally, she was able to take her break. Kanina pa niya inoobserbahan ang dalaga at halos, wala itong ginawa kundi ang sundin lahat nang pinag-uutos ni Alexander. Kahit ano nalang ang inuutos nito sa dalaga. She is basically running around the hospital going from one department to another dahil sa maraming utos nang Binatang doctor. Kahit ang mga kasabayan nitong intern hindi naman ganoon kung utusan nangibang doctor. She basically became a slave for Alexander iyon ang nasa isip ni Sophia. “You better eat. Sa dami nang ginawa mo ngayon araw. Makakalimutan mo na namang kumain mamaya bago matulog.” Wika ni Sophia saka inilapag sa tabi nang pinggan ni Elizabeth ang isang sterilized milk. “I don’t know. Wala akong ganang kumain. I am just too tired to use my hand right now.” Wika ni Elizabeth saka tumingin sa kaibigang naupo sa harap niya. “He is a slave driver. Hindi ko maintindihan sa kanya. Pagkatapos ka niyang idawit sa gulo nang buhay niya at gawing scapegoat sa pagtakas niya sa kasal niya. He is a devil hiding in white coat.” Bulalas ni Sophia. Dahil sa lakas nang boses nang dalaga napatingin naman sa kanila ang ibang nurse at doctor na kumakain. “HInaan mo nga yang boses mo kapag narinig ka nila.” Saway ni Elizabeth. “Gusto kong sabihin ang gustong sabihin. I don’t care if they can hear me.” Wika ni Sophia. “Princess, Hindi mo naman kailangang danasin ‘to. Umuwi nalang tayo.” Wika ni Sophia. “Kung uuwi ako ngayon, parang sinabi ko na rin sa kanya na hindi ako deserving sa pangalawang buhay ko.” Wika ni Elizabeth. Napatingin naman si Sophia sa kaibigan. She suffered a lot to get where she is now. Naiintindihan naman niya ang gusto nitong mangyari pero, hindi niya kayang matiis na makita itong mahihirapan lalo na sa kamay nang doctor na akala niya noon isang mabait na tupa. He was loved by everyone. Though she understand his anger probably, pero hindi naman siguro dapat ganito ang trato niya kay Elizabeth, knowing who she is. Atleast manlang magawa nitong erespeto ang station nang dalaga. Kahit nasa ibang bansa sila. She is still a royalty. “Intern.” Wika nang isang nurse na lumapit kay Elizabeth at Sophia. Sabay silang napatingin sa bagong dating. “Pinatatawag ka ni Dr. Alexander.” Wika nito sa kanya. “Nakikita mo bang break siya ngayon?” Inis na wika ni Sophia. “Wala akong magagawa. Inutusan lang ako.” Wika naman nito sa kanila. “He has to wait until you’re done with your break.” Wika ni Sophia sa dalaga. “It’s fine. Wala din naman akong ganang kumain.” Wika nang dalaga saka tumayo. “Dadalhin ko nalang ‘to.” Wika ni Elizabeth saka kinuha ang gatas na ibinigay sa kanya ni Sophia. “Una na ako.” Wika nito. Napakuyom lang ang kamo ni Sophia dahil sa inis sa nangyayari. Sinundan ni Elizabeth ang nurse na inutusan ni Alexander na sunduin siya hanggang sa makarating sila sa ER. Nang pumasok sila sa ER. Nakita niya ang Binatang Doctor na kasalukuyang ginagamot ang isang batang may sugat sa ulo. Sinabi sa kanya nang nurse na lumapit sa binata. “I’m Here. Doctor. Pinatawag ---” putol na wika nang dalaga. “Don’t just stand there.” Agaw nang binata na tila gusto sabihin na huwag siyang tumayo lang at tumulong sa ginawa niya napabuntong hininga naman si Elizabeth saka agad na tinulungan ang binata. ALam niyang pwede namang nurse ang utusan nang binata na mag-assist sa kanya. Pero bakit kailangan siya parati ang inuutusan nito. Naririnig ni Elizabeth na nagbubulungan ang ilang nurse sa paligid. May nagsasabing hindi magtatagal at susuko din siya dahil sa nangyayari. Narinig niya sinabi nang iba na mas Malala pa sa nurse ang trabaho niya. “Should I just go back?” tanong ni Elizabeth saka napatingala. Nakaupo siya sa bench sa labas nang hospital kakatapos lang nang mga utos sa kanya ni Alexander. Para siya nitong buntot na susunod-sunod sa binata kahit saan ito magpunta. She was able to rest dahil sa nag break ang binata. Nakapa niya ang gata sa bulsa nang lab gown niya. Nang mapatingin si Elizabeth sa gatas saka niya napagtantong nakalimutan na niyang kumain. Pakiramdam niya sa pagod niya kahit anong pagkaing isubo niya ngayon baka hindi tanggapin nang sikmura niya. “Why don’t you just go back.” Wika nang isang baritonong boses. Nang marinig ni Elizabeth ang nagsalita agad siyang napatingin dito. Nakita niya ni Alexander na nakatayo sa harap niya. Aagd naman siyang umayos sa pagkakaupo nang makita ang binata. “Napagtanto mo na bang masyadong mahirap ang buhay dito. This kind of work does not fit you, Princess. So just go back.” Wika ni Alexander. “You’ve been asking me to do things because you want me to give up and go back home?” tanong nang dalaga. “Did you just realize that?” Anang binata. Napatiim bagang ang dalaga dahil sa sinabi nang binata. “You don’t belong here. And you are not fit to wear this uniform. Not because you are a royalty you can just do whatever you want.” Wika ni Alexander. “Pretending to become a doctor to satisfy your guilt will not redeem yourself. Kahit anong gawin mo. Hindi magbabago ang tingin ko saiyo. Just go back and enjoy your Life as a sheltered Princess.” Wika ni Alexander. Dahil sa sinabi ni Alexander bigla namang napatayo ang dalaga. “You know that what happen is not under my control.” Wika nang dalaga. “Was it?” sakristong wika nang binata sa kanya. “I wouldn’t agrue with a person who’s not listening to any reason.” Wikan ang dalaga saka muling naupo. “You can’t force me to leave. If you don’t like me. I don’t care. Just do whatever you want.” Wika nang dalaga saka inilayo ang tingin sa binata. Biglang napahawak sa tiyan niya ang dalaga dahil sa biglang pagkalam nang sikmura niya. Mukhang ang makipagtalo sa Binatang nasa harap niya ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya nang gutom ngayon. “Pathetic. You are declaring a war yet again. You are not even ready.” Wika nang binata saka inilabas sa coat niya ang isang sandwich. Saka inilapag sa tabi nang dalaga at walang pasabing naglakad papalayo. Napatingin naman ang dalaga sa inilapag ni Alexander saka napatingin sa binata. Mukhang bagong bili pa ang sandwich nasa box pa ito at may price tag. Pasimple itong kinuha nang dalaga. "You are not that cruel. Dr Z." nakangiting wika Elizabeth. Kahit na he is acting tough towards her. Iniisip niyang, nag-aalala pa rin ito sa kanya. Why else would he gave her that sandwich. Lihim siyang napangiti saka binuksan ang sandwich saka nagsimulang kumain. Kailangan niyang maging matatag kung gusto niyang patunayan kay Alexader na dserving siya sa second chance na ibinigay sa kanya. She will do everything for him to acknowledge her. Iyon ang nasa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD