Familiar Actions

1605 Words
Nang makabalik sina Elizabeth sa hospital. Naging abala agad sila dahil sa dami nang mga pasyente. Akala nila magkakaroon na sila nang pagkakataong magpahinga pero kabaliktaran ang nangyari. Mas marami pa silang ginagawa lalo na ang sa mga doctor na naka assign sa emergency department. Wala namang nagbago sa mga ginagawa ni Elizabeth at gaya nang dati, para pa rin siyang utusan ni Alexander. Habang busy ang lahat sa emergency room. Napansin Elizabeth si Alexander na kinukumbinsi ang isang batang lalaki na gamutin ang sugat nito sa noo kaya lang panay ang tanggi nang batang lalaki. Habang nakatingin siya dito. Hindi niya maiwasang hindi maalala ang nakaraan, noong nasa Costa Estrella pa sila. Elize and Alexander would usually get the buy in of a child at madaling na papasunod nang mga ito ang mga bata na gamutin ang sugat nila. They have this certain charisma in them na na ho-hook ang mga pasyente sa kanila. “Ayoko. Ayoko!” umiiyak na wika nang isang batang lalaki habang sinusubukan ni Alexander na linisan ang sugat nito sa ulo. Kasama nito ang isang labing tatlong taong gulang na batang babae na tila kapatid nito. Kahit anong gawing pakiussap ni Alexander sa batang lalaki upang malinisan ang sugat nito hindi nakikinig ang bata. Panay din ang pag-iwas nang ulo nito mula sa kamay nang binata na may bulak. Mula sa isang sulok Nakita ni Elizabeth ang ginagawa ni Alexander at tila naiinis na din ito dahil sa patuloy na pagtanggi nang batang lalaki. Naisipan niyang maglakad patungo sa direksyon nang mga ito. He is a little pissed dahil sa pagtanggi nang bata at halata din ang pagod sa mukha ni Alexander. Naiintindihan naman ni Elizabeth ang pagod nito. Halos 36 hours na itong on call. Hindi pa yata ito nagpapahinga simula nang makabalik sila. “Sandali lang ito. Hindi mo nga mararamdaman ang sakit eh, Kaya lilinisan na natin ang sugat mo ha?” wika ni Alexander sa batang lalaki. “Ayoko sabi.” Wika nito kay Alexander. “Danny ano ba. Kapag hindi yan nalinisan tiyak na mas masakit pa yan. Gusto mo bang pagalitan ka nang doctor?” wika nang batang babae sa kapatid. “Ayoko sabi. Ayoko.” Tanggi nang batang lalaki. Habang panay ang tanggi at pagtaboy sa kamay nang binata. Napapabuntong hininga lang si Alexander sa ginagawa nito. “Gusto mo ba nito?” malambing na wika ni Elizabeth sa batang lalaki nang makalapit. Saka ipinakita ang dalawang lollipop sa batang lalaki. Napatingin pa si Alexander sa dalaga. Hindi maitago ang pagtataka sa mukha nito nang makita ang dalaga. He was surprised sa biglang paglapit nang dalaga but was suprises her even more is her gestures. That gesture reminds her of Elize. Hindi niya makakalimutan ang simple gesture na iyon ni Elize. She would usually help him sa mga batang pasyente ang convince them to get treating by giving them candies. Simple namang tumango ang batang lalaki. “Kaya lang, pwede ko lang tong ibigay kung good boy ka. Eh, good boy ka ba?” Tanong ni Elizabeth sa bata. Hindi naman maalis ang mat ani Alexander sa dalaga. Hindi niya alam if she is trying to copy Elize or this is the real Elizabeth. But her actions are similar to that of Elize. “Opo.” Nahihiyang wika nang batang lalaki. “Pero bakit ayaw mong ipagamot ang sugat mo?” Tanong ni ELizabeth. “Eh, masakit po kasi.” Wika pa nito. “Hindi ah! Alam mo bang magaling gumamot nang sugat si Dr. Alexander. Ni Hindi mo mararamdaman ang sakit. At kung magpapagamot ka, ibibigay ko ‘tong dalawa sa iyo. Gusto mo ba?” Malambing ni Elizabeth sa batang lalaki. Ngumiti ito at tumango. Simple namang ngumiti ang dalaga saka binuksan ang isang lollipop saka ibinigay sa batang lalaki agad namang kinuha iyon nang bata at isinubo. “Pwede mo nang linisan ang sugat niya.” Wika ni Elizabeth kay Alexander saka tumingin sa binata. Napatitig sa kanya si Alexander dahilan naman para mahiya ang dalaga. “Why?” tanong nang dalaga habang nakatingin sa binata. “Nothing.” Mabilis na sabi nito saka iniiwas ang tingin sa dalaga saka bumaling sa batang lalaki. “Gagamutin na kita ha.” Wika nang binata saka marahang inilapat ang bulak sa sugat nang bata. Hindi naman nagreklamo ang batang lalaki abala ito sa lollipop na natanggap niya mula sa dalagang doctor. Ngumiti lang si Elizabeth habang pinapanood ang batang abala sa lollipop at hindi alintana ang ginagawa ni Alexander na paglinis sa sugat nito. “Nasaan ang mama niyo?” Tanong ni Elizabeth sa batang babae. “Nasa palengke po.” Magalang na sagot nang batang babae. “Paano nasugatan ang kapatid mo?” Tanong muli nang dalaga. “Kasi po naglalaro kami sa parke nang mahulog siya mula sa monkey bar.” Wika pa nito kay Elizabeth. “How about you? Hindi ka ba nasaktan?” Tanong ni Elizabeth sa batang babae. “Okay lang po ako.” Wika nito. “That’s good then. You’re a good big sister.” Malambing na wika ni Elizabeth saka hinimas ang buhok nang batang babae. Simple namang napatingin si Alexander sa dalaga. Bigla siyang natigilan nang sa halip na mukha ni Elizabeth ang makita. Parang si Elize ang Nakita niya. Elize is just like that. She would talk to patient. Sinasabi nito sa kanila na they did well. She is gentle with them. Her gesture is just like Elize and for a split second. It is as if she saw her. Dahil sa nangyari biglang natiglan si Alexander. Bagay na napansin naman agad ni Elizabeth. “Bakit Doctor?” Tanong ni Elizabeth sa binata nang mapansin na natigilan ito. Taka namang napatingin si Alexander sa dalaga. Then she saw Elizabeth again. “Here, continue cleaning his wounds.” Wika nang binata saka tumayo. “Yes.” Wika nang dalaga na nagtataka saka lumapit sa batang lalaki. Napatingin siya nang biglang lumayo si Alexander sa bata. Hindi naman nito ugaling ibigay sa iba ang ginagawa nito. Kahit na he is giving her orders here and there, sinisiguro nitong kapag sinimulan niyang gamutin ang isang pasyente he would treat them ‘till the end. Napatingin si Elizabeth sa binata nang bigla itong umalis. Hindi niya maintindihan ang binata. Galit na naman bai to sa kanya? May ginawa na naman ba siyang hindi nito nagustuhan. She is trying her best na hind imaging pabigat sa binata. Pero mukhang kahit anong gawin niya mukhang hindi na siya makagawa nang Mabuti sa mata nito. Nang matapos gamutin ni Elizabeth ang sugat sa noo nang batang lalaki. Sinabi niya sa batang babae na tawagan ang mama niya at sabihin kung nasaan sila. Inutusan niya si Sophia na Samahan ito para makatawag sa mama niya. Habang papalabas siya sa emergency room. Nakita niya si James na tila nahihirapang kausapin ang isang pasyente. Halos sumigaw na ito pero tila hindi sila magkaintindihan nang lalaking pasyente. Napansin din niyang habang kinakausap nang lalaki si James. Sign language ang ginagamit nito. James is explaining to him kung anong kailangan nilang gawin. And he is also communicating with him through sign language na hindi niya maintindihana ng sinasabi nito. Nakita niyang napapabuntong hininga si James dahil sa hindi sila magkaintindihan nang pasyente niya. Hindi matiis ni Elizabeth ang nakikita niya kaya naman sa halip na lumabas nang emergency room. Lumapit siya kay James at sa lalaking pasyente. “Sabi niya, hindi niya gustong magpagamot.” Wika ni Elizabeth. Taka namang napalingon si James sa dalaga. Natataka ang reaksyon nang mukha nito. “I can read sign language. Gusto mo bang kausapin ko siya para saiyo?” tanong nang dalaga sa doctor. “Yes, By all means. Kanina pa sumasakit ang ulo ko.” Wika ni James saka inilahad ang kamay niya na ibig sabihin ay kausapin nito ang lalaki. Simple namang tumango si Elizabeth saka naglakad papalapit sa lalaking nasa kama. Pinanood ni James ang dalaga habang kinakausap nito ang lalaki sa pamamagitan nang sign language. Hindi naman niya maitago ang pagkamangha dito. Habang nakatingin siya sa dalaga. Bigla niyang naalala si Elize. She also knows how to use sign language. Sabi nang dalaga dati. Hindi lahat nang pasyente kayang makipag communicate sa kanila gamit ang Salita kaya nag aral ito nang sign language. Mula sa di kalayuan pinapanood naman ni Alexander ang dalaga at katulad ni James. SI Elize din ang nakikita niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung dala iyon nang pagod dahil sa 36 hours na siyang nasa hospital or there is something between Elizabeth and Elize na magkapareho. “He can’t approve for any examination hanggang hindi dumarating ang partner niya.” Wika ni Elizabeth kay James nang bumaling ito sa binata matapos kausapin ang lalaki. “What? Why? He got into an accident. He was complaining about headache earlier. We don’t know for sure kung anong kalagayan niya. Can you explain that to him?” wika pa ni James. Isang pasyente mula sa isang Car accidentang lalaki. Dinala ito sa Hospital matapos mabangga ang taxi na sinasakyan nito. And driver nang Taxi ay nasa operating room na at hindi pa nila alam ang kalagayan nito. Though wala namang masyadong sugat ang lalaki bukod sa maliit na sugat nito sa noo na nagamot n ani James. He was complaining about headache earlier and being nauseous kahit wala siyang maintidihan sa sinasabi nito kanina. Ang kilos nito ay sapat na para maintindihan ni James. Kaya minungkahi nito sa lalaki na kailangan nilang mag conduct nang test para malaman kung may iba pa itong injuries maliban sa sugot sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD