Hostile

1567 Words
Sophia. Saan ka ga—” putol na wika Elizabeth nang bumukas ang pinto sa silid niya. Nakita niyang pumasok si Sophia ngunit bigla siyang natigilan nang biglang makita ang matangkad na lalaki na kasunod nang dalaga. Hindi niya inaasahan ang Binatang Nakita. Halata sa mukha ni Elizabeth ang labis na gulat dahil sa Nakita. At dahil sa puno nang pasa ang braso niya dahil sa latay nang hinataw na sinturon nang lalaki sa kanya. Mabilis na itinabon ni Elizabeth ang kumot sa braso niya. “Leonard.” Anas ni Elizabeth nang makita ang kapatid na pumasok kasama si Lee at Sophia. “Hiding something, Naughty Princess.” Wika ni Leonard saka naglakad papasok saka naglakad papalapit sa kanya at tinanggal ang kumot na itinabon ni Elizabeth sa braso niyang puno nang latay. Ilang sandaling napatitig si Leonard sa mga latay niya sa braso saka bumaling sa mukha niya na may pasa ang gilid nang labi. “Lee, Book a flight back to-----” wika ni Leonard tumingin sa Butler nang dalaga. Pero naputol angsasabihin nito nang biglang hawakan ni Elizabeth ang kamay nang kapatid niya. Napatingin naman si Leonard sa dalaga. “Don’t tell me you will refuse to leave after what happen?” Di makapaniwalang wika ni Leoanard. “Lee, Sophia. I need to talk to my brother alone.” Wika ni Elizabeth habang hawak ang kamay nang kapatid niya. “Yes Princess.” Wika ni Sophia saka lumabas. Tumango naman si Leonard kay Lee na ibig sabihin ay okay lang nang lumabas ito. Agad namang tumalima ang lalaki saka lumabas kasama si Sophia. Nang makalabas ang dalaga. Agad namang sinalubong nang dalawang nurse si Sophia at asi Lee. Nagulat pa sila dahil sa biglang paglapit nang mga ito. “Nurse Sophia.” Wika nan nurse na lumapit saka napatingin sa isinarang pinto nang dalaga. “Sino siya? Bakit ang gwapo at mukhang prinsipe? Bakit kilala niya si Doctor Elizabeth? Anong Connection nila?” Sunod-sunod na tanong nito sa dalagang nurse. Sa pagkabigla nito taka lang itong napatingin kay Lee na halata ding nabigla sa mga tanong nito. “I’ll wait for him outside.” Wika ni Lee sa dalagang nurse. Tumango naman ito at sinundan si Lee na lumabas. “Well?” tanong nang isang nurse. “Don’t be nosy. Bumalik na kayo sa trabaho niyo.” Wika ni Sophia saka naglakad papalayo sa dalaga. Napaawang naman ang labi nang Nurse dahil sa ginawa ni Sophia. Hindi naman sila Close nang dalaga at kung iisipin. Hindi ito nakikipaghalubilo sa kanila mas madalas na makita nilang bumubuntot ito kay Elizabath na parang isang bodyguard. “Well?” Tanong ni Leonard nang maiwan sila ni Elizabeth sa loob nang silid. Nakalabas na si Lee at Sophia pero hindi parin kumikibo ang dalaga. Nakahawak lang ito sa kamay niya. “Does Rupert know about this?” tanong ni Elizabeth. Napatingin naman sa kanya si Leonard. It is normal for her to ask kung alam nang nakakatanda nilang kapatid ang tungkol sa nangyari sa kanya he is strict pagdating sa kanya and he will not waste any time na pabalikin siya sa Bansa nila. “I didn’t tell him. He was so many things to attend to.” Wika ni Leonard. Napahugot nang malalim na hininga si Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Leonard. “But it doesn’t mean you are safe, Princess. You are coming with me.” Anito. “Leonard please.” Wika ni Elizabeth saka napahawak sa kamay nang kapatid nang mahigpit. “It was all my fault. I was being nosy. But please don’t send me home just yet.” Wika pa nang dalaga. “Look at you. You have bruises and was beaten.” Ani Leonard. “Do you expect me to just leave you here?” dagdag pa nito. “I can’t go home yet.” Wika ni Elizabeth. “Do you have a good reason why do you want to stay here? You are even working for him.” Wika nito na ang tinutukoy ay si Alexander. “You know he despises us. I won’t allow him to treat you---” “Working with him has nothing to do with the reason why I wanted to stay.” Agaw ni Elizabeth. “Can’t you trust me just this time? I am not a child that needs protection or to be kept hidden. I also want to do things on my own.” Wika pa nang dalaga. “I also have a debt of gratitude to pay.” Dagdag pa niya. “Your reasoning is something I can’t comprehend. After what happen here. I don’t think I will let you stay here for another day.” Wika ni Leonard. “I saw them.” Biglang wika ni Elizabeth. Napatingin naman si Leonard sa kapatid niya. Hindi niya maintindihana ang sinasabi nito. “They’re here. I just wanted to show her mom, that giving her daughter’s heart to me was not a bad decision. I just wanted to prove them that----” putol na wika ni Elizabeth saka napahawak sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan. Nitong mga nakaraang araw. If she is being emotional bigla nalang kumikirot ang dibdib niya. “What’s wrong.” Nag-aalalang wika ni Leonard nang makitang napahawak si Elizabeth sa dibdib niya. “I’m okay. I just felt a little pain in my chest.” Wika nang dalaga. “I’ll call you doctor.” Wika nito. Pero pinigilan ni Elizabeth ang kamay nang kapatid. “Don’t.” wika nang dalaga. “Don’t?” takang tanong nito. “Just like you. He will force me to go back home.” Wika nang dalaga na ang tinutukoy ay si Alexander. Napabuntong hininga naman si Leonard saka naupo sa gilid nang kama ni Elizabeth. “You don’t have to prove them anything.” Wika ni Leonard. “We are worried sick about you. You are in a foreign land and we can’t----” “I’m okay. I am not child. I can take care of myself.” Wika pa nang dalaga. “Take care. Does this include getting beaten?” Sakristong wika ni Leonard. Nakita niyang napakagat nang labi ang dalaga. “I can’t force you to leave, can I?” anito nang makita na hindi talaga niya mapapabalika ng kapatid niya sa bansa nila. Umiling lang si Elizabeth. Hindi niya gustong bumalik sa bansa hanggang sa wala siyang napapatunayan. She is being stubborn alam niya iyon. But it is the only way para masabi niya sa sarili niyang hindi dapat magsisi ang pamilya ni Elize na nasa kanya ang puso nito. At bukod doon, Gusto rin niyang makausap ang mama ni Elize. Nasa iisang lugar sila ngayon. Hindi pwedeng matapos ang volunteer mission nila nang hindi niya nakakausap ang mama nito. Gusto niyang magpasalamat at humingi nang tawad dahil sa nangyari. “Fine.” Wika ni Leonard. “But if this happens again. Even if I have to drag you back, you will go home with me.” Wika ni Leonard sa kapatid. Bigla namang umaliwalas ang mukha nang dalaga nang marinig ang sinabi nang kapatid niya. “Rest here. I will talk to your doctor.” Wika nito at tumayo. “You can’t” Habol na wika ni Elizabeth. Taka namang napatingin si Leonard sa kapatid niya. “I mean. He is stil uncomfortable with Royalty.” Dagdag nang dalaga. “I am not talking to him as a Prince. I will talk to him a a brother of a disobedient girl.” Wika nito at simpleng itinuro ang noo nang dalaga. “Stay Here. I will be back.” Wika nito saka masuyong hinimas ang likod nang ulo nang dalaga saka naglakad palabas nang silid. Inihatid lang nang tingin ni Elizabeth ang kapatid niya. Hindi siya sigurado sa kung anong kalalabasan nang paguusap nila. Hostile pa din si Alexander pagdating sa kanila. Nang makalabas nang silid ni Elizabeth si Leonard. Bumalik siya sa Nurse station para tanungin kung saan niya pwedeng makita si Alexander. Isang nurse naman ang nagdala sa kanya sa opisina nang Binatang doctor. Nang pumasok si Leonard sa opisina ni Alexander. Natigilan pa ang binata nang makita ang Prinsipe. Though hindi naman siya nagulat. He was thinking isa sa kanila ni Rupert ang dumating. Tumayo si Alexander at iginiya ang Binatang Prinsipe para maupo. Pero tumanggi ito at sinabing hindi naman siya magtatagal at may kailangan lang siyang sabihin tungkol sa kapatid niya. “I am not going to baby sit your Little Princess if that’s what you want to tell me.” Sakristong wika ni Alexander. “Of course you won’t. You are still blaming her for what happen after All.” Anang Binatang Prinsipe. Tumingin lang si Alexander dito. Matagal nang alam nang mga ito na sila ang sinisis niya sa nangyari. Hindi na niya kailangang sabihin dahil nakikita naman nang mga ito. He might be stubborn but that’s how he feels. “So, what do you want?” Tanong ni Alexander “She is stubborn and refuses to go back. While you are her direct supervisor, and you know her case.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang heart problem and transplant nang dalaga. “This might be a cruel request. But as a doctor, can you please look after her? I can’t be with her, and you are the only person I know who can---” putol na wika nang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD