Value

1574 Words
Hindi ka ba masaya? Hindi kana magiging utusan ni Dr. Alexander sa ER.” Wika ni Celine kay Elizabeth na mata-transfer na siya sa Pedriatic ward. Napatingin naman ang mga kasama niyang intern sa dalaga dahil sa balitang sinabi ni Celine. Halata naman sa mukha ni Elizabeth ang pagkabigla nito. Talagang hindi inaasahan nang dalaga ang nalaman niya. Oo at, gusto niyang kinakausap ang mga bata sa ward na iyon pero hindi naman ibig sabihin gusto niyang mag pa transfer doon. Kahit noong nasa Costra Estrella pa siya, bilang isang miyembro nang royal family madalas siyang kasama nang mga kapatid niya sa mga charity houses at mas madalas na nakikipaghalobilo siya sa mga bata. Kaya malapit ang loob niya sa mga ito. Pero hindi ibig sabihin gusto niyang lumipat nang department. Ito kaya ang dahilan kung bakit iniwasan siya nang tingin ni Alexander kanina nang magkasalubong sila? Iyon ang nasa isip niya. “Was it the reason na madalas kang nasa Pediatric Ward? Kahit marami kang ginagawa sa ER nakukuha mo pang makapunta sa Pediatric ward.” Wika ni Summer. Napatingin naman si Elizabeth sa dalaga. Hindi naman iyon ang dahilan niya. “Dr. Alexander. Totoo ba? Lilipat na nag department si Dr. Elizabeth?” tanong ni Lemuel nang biglang pumasok si Alexander. Natigil ang lahat at napatingin sa binata. Bahagya naman itong tumingil at lumingon sa kanila. “That’s the plan.” Wika ni Alexander saka may kinuha sa mesa niya saka muling lumabas. Nang makita ni Elizabeth ang naging reaksyon nito na para bang wala itong pakiaalam sa kung lilipat siya Mabilis niyang sinundan ang binata. Alam niyang hindi nito gustong makasama siya pero hindi naman siguro bigla-bigla siya nitong ililipat nang Department. “Dr. Alexander.” Habol ni Elizabeth sa binata nang lumabas ito. Nang hindi siya pansinin nang binata nagmamadaling nagpunta sa unahan nang binata si Elizabeth. Bigla namang natigilan si Alexander nang biglang humarang sa daraanan niya sa Dalaga. “What are you doing?” tanong ni Alexander sa dalaga. “Why am I being transferred?” Tanong nang dalaga sa binata. “That’s how it is.” Wika ni Alexander saka nilampasan ang dalaga. Bigla namang natigilan ang binata nang bigla siyang hawakan nang dalaga para pigilan siya nito. Napatingin siya sa kamay nang dalaga. Nang mapansin ni Elizabeth ang tingin ni Alexander sa kamay niya. Agad niyang binitiwan ang kamay nito. “Why am I being transferred?” Tanong ni dalaga. “They wanted you there?” simpleng wika ni Alexander. “Just that?” tanong nang dalaga. “I know you don’t like me. But it’s not a reason for you to just transfer me, is it?” anang dalaga. “Don’t overestimate yourself.” Wika nang binata. “I don’t need a nuisance in my department. And it seems that you like that department anyway.” Wika ni Alexander. “I still have things to do. Go back to your work.” Wika ni Alexander saka nilampasan ang dalaga. Napakuyom ang kamao ni Alexander nang lampasan siya nang binata. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nito inilipat. Wala naman siyang reklamo sa kung inuutusan siya nito pero hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla nalang siya nitong inilipat. “Princess.” Wika ni Sophia na lumapit sa dalaga. Nalaman nitong inilipat nang pediatric ward ang dalaga. “Are you okay?” Tanong ni Sophia sa dalaga. “I’m Okay.” Wika ni Elizabeth. Pero alam ni Sophia na hindi okay ang dalaga. Dahil wala man lang ibinigay na rason si Alexander kung bakit siya nito biglang inilipat. Simula nang lumipat si Elizabeth sa Pediatric ward, napansin nang lahat na tila tensionado ang buong paligid. Ang Binatang si Alexander ay halos hindi ngumingiti. Well, it is normal for them to see him not even smiling but this time they notice that there is just a dark aura around him. He still assists patient usual, pero dalagang kakaiba ang nararamdaman nila. There was a one-time na tinawag nito Elizabeth ang nurse nag-aasist sa kanya habang nanggagamot. Lahat na bigla dahil sa narinig mula sa binata. Pero hindi lang nagpahalata ang binata na isang pagkakamali iyon. Walang emosyon sa mukha nito. They started thinking na kahit na inuutusan ni Alexander nang madalas ang dalaga. He still misses her as her assistant. Kahit na alam nitong tila ginagawa niyang runner ang dalaga inuutusan sa maraming bagay. Mukhang, he is starting to realize na si Elizabeth lang talaga ang kayang gawin ang mga pinag-uutos niya. She has this patience to go with all his whim. Minsan naririnig nila ang ibang nurse na nag ko-complain na sa mga Utos ni Alexander and wish she is around to do all the task he is asking. **** Siyam na dalaga ang sabay-sabay ang natagpuan nang mga police sa loob nang isang abandonadong stock room sa kasukalan. Apat sa kanila sa kanila dead on the spot kung saan sila Nakita nang mga rescuer. Isa naman ang dead on arrival at 4 ang nakaligtas subalit malubha ang mga tinamong sugat. Ang siyam na kadalagahang ito ang mga inireport na nawawala tatlong linggo na ang nakakaraan. Natagpuan sila nang mga rescuer sa isang abandonadong bodega sa isang malayong probinsya. Nang matagpuan ang mga ito Tatlo sa kanila ay wala nang buhay. Sa hinala nang mga pulis sinubukang patayin nang mga dalaga ang isa’t-isa. Isang matandang lalaki ang nakakita sa bodega na siya ring dahilan upang matunton nang mga authoridad ang mga nawawalang dalaga. Dinala sa isang silid ang apat na dalagang nakaligtas. Dalawang araw ding walang malay ang mga ito. Nang magising ang mga ito may mga reporter na gustong kumausap sa mga dalaga upang alamin kung anong nangyari sa kanila. Dahil sa mga reporters naging mahigpit ang mga pulis sa pagpapasok sa loob nang silid nang apat na dalaga. Kahit na mga doctor hindi rin basta-basta nakakapasok sa loob nang silid. Abala si Elizabeth sa pakikipaglaro sa mga bata sa pediatric ward. Nang marinig niya ang isang nurse na nagkwento tungkol sa nangyayari sa ER. Narinig niyang sinabi nang nurse na abala ngayon ang ER dahil sa mga dalagang dinala doon. Nabanggit din nilang mas magiging abala si Alexander. Narining din nang dalaga na hindi pa umuuwi ang binata at mahigit 36 hours na itong nandoon. “Doctor bakit?” tanong nang isang bata nang biglang tumigik si Elizabeth sa ginagawa niya. Tinuturuan niya noong gumawa nang ibang origami ang mga bata. Nag-hahanda sila para sa isang birthday party nang isang batang nasa pediatric ward. “Can you continue doing this. I’ll be right back.” Wika nang dalaga at tumayo mula sa kinauupuan. Nag-aalala siya para kay Alexander. Kahit na lumipat na siya sa Pedriatric ward. May mga araw na dumadaan siya sa ER at malihim na inoorbserbahan si Alexander. Ilang beses niyang napapansin at naririnig ang complain nang mga nurse dahil sa maraming pinagagawa ni Alexander sa kanila. They would normally complain that he is a slave driver. Masyado nang busy ang ER pero mas nadadagan ang Gawain nila dahil sa pagiging slave driver at perfectionist ni Alexander. Nang magpunta si Elizabeth sa ER. Agad niyang napansin ang mga Pulis at ilang nurse at doctor na Busy. Agad niyang hinanap si Alexander sa mga nurse at Doctor na nandoon. At dahil matangkad ang binata. Madaling Nakita ni Elizabeth Si Alexander. Lalapit sana siya sa binata nang mapansin na kinakausap ito nang isang pulis. Maya-maya, bigla itong tinawag nang isang nurse at sinabing may nangyayari sa isang dalagang dinala sa Hospital. Nakita niyang, nagpaalam ang binata sa pulis at pinuntahan ang dalagang biktima. Sinundan niya nang tingin ang binata at Nakita niya lumapit ang binata sa isang hospital bed kung saan nandoon ang isang dalaga biktima na nag wawala at ayaw ipahawak sa isang doctor ang kamay niyang dumudugo. May malaking sugat ito sa braso na hindi pa nagamot dahil sa paghehestirical nang dalaga. Napansin din in Elizabeth ang Lemeul at Summer na kasalukuyang kinukumbensi ang dalaga na magpagamot. Napansin ni Elizabeth ang syringe na nakatarak sa braso ni Lemuel. While he is still holding his arm and still tries to convince her. Nang makalapit si Alexander. Napansin niya nag nangyari kay Lemuel. Bigla natigilan sina Summer at Lemuel nang makita ang Binatang dumating. Bigla din natiglan ang dalaga sa pag-aamok nang makita ang seryosong mukha nang binata. It was more like of she understood na hindi ito ang doctor na madaling madadala sa pag-aamok niya. Napansin ni Summer at Lemuel na tahimik na lumapit si Alexander sa dalaga saka naupo sa harap nang hospital Bed kung saan naka upo ang dalaga. Wala salitang lumabas sa bibig nang binata at kinuha lang nito ang panglinis sa sugat nang dalaga. “Don’t touch me.” Wika nang babae nang akmang hahawakan nang binata ang braso niya to disinfect iyon. Bigla namang natigilan si Alexander at napatingin sa dalaga. “We have to disinfect your wound and do some stitches.” Wika nang binata saka muling tinangkang hawakan ang braso nang dalaga. “I told you not to touch me.” Wika nito saka mabilis na kinuha ang isang syringe at akmang sasaksakin si Alexander. Hindi nakakilos sa gulat si Summer. But what was more suprising is when Elizabeth suddently hold her hand para pigilan ito sa gustong gawin. Hindi lang ang dalaga ang nagulat maging si Alexander na napatingin may ari nang kamay na pumigil sa kamay nang dalaga. BIgla siyang natigilan nang makilala ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD