Chapter 3

1593 Words
"Kamusta naman ang buhay nakatali, pare? Este, buhay may-asawa pala?" Biro ni Dean kay Sam nang minsang dalawin niya ito sa bahay. Matagal-tagal na rin nang huli silang magkita. Pareho silang busy. Si Sam, sa bagong buhay nito bilang may asawa't anak na. At si Dean naman ay sa business niya. "Heto, pare. Masarap. Sobrang sarap," Totoo ang saya sa mga matang sagot ni Sam. "Alam mo 'yong feeling na may nag-aalaga sa'yo, may nag-alala, may nagmamahal. Pero alam mo kung ano ang mas masarap? Iyong may eksaktong tao kang minamahal. Iyong alam mong pangmatagalan. Iyong hindi pampalipas- oras lang. Ngayon ko lang na-realize na nakakapagod din pala ang magpaiba-iba ng babae," Mahabang kuwento ni Sam. Kunwa'y kinikilabutan na lumayo si Dean kay Sam. "Alam mo, pare, parang hindi na ikaw 'yong bestfriend ko. Ibang-iba ka na talaga. Para ka ng ibang tao ngayon. Ang laki ng naging epekto sa'yo ni Kimberly. Sinong mag-aakala na ang pagdadala ko pala sa'yo noon sa Pleasure Club ang magdadala ng malaking changes sa buhay mo?" Mayamaya'y sumeryoso siya at tinapik niya si Sam sa balikat. "But I want you to know that I'm so happy for you. Masaya akong makita kang masaya. Noon pa mang mabigo ka kay Wena, wala na akong hinangad para sa'yo kundi ang sumaya ka ulit. And you knew that." Nakangiting tumango-tango ang kaibigan. "Alam ko 'yon, pare. At habang buhay ko ring pasasalamatan ang pagdala mo sa akin noon sa Pleasure Club. And you're right, bro. Mas masaya ang buhay ko ngayon kaysa noong iba-ibang babae ang dumadaan sa buhay ko. Kaya sana..." Si Dean naman ngayon ang tinapik ni Sam sa balikat. "Makita mo na rin ang babaeng magpapabago sa'yo. Hindi ka pa ba napapagod?" He chuckled. "Mukhang malabo na yatang makahanap ako ng sinasabi mong babae. Sa dinami-dami ng nakakasalamuha ko araw-araw, ni isa, wala akong makita na gusto kong pakasalan someday. Kung hindi pera, katawan ko lang ang habol ng mga babae. Pare-parehas lang sila." Nagkibit-balikat si Dean. May isang babae ang nagpaasa sa'kin noon na iba siya sa lahat. Pero parte na lang siya ng past ko. Gusto sanang isagot ni Dean. Pero hindi iyon lumabas sa bibig niya. Maliban sa iilan niyang mga kaibigan noon sa Bacolod, walang ibang nakakaalam sa bahaging iyon ng nakaraan niya. Kahit si Sam. Pinili ni Dean na huwag ng ipaalam sa bestfriend niya dahil gusto niyang ibaon na iyon ng tuluyan sa limot. Gan'on din ang family ni Dean. Ni isa man sa kanila ay walang alam tungkol sa bagay na iyon. Kahit pa minsan ay natutukso na siyang gamitin ang pera para hanapin at alamin ang naging buhay ng taong 'yon. Pero ayaw na niyang maulit ang sakit noong unang beses niya iyong ginawa. Noong hinanap niya sa Friendster ang babae at nakitang masaya na ito sa iba. Sobra siyang nasaktan noon. Pero hindi nagpatalo sa sakit si Dean. He was eighteen year old then. Marami pang babae ang naghahabol sa kaniya. Since that, never na niyang ginamit ang puso pagdating sa babae. "Alam mong mali ka sa parte na 'yan, pare," pagkokontra ni Sam sa sinabi ni Dean. "Alam kong alam mo na marami pang mga babae diyan ang matino." He heaved a deep sigh. Yes of course, he knew that. Na hindi lahat ng babae ay laro lang ang tingin sa s*x at love. Nandiyan ang Mama niya, si Gwen, si Kimberly. Nakangiti niyang nilingon ang kaibigan. "Hindi naman ako woman-hater. What I mean is, lahat ng babaeng dumaan sa'kin ay pare-parehas lang. Walang exception. Wala akong makitang wife-material. Siguro... dahil hindi rin naman ako nagkakainteres sa mga seryosong babae. O baka dahil hirap lang talaga silang mainlove sa isang 'tulad ko," may halong pait na sabi ni Dean. "Feeling mo lang 'yon. Sinong babae ba ang hindi maiinlove sa isang Dean Monreal na bukod sa mayaman na ay guwapo pa?" Sabay na napalingon sina Dean at Sam nang marinig ang boses ni Kimberly. Pababa ito ng hagdan habang kalong ang anak nila ni Sam, at inaanak ni Dean na si Mischa. "Ikaw lang ang nag-iisip ng ganiyan, pare. Ayaw mo lang talagang magpatali pa." Natawa si Dean sa narinig. Tumayo siya para kalungin ang inaanak. "Ang ganda-ganda naman ng baby Mischa namin." "Hindi ka ba naiinggit sa'min? May Mischa na?" Halos sabay na tanong ng mag-asawa. "Alam niyong love na love ko 'tong inaanak ko at super natutuwa ako sa kaniya. Pero wala pa talaga sa vocabulary ko ang lifetime commitment. I'm not yet ready to give up the life that I have now." Kunwaring inismiran siya ni Kimberly. "See? I told you. Ikaw ang may problema at hindi ang mga babae mo. Ikaw itong ayaw magseryoso." Tinawanan lang ni Dean si Kimberly. But deep inside him, she was right. Siya ang may problema. Siya at ang puso niya. "Believe me, pare. Darating din ang time na makakatagpo ka ng katapat," Ngumisi si Sam. "And worst, baka mapikot ka pa." Mabilis niyang sinunggaban ng mahinang suntok sa braso si Sam. "Sira-ulo. Baka mamaya, magdilang-anghel ka." "That's bad word, ninong," Cute na saway sa kaniya ni Mischa. "'Di ba po, mommy, daddy?" Kunwari guilty siyang napakamot sa ulo. "Sorry, baby. Hindi na po mauulit," Saka kunwaring pinalo ang sariling bibig. "Basta. Ito lang ang masasabi ko sa'yo, pare. Someday, 'tulad ko, makakahanap ka rin ng matinding katapat." Pag-uulit ni Sam, nang magpaalam na si Dean. Tinawanan lang niya ang kaibigan. 'Tulad din ng sabi ni Dean sa sarili, magpapatali lang siya sa babaeng kasing-perfect ng mommy niya. At kapag alam na niyang handa na siya... Handa na siyang tumingin sa ibang babae na hindi nakikita ang mukha ng nakaraan niya. Two weeks na lang, luluwas na ng probinsiya si Dean para sa birthday ng lola niya. Inihanda na niya ang mga kailangang iwanan sa opisina. Napabuti rin ang ilang araw ng hindi pagkontak sa kaniya ni Fem. Mukhang nagsawa na sa kaniya ang babae. Gan'on din naman si Dean. Pero hindi naman niya ugali ang unang makipagbreak o umayaw sa babae. Kahit playboy, gentleman pa rin si Dean. Kahit sawa na sa babae, inaantay pa rin niya ang mga ito na kusang makipaghiwalay. Kaya nga mga babaeng wala ring balak magseryoso sa lalaki ang pinipili ni Dean. Para mabilis lang makawala. Palabas na sana ng opisina ang binata nang marinig at mapanood niya sa TV si Gwen, na ini-interview. "Ano po ang masasabi niyo sa reaksiyon ng mga tao, lalo na ng pamilya ni Ruphert Sumaniego na sobrang bagal daw ng pag-usad ng kaso? Na hanggang ngayon daw ay hindi pa nila nakakamit ang hustisya para sa anak nila?" Si Ruphert Sumaniego ang young actor na walang awang pinatay sa loob mismo ng kotse nito. At kasalukuyang kaso na hinahawakan ni Gwen. Isa ang kapatid ni Dean sa mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari. "I'm sorry. Pero wala na kaming dapat pang ipaliwanag. Nasabi na namin lahat kanina sa presscon ang dapat naming sabihin." Matatag na sagot ni Gwen. "Basta alam po ng family ni Ruphert na ginagawa namin ang lahat para mabigyan ng justice ang nangyari sa kaniya. The rest are confidentials. Ilalabas na lang namin sa tamang oras at lugar. Thank you." Iyon lang at tinalikuran na ng kapatid ni Dean ang mga reporter. Napabuntong hininga si Dean. Ang kasong ito ang madalas nilang pag-usapan ni Gwen kapag nagkikita or nagkatawagan silang dalawa. Painit ng painit ang kaso. Isa-isang namamatay ang bawat witness na nakukuha nila ni Gwen. Tuloy ay wala ng gustong lumantad. Isa na rin sa kasama ni Gwen na imbestigador ang muntikan ng mamatay nang minsang pagbabarilin nang hindi kilalang mga kalalakihan ang kotse nito. Kaya naman hindi nila maiwasang mag-alala para kay Gwen. At hindi man sabihin ni Don Peter, alam ni Dean na lihim nitong pinapabantayan ang bawat galaw ni Gwen. 'Wag lang malaman ng huli dahil ayaw nitong binebeybi siya. At si Dean, kahit alam niyang kayang-kaya ng kapatid ang sarili, natatakot pa rin siya para rito. Gustong-gusto niya itong tulungang lutasin ang kaso. Pwede nilang gamitin ang pera at koneksiyon nila. Pero binalaan na sila ni Gwen. Ayaw nitong pinapakialaman ang trabaho. Ang sabi sa kaniya noon ng kapatid, dahil sa nangyayari kaya lalo nilang napatunayang isang malaking tao ang nasa likod ng pagkamatay ni Ruphert. Na hindi ito basta biktima lang ng robbery. 'Tulad nang ipinapalabas sa TV. "Iisang tao na lang ang alam namin na puwedeng tumestigo para kay Ruphert." Naalala ni Dean na sabi sa kaniya ni Gwen. "May nakakita raw sa kaniya sa parking lot n'ong araw na 'yon, kung saan natagpuang patay si Ruphert. At sinubukan na namin siyang kumbinsehin, kuya, na magsalita. Pero ayaw niya. Ayaw daw niyang masangkot sa gulo." Bahagya pang nagulat si Dean nang makilala ang babaeng sinasabi ni Gwen. Si Gemaima Yosores. Isang socialite na matagal ng patay na patay kay Dean. At isa rin sa mga babaeng kasama sa listahan ng mga inaayawan niya. "Sir, may gusto pong kumausap sa inyo. Importante raw." Napakisap si Dean nang tawagin siya ni Melai, ang kaniyang secretary. Kunot-noong lumapit si Dean. "Sino raw?" "Ayaw pong magpakilala, eh. Pero parang ka-boses ni Miss Gemaima Yosores." Lalong dumami ang guhit sa noo ng binata. Matagal-tagal na rin nang huli itong magparamdam sa kaniya. Nagtataka man ay kinuha ni Dean ang telephone. "Hello-" "Hi, Dean!" Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya ay may nagsalita na sa kabilang linya. And Melai was right. Si Gemaima Yosores nga ang nasa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD