Masayang sinalubong si Dean ng kaniyang lola Mildred sa malawak na mansiyon nito, na nakatayo sa gitna ng Hacienda Ramona. Na ipinangalan sa ina mismo ng yumaong asawa ni Donya Mildred, na si Don Ramon. Isa ang Hacienda Ramona sa pinakamalawak na hasyenda, hindi lang dito sa Bacolod, kundi sa buong Pilipinas. Kilala ito hindi lang dahil sa lawak at yaman ng lupa, pati na rin sa maayos na pamamalakad, 'mula kay Donya Ramona, hanggang sa anak nitong si Don Ramon, at ngayon ay sa apong si Auntie Guada. Lahi ng mababait at may mabubuting puso ang mga Monreal. Kaya sila nirerespeto, hindi lang dahil sa pera at koneksiyon. Isang taon ring tumira rito si Dean. At iyon ay noong mag-aral siya rito ng second year college. Wala kasing makakasama noon ang lola Mildred niya dahil nasa ibang bansa pa