Katulad ng ipinangako niya kay Dean, inilibot ito ni Joanna sa halos buong paligid ng isla. Buong hapon nilang inenjoy ang isa't isa. Nag-Kite Surfing sila, ATV Riding, at Snorkeling. Sumakay din sila sa Banana Boat na sobrang inenjoy ni Joanna. Sa buong oras kasi ng inilagi nila sa dagat, nakayakap lang sa kaniya si Dean para suportahan siya at siguraduhing hindi malalaglag o kahit matakot man lang. Kaya nawala na rin sa isip ni Joanna ang pag-aaming gagawin sana kay Dean. "Hapon na pala. Hindi man lang natin namalayan ang oras," wika ni Joanna habang patingin-tingin sa paligid. Kakatapos lang nilang kumain sa isang seafood dampa. At ngayo'y nakaupo sila uli sa buhanginan para magpahinga. "Paano mo naman mapapansin ang oras, eh, sa'kin ka lang naka-focus," pilyong sagot ni Dean. Na