“Magandang umaga po Senyora, ito nga po pala si Issay, iyong sinasabi ko po sa inyo na pamangkin ko na maaari pong maging tagapag-alaga ni Sir Ellion. Nagkita na po silang dalawa ng anak ninyo at nagkausap na rin. Sa tingin ko naman po ay okay na silang dalawa at hindi rin po nagreklamo si Sir Elion kaya mukhang wala naman po tayong magiging problema.” Wika ni Nanay Alona sa tinawag nitong señora. Parang nasa 60 plus na ang edad nito, pero ang katawan ay masasabi niyang mukhang naalagaan ng husto dahil parang sa mga nasa 30's lamang ang katawang iyon. Iyon nga lang halata sa mukha nito na may edad na dahil kita na rin ang mga wrinkles nito na sa tingin niya ay pinapagawa nito sa derma. Kaya lang hindi na rin talaga maitago iyon. Tsaka halata din sa mukha nito, medyo may kasungitan ka