“Malayo pa ba tayo boss? Masakit na kasi itong kamay ko kakatulak nitong wheelchair mo. Pero hindi pa tayo nakakarating sa sinasabi mong resort. Tsaka ang hirap hirap kaya itulak kapag napupunta sa buhangin ang gulong. Mabuti sana kung napakagaan mo.” Inis na reklamo ni Isabel sa kanyang boss. Parang tuwang-tuwa pa ang pasaway at tila ba ini-enjoy pa nito ang pagpapahirap sa kanya. Paano ba naman, pagdating sa may tabing kalsada ay nagpababa na ito. Ayaw din nitong magpatulong sa driver at isa pa nilang kasama. Ang nais lamang nito ay siya ang magtulak ng wheelchair nito patungo daw sa resort na sinasabi nito. Kaya lang parang walang katapusang pathway ang nilalakaran niya habang tulak-tulak naman ang wheelchair nito. Ingat na ingat siya na hindi mahulog sa makitid na sementong da