“Aray! S-Sinampal mo ako?! Tang*na! Sino ka para sampalin ako ha?!” Tila hindi makapaniwalang bulalas ng lalaki sa kanya habang hawak-hawak nito ang kanang pisngi na dinapuan ng kanyang palad. “Dapat lang yan sayo bastos ka kasi, napakamanyakis pa! Sa tingin mo ba napakagaan mo?! Sa laki ng katawan mo na iyan feeling gano'n lang kadali na alalayan ka? Tsaka ikaw itong nagpapatulong sa akin na magpalipat sa upuan eh. Bakit ngayon sasabihin mo na sinadya ko iyon para magpapansin sayo or para hangarin ko na may gawin kang hindi ka nais nais sa akin! Excuse me ha kailangan ko lang ng pera pero hindi ibig sabihin niyon ay hahayaan ko ng bastosin mo ako!" Inis na pahayag niya dito. Kung pwede nga lang sampalin niya ito ulit ginawa na niya. Nakakalokong ngumisi lamang ito sa kanya at tila pa