“Kanina pa sila nakaalis, bali una na nilang dinala dito ang mga kagamitan ko. Nais ko kasing mapag-isa sa lugar na ito, ayokong may mga asungot na kasama. Kaya lang naman kasama ang mga iyon dahil hindi ko kayang mag-drive at yung isa naman syempre hindi mo ako kayang buhatin pag bababa at sasakay ng kotse.” Pahayag nito sa kanya na tila normal lamang dito na linlangin siya. “Wala sa usapan natin na tayong dalawa lamang ang matitira dito, at hindi mo pa talaga sa akin ipinaalam kanina para lang pahirapan ako na gano'n ang ginawa mo. Akala ko ba nag-usap na tayo ng maayos kanina sa bahay ninyo? Bakit yata bigla bigla eh tila naging bata yata ang kausap ko. Ayoko manatili dito kasama ka. Unang una dalaga ako, ayokong masira ang reputasyon ko bilang isang dalaga. Ano na lamang ang sasabihi