"Kendra what is this again, akala ko tumigil kana isang buwan ka lang nagpahinga eto ka nanaman dumadagdag ka nanaman sa problema ko. Why your doing this again, are you not going to study?"
"Dimo kasi ako tinatawagan at di kana pumupunta sa bahay, your lying sabi mo dadalawin mo ako but until now you didn't keep your promise"
"Hey kid I'm a doctor I'm busy but di kana lang mag aral ng maayos para may silbi ka naman sa mga parents mo di yung sakit ka sa ulo"
"I'm not a kid anymore bakit ba kayong lahat tinatawag akong bata I hate it"
"Nag iba na pala ang gusto sa babae yung may gatas pa sa labi" pabulong na sabi niya pero narinig ko parin yun.
"I here you!" inis na sabi ko.
"You are not my father, maybe a lover much better"
"This kid, Jhony linisin mo nga ang sugat niya!"
"No I want you to clean my wound!"
"Or do you want me to call your dad para sunduin ka niya dito sa hospital!"
"Hmmpp your so mean"
"Sige na Jhony!"
"Yes doc"
"By the way matagal na ba kayo mag kakilala nitong yaya mo"
"No, ngayon ko lang siya nakilala"
"What!"
"I mean she bump me kaya ako nandito sa hospital ngayon"
"So how come she became your yaya or body guard"
"I will hire her, why not"
"Excuse me, hindi mo ako yaya or body guard saka gasgas lang yan nagpatakbo ka na agad sa akin sa hospital"
"Why I pa----" tumakbo agad si Danie kay Kendra para takpan ang kanyang bibig.
"Ano ba bitawan mo nga ako anong ginagawa mo!"
"Bata ka wag mong sasabihin na binayaran mo ako, kung hindi lalandiin ko yang crush mo"
Natawa ako sa narinig ko kahit mahina ang pagkasabi niya sa kanya rinig ko parin.
"This kid, she did again, she always paying people para lang madala siya dto sa hospital" pabulong kong sabi.
"What are you doing, okay fine I will not telling him just leave him alone"
"Okay fine sige mauna na ako bye!"
Paalam nito.
"Wait!" pagpipigil ko sa kanya.
"Sorry nagmamadali ako need ko ng umuwi"
"Mag usap tayo saglit"
"Clayton uuwi na nga siya at ayaw niyang makipag usap saiyo, okay you can go now"
"I said wait!"
"Bakit ba ano ba sasabihin mo kailangan ko ng umuwi nagmamadali ako"
"Doc eto na pala yung pinapakuha niyong mga papers" dumating si Ana.
"Ilapag mo lang diyan" utos ko sa kanya.
"Bitawan mo nga ako uwi na ako" sabi niya kaya binatawan ko na lang siya.
"Oh saglit parang nakikilala kita, diba ikaw yung nanay nung batang si Tantan"
"Hindi ako yun baka nagkakamali ka" "Hindi ikaw yun eh!" pilit na sabi ni Ana.
"Hindi ako yun sige mauna na ako"
"Oo siya nga yun ngayon ko lang siya namukhaan" sabad ni Jhony"
"Di ako nagkakamali ikaw yun" sabay turo ni Ana.
"It's that true?" nagulat kong sabi.
"No! hindi ako, diyan na nga kayo" sabay nagmadali siyang tumakbo.
"Doc siya talaga yun eh" pilit na sabi ni Ana.
"Baka nagkakamali ka Ana she's still single not a merried woman"
"Pero siya talaga doc di ako nagkakamali"
"Did you know her" tanong ni Kendra.
"Yes I know her"
"How did you know her"
"That's not your business, Jhony pakihatid na lang siya sa labas thank you"
"No, sagutin mo muna ang tanong ko how did you know that girl"
"Kendra can you go back now"
"I don't want!"
"Jhony bring her out now, Kendra go back now because I'm busy"
"No I don't want!"
"Halika miss Kendra"
"Aaahhh! dont touch me nakakalakad ako mag isa"
"Nakakatakot talaga ang mga babae ngayon!" sabi ni Jhony.
"Ana let's talk, totoo ba na siya ang nanay ni Tantan?"
"Oo doc di ako nagkakamali"
"Pero ang alam ko she's single"
"Totoo doc kahit tignan niyo pa ang mga cctv natin"
"Okay fine, you can go now thanks"
Agad kong hinanap ang mga papers ni Tantan at tignan ang pangalan ng kanyang guardian.
Biglang nagkagulo sa labas ng office ko kaya tinignan ko kaagad sa monitor ko.
"Whats happening!"
Biglang nagring ang telepono sa mesa.
Kaya agad kong sinagot.
"Doc emergency!"
"Okay I'll be there!"
Agad akong lumabas sa office ko.
"What's happening here!" tanong ko sa mga nurse.
"Doc naghahanda ang lahat dahil may parating na mga pasyente ngayon sa isang bus na nahulog ang masaklap maraming bata"
"What! sige ihanda lahat ang operation room at emergency room now! and all the doctors maging handa, malapit na ba sila"
"Sa tingin ko doc andiyan na naririnig ko na mga ambulancya"
"Okay! humanda na kayong lahat, bilis salubungin ang mga pasyente, mahalaga ang bawat minuto para sa buhay nila"
"Andiyan na sila doc, diyos ko mahabagin puro dugo ang mga bata"
Sakto sasalubungin ko ang isang pasyente na buhat ng mga rescuers ng bigla akong napaatras at natulala. Feeling ko nahihilo ako na diko maintindihan.
"What the hell!" hinawakan ko ang aking ulo ng diko malaman ang gagawin. Nanginginig ang buong kalamnan ko ng napatitig ako sa taong naliligo ng sarili niyang dugo.
"Doc okay lang kayo doc, si Jhony to doc anong nagyayari sainyo"
"No! No! Clarence! Clarence!!"
"Doc sinong Clarence! Doc!" diko alam ang gagawin ko dahil ang tingin ko sa taong yun ay si Clarence.
It's happening again,kaya diko namamalayan tumakbo ako palabas ng hospital ko. Pagkakaalam ko hinabol pa ako ni Jhony pero wala ako sa aking sarili kaya kung saan na lang ako napadpad. Napadpad ako sa isang park na walang katao tao para akong kapusin ng hininga at di mawaglit sa isipan ko ang imahe ng aking kapatid sa lalakeng yun kanina na puro dugo at basag ang kanyang ulo na yan ang dahilan kung bakit nabawian ng buhay ang aking kapatid. Diko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha.
"Aaahhh!!!" napasigaw ako ng malakas para lang maibsan ang mabigat na nakabara sa aking dibdib. Napaluhod ako at yumuko habang ako'y humihikbi.
"I'm sorry! I'm sorry bro! it's my fault kaya hanggang ngayon hinahabol mo parin ako anong gagawin ko tell me, tell me"
****Danie Pov****
Mabilis akong tumakbo para makaalis ako sa hospital na yun, diko lubos akalain siya pala nag mamay ari sa hospital na yun. Ang masaklap baka malaman na niya ang totoo na may anak na ako.
"Pero ano naman ngayon kung malaman niya na may anak na ako ano naman sa kanya tutal sabi naman niya na dina niya ako gusto, bahala siya buhay niya di naman kami bakit ko pa ililihim bahala na nga siya kainis"
"Aaahhhhhhh!!"
"Ayyy! anak ng sino ba yung sumigaw na yun nakakagulat muntik na akong atakihin sa puso!"
Napalingon ako sa likod ko kung saan yung taong bigla na lang sumigaw.
"Anong problema ng taong to, nakasuot ng puting damit takas ba sa mental to" wala akong takot siyang nilapitan dahil naluhod siya sa lupa at naririnig ko ang paghikbi nito. Wala akong takot na nilapitan siya at nagtanong.
"Excuse me, okay ka lang" pero di niya ako sinagot, kaya kumuha na lang ako ng tissue sa bag ko para ibigay sa kanya.
"Wait teka sayang din to, ipamumunas niya lang sa sipon at luha niya yung ginamit ko na lang kanina para tipid.
Umupo ako sa harap niya saka ko inabot ang tissue.
Pero parang ayaw niya pa ata baka alam niyang gamit na.
" Arte nito sige na nga itong bago na lang tutal kinuha ko lang naman to sa hospital ng mokong na yun"
Inabot ko ulit sa kanya.
"Ayaw mo parin bahala ka nga diyan ako na nga yung nagmamalasakit, diyan ka na nga" Kaya tumayo na ako para aalis na.
"Aahhh!" napatili ako ng bigla niyang hilain ang kamay ko.
"Gago ka anong problem--a, Doc Clayton hah, anong ginagawa mo dito iniwan lang kita kanina sa hospital mo ah"
Nanginginig ang kanyang mga kamay na pinagpapawisan, siya pala yung umiiyak.
"Hel--pp me-!!!!"
"Hah!doc! doc! Clayton! Clayton! okay ka lang huyyyy anong nangyayari saiyo bakit nanginginig ka okay ka lang ba diyos ko lord doc! doc! tulong! tulong!" Natataranta ako diko alam ang gagawin ko sigaw ako ng sigaw para humingi ng tulong. Dahil hindi na siya humihinga nakasandal na ang ulo niya sa dibdib ko.
" Patay na ata di na gumagalaw, diyos ko hoy wag kang mamatay sayang ang gwapo mo at lahi mo, ayy kung ano ano na lang lumalabas sa bibig ko" kinuha ko kaagad ang aking bag para kunin ang celpon ko para makahingi ng tulong.
"Hello sir! si doc Clayton patay na ata!"
Pagkalipas ng ilang minuto dumating na si sir Alex kung saan sa kanya ako humingi ng tulong.
"You scared me Danie! kala ko totoo ng patay na siya!"
"Sorry sir di na kasi siya humihinga at wala ng malay"
Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
"Sir may nakakatawa ba sa sinabi ko"
"Yes, don't worry he's not going to die malimit lang nangyayari sa kanya to, this is he's phobia siguro nakakita nanaman siya ng bagay na di dapat niyang makita at iniiwasan kaya siya ganyan"
"Madalas ba siyang ganyan doc"
"Hindi naman, bihira lang naman siya inaatake, alam mo ba kung ano yung kinakatakutan niya?"
"Ano yun sir?"
"Dugo sa ulo, he have a phobia for that!"
"Ha! ang weird naman, diba siya ang nag opera nun kay sir Aldrin sa ulo?"
"Yes siya, pero iba naman yun, mas nakakaya niya pa, pero pag nakakita siya ng basag na ulo lalo na kung galing sa aksidente he can't not manage to look that aasahan mo magkakaganyan siya at mawawalan yan ng malay. Kaya ayaw niyang magtreat sa mga ganyang pasyente, yung Kay Aldrin kasi may umalalay sa kanya kaya nakayanan niya pero ewan ko ba pag ganyan na bagay nawawalan siya ng lakas"
"May masama bang nangyari sakanya dati sir?"
"Hmmpp siguro di natin alam ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan, by the way paano mo siya nakita?buti na lang dumaan ka sa kinaroroonan niya"
"Napadaan lang ako dun sir, diko naman alam na siya pala yung sumisigaw kanina. Alam mo bang pangalawang beses ko na yan nakitang ganyan na umiiyak"
"Talaga, thanks to you Danie at ikaw lagi ang nakakakita sa kanya. Alam mo bang ayaw niyang pinapakita na mahina siya gusto niya pinapakita sa amin na malakas siya"
"Akala ko nga di umiiyak ang tulad niya pero nagulat ako may malambot pala siyang side, sir sigurado ka bang okay lang siya, bat di natin siya dalhin sa hospital"
"Your so funny Danie, alam mo bang ayaw niyang inoospital yan sigurado magagalit yan pag nalaman niyang dinala siya sa hospital"
"Ha bakit naman siya magagalit eh halos dun na nga siya nakatira"
"Dimo maintindihan, don't worry he's okay thank you pala sa pagtawag mo sa akin, saka mamaya magigising na yan di naman kasi magtatagal ang tulog niyan. Siguro mauna kana lang umuwi para makapag pahinga ka muna"
"Naku okay lang sir linggo naman ngayon walang magawa sa bahay"
"Ganun ba sige, ikaw muna bahala sa kanya may pupuntahan lang ako saglit babalik ako mamaya ikaw muna bahala sa kanya"
"Kasi sir, baka magising yan magalit at makita niya pagmumukha ko".
"Don't worry Danie he will be happy, pagnakita niya agad ang maganda mong mukha"
"Nambola ka pa sir, sige ako na bahala sa kanya"
"Feel at home, sige mauna na ako"
Saka siya umalis, lumapit ako sa kanya at inayos ko ang kanyang kumot saka ako tumayo.
"Ngayon ko lang nakita ng maliwanagan ang kanyang kwarto ang lungkot naman ng kulay, black and white ang boring"
Lumabas ako sa kwarto niya, ngayon ko rin napansin ang laki pala ng buong sala pero bakit puro black and white. Bigla akong nagutom kaya tinungo ko ang kusina. Binuksan ko agad ang ref. Gulat ako ng makita kong tubig lang laman ref.
"Ano puro tubig at gamot ano to wala man lang pagkain" kaya sinara ko kaagad. Naka spot ako ng coffee machine ang damimg kape.
"Wow puro kapae ang display, kaso wala man lang pagkain"Kaya naghanap na lang ako. Hanggang sa nakatapat ako sa isang pintuan na curious ako kaya gusto kong buksan. Bigla akong kinabahan na diko mawari ang pakiramdam ko.
Kaya di ako nakapagpigil binuksan ko ito. Ang dilim kaya kinapa ko ang switch ng ilaw. Puro puting tela naman to na nakatakip sa mga gamit dito. Pero panay ang aking kaba, diko namamalayan na nasa harap na pala ako ng isang malaking portrait na natakpan ng tela. Parang may nag uutos sa aking mga kamay na hilain ang puting tela. Diko na napigilan ang sarili ko kaya saktong hihilain ko ang puting tela ng biglang may galit na sumigaw sa aking likod.
"Don't touch that!" galit na sigaw nito kaya bigla akong humarap sa kanya.
"Doc gising na pala kayo"
"What are you doing here, and don't you ever touch may things".
"Sorry doc!".
"Get out of here now!" bigla niyang hinila ang braso ko palabas ng kwarto. Saka niya pagbagsak sinara at nilock.
"How dare you to get here in my house and touch my things"
"Sorry diko sinasadya na curious lang ako"
"Go back now"
"Pero binilin ka sa akin ni sir Alex"
"I'm fine, I don't need someone to accompany me"
"Ang sungit ganyan na nga kalagayan niya makuha pa niya magsungit"
"Go now!".
"Ikaw na nga tong tinulungan galit ka pa"
"I said go!" biglang tumunog ang kanyang tiyan.
"Gutom ka ba?"
"Hindi umalis ka na sa bahay ko ngayon na kaya ko na sarili ko" saka siya tumalikod papuntang kusina, kaya sinundan ko siya,patungo sa coffee machine para gumawa ng kape.
"Wait lang" inagaw ko sa kanya ang tasa.
"What are you doing!" inis na sabi nito.
"Napakasungit naman nito, di ka naman dating ganyan, porke ba basted ka sa akin sinusungitan mo na ako!"
"Are you keep telling me that thing hah!"
"Teka!lang easy!" dahil bigla ba naman niga akong tinulak at kinorner sa gilid ng pintuan.
"Kainis ang dibdib ko parang lalabas ang heart ko sa sobrang bilis ng t***k niya, no hindi pwede, wag kang tumibok sa kanya hindi pwede!" pinipigil ko ang aking sarili. Napatitig ako sa mukha niya napakalapit sa mukha ko pati paghinga niya ramdam ko. Saglit na nagtitigan kaming dalawa, ng biglang nag iba ang tingin ko sa kanya hinawakan ko agad ang dibdib ko. Na kanina panay ang bilis ng t***k nito pero biglang napalitan ng sakit na diko maintidhan. Parang gusto ko ng umiyak maluha luha ang mga mata ko ng maalala ko bigla ang taong nanakit sa akin ng husto at sa kanya ko bigla nakita ang kanyang itsura.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya sabay tunulak ko siya.
"Hey what's happening to you, why you suddenly like that, Danie kinakausap kita come back here!" sigaw niya sa akin.
Tumakbo ako palabas ng kanyang condo. Diko namamalayan nakarating na pala ako sa sakayan ng jeep diko maintindihan ang sarili ko. Bakit biglang nakita ko sa kanya ang taong yun,ang taong nanakit at sumira sa mga pangarap ko sa buhay. Pilit ko na yun kinakalimutan pero bakit biglang bumalik hinawakan ko ulit nag aking dibdib parang may nakabarang bato at di ako makahinga nagpipigil akong umiyak.
"Beep! beep!"
"Ay, ano ba yan!" gulat na sabi ko dahil may tumapat na taxi sa harap ko at nagbusina pa ng pagkalakas lakas.
"Kainis ka talaga Arnel kahit kailan nangugulat ka!" inis na sigaw ko sa kanya.
"Paanong di kita bubusinahan eh kanina ka pa diyan tulala akala ko nga iiyak ka na diyan sa kinakatayuan mo at hawak mo pa yang dibdib mo, okay ka lang ba kanina pa kita tinatawag dika sumasagot"
"Okay lang ako" sabay sumakay ako sa kanyang taxi.
"Anong ginagawa mo dito sa lugar na to?" tanong niya sa akin.
"May importante lang akong pinuntahan"
"Sino pinuntahan mo?" Kinutusan ko siya sobrang inis ko sa kanya dahil panay ang tanong.
"Bat ang dami mong tanong bat dika na lang mag drive diyan para makauwi na ako tanong ka ng tanong talo mo pa ang imbistigador"
"Masama ba magtanong ang future husband mo?"
"Tang**nang bata na to, future husband na pinagsasabi mo ni boyfriend nga di naging tayo husband pa kaya baliw ka ba kainis"
"Oo nababaliw ako saiyo oh aking binibining iniirog ko tinatangi ko"
"Hoy Arnel magdrive ka na nga diyan, walang magawa sa buhay parehas mo yung batang nakilala ko kanina alam mo bagay kayo"
"Hindi, mas bagay tayo"
"Bago pa kita sabunutan diyan magdrive kana nga bilisan mo, saka nagbulakbol ka nanaman no dika nanaman pumasok sa school mo"
"Siyempre pumasok, tinulungan ko lang si papa mamasada ng taxi niya"
"Sige na tara na maggagabi na"
"Kailan mo ba kasi sasagutin matagal na akong nanliligaw saiyo"
"Arnel ilang taon kana?"
"Twenty di na ako teen ager binata na ako"
"Ilang taon na ako?"
"Thirty four bata ka pa"
"Sa tingin mo bagay tayo baliw ka ba!"
"Age doesn't matter di naman ako mukha bata binatang binata na ako"
"Manahimik ka nga, magdrive kana nga lang, sa susunod pag ganyan pa naririnig ko saiyo lagot ka sa akin babalatan na talaga kita buhay Arnel kaya tigil tigilan mo ako. Maghanap ka ng kaedad mo wag ako dahil big no! tandaan mo, saka hindi na ako dalaga para magkagusto ka sa akin. Naku umayos ka Arnel"
"It's okay tanggap ko kahit sino ka man"
"Sabi manahimik ka eh sinisira mo talaga araw ko kairita ka magdrive ka na nga lang"
"Correction gabi na iniirog ko"
"Manahimik ka nga diyan kukutusan kita diyan eh sabihin ko kaya sa tatay mo andito ka nagbubulakbol"
"Oo na sorry na sige na nga magdrive na nga lang ako"
Pagkahinto niya sa harap ng bahay, agad akong bumaba ng taxi.
"Salamat Arnel"
"Wait lang oh eto bigay mo sa anak mo alam kong paborito niya yan matagal ko din siya di nakita ah busy kasi ako sa school"
"Baka pagkain mo to"
"Naku binigay kanina nung studyante na pinagdrive ko binilhan nila ako niyan kaya kay Tantan na lang"
"Salamat Arnel, sige na umuwi ka na"
"Wala bang kiss diyan"
"Manahimik ka nga sisirain ko yang taxi niyo sige ka"
"Joke lang sige na nga dika na mabiro"
Pumasok ako agad sa bahay nadatnan ko si mama na nanonood ng tv.
"Oh bakit ngayon ka lang dumating? wala pang ulam kanina"
"Dipa kayo kumain?"
"Hindi pa wala ngang ulam paano kami kakain"
"Nasaan nanaman yung kapatid kong magaling bat di siya nagdiskarte ng mauulam"
"Umalis pumunta sa mga kaibigan niya hayaan mo na siya, akin na nga yang hawak mo dahil gutom na ako"
"Nay sa anak ko to, nasaan pala siya"
"Nanay mo ako pagdadamutan mo ako"
"Nay para kay Tantan po ito"
"Akin na nga yan gutom na ako sabay hablot sa hawak kong pagkain wala na akong nagawa.
Pumasok ako kaagad sa kwarto namin ng anak ko. Tulog na siya ano kaya kinain niya wala naman daw maulam. Nilapitan ko siya at tumabi ako sa tabi niya.
" Anak pasensya kana di kita nasamahan ni nanay sa buong araw mo sana maintindihan mo naghahanap ako ng pera para may pangtustos tayo sa gamot mo" Hinalikan ko siya sa noo, unti unti ng bumabagsak ang katawan niya na mas lalo akong nabahala.
"Anak kapit lang okay gagaling ka rin may awa ang diyos"
Habang nakatitig ako sa mukha niyang maamo, bigla ko nanaman naalala ang taong yun. Biglang tumulo ang luha ko.
"Kamukhang kamukha mo siya, bakit pa nakuha mo ang mukha niya kaya siguro itong nakaraang linggo lagi ko siya naalala. Dahil habang lumalaki ka anak kamukhang kamukha mo siya. Pero anak kita mas nangingibabaw ang pagmamahal ko saiyo anak mahal na mahal ka ni nanay lagi mong tandaan yan"
"Nay, sino kamukha ko si papa ba? wag na kayong umiyak mahal na mahal ko po kayo nay" pinunasan niya ang aking luha sabay niyakap niya ako. Napahagulgol ako ng husto dahil sa sobrang awa sa anak ko.
"Anak wag mong iwan si nanay ah diko yun kakayanin"
"Opo nay hinding hindi ko kayo iiwan"
"Anak, anak bakit parang nanlalambot ang katawan mo at pinagpapawisan ka anong nangyayari saiyo, Tantan! Tantan anak! Tantannnn!!!!!"