"Clayton!!!
That's enough dude, you will kill him!"
Biglang dumating si Alex at inagaw sa akin ang hawak kong baril. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit hindi ko palalagpasin ito.
"Give me back my gun I will kill that bastard!"
"Give me that gun!" hinablot ni Louise ang baril kay Alex.
"Hey what are you doing Louise!" sigaw sa kanya ni Alex. Lahat ng mga lalake dito sa loob ng kwarto nagsitakbuhan pero mabilis ang kamay ni Louise na nilock ang pinto. Tumakbo si Alex kay Danie inalalayan niya ito at dinala sa banyo.
"No matter what happen, wag kang lalabas dito naintindhan mo" bilin nito kay Danie.
"Mga dude tama na yan"sabi ni Alex.
Kasasabi palang ni Alex yun, pero pinaputok agad ni Louise ng sunod sunod ang baril sa mag magtangkang lalabas sa may pintuan.
Nilapitan ko ang taong nambastos kay Danie, tinapakan ko ang kanyang kamay na binaril ko.
" I want to kill you badly!" sabi ko sa kanya dahil sa sobrang galit ko.
"Just kill him, here!" sabay abot sa akin ng baril.
"Kaw talaga nangagatong ka pa imbes na awatin mo uutusan mo pa, paano kung mapatay niya yan oh makapatay kayo dito ano mangyayari sainyo"
"Sorry di namin alam na babae mo siya!" sagot ng lalakeng nabaril ko.
"So, kung diko siya babae gagawin mo parin yun sa iba!" galit na sigaw ko.
"Tarantado ka pala eh, porke marami kang pera gagawin mo yan sa mga babae gusto mo atang matuluyan eh"
"Oh, oppss! relax Louise nakakarami kana ah,kanina ka pa mas ikaw pa ang inaawat ko kaysa dito sa isa. Bat parang ikaw ang effected masyado"
"I hate the man who doing this, especially sa mga babae"
Tumayo ako at tinungo ang banyo kung saan dinala ni Alex si Danie.
"Kayo na bahala diyan, mauna na kami" sabay binuksan ko ang pintuan.
"Mabuti pa nga!" sabi ni Alex.
"Sige dude mauna na kayo ako tatapos dito sisiguraduhin kong wasak lahat mga kamay ng mga to" sabad ni Louise.
Tumango ako, saka ako tumingin kay Danie. Kitang kita ko sa itsura niya sa sobrang takot nito,nakaupo lang siya sa gilid na nakayuko habang nakatakip ang dalawa niyang mga kamay sa magkabilaang tainga nito.
"Let's go!" yaya ko sa kanya.
Tuminghala siya sa akin habang umiiyak.
"I said let's go!"
Umiiyak lang siya na nakatingin sa akin, dahil sa inis ko hinila ko siya patayo.
Tinanggal ko ang aking coat saka ko tinalukbong sa kanya para di niya makita ang labas. Sabay hinila ko siya palabas ng banyo, tumango sa akin sina Louise at Alex.
Pagkalabas namin sa vip room nakasalubong ko si Marco.
"Hey Clayton akala ko di ka pupunta mabuti naman at nakarating ka, oh who is she"sabay tinuro niya si Danie. Pero di niya napansin na siya yun.
" Umalis ka sa dinadaanan ko Marco"
"What!" sabi nito.
Diko na siya pinansin dare daretso akong lumakad hanggang sa nalagpasan ko siya.
"Clayton wait!!" pero diko na siya nilingon. Dumaretso kami sa parking lot wala akong imik, ang naririnig ko lang ay kanyang paghikbi. Nang nakarating na kami sa aking kotse tinanggal ko ang tinalukbong ko sa kanya sabay binuksan ang pintuan.
"Go inside" utos ko sa kanya sabay sumakay na ako sa driver's seat. Pero di parin siya pumasok nakatitig lang siya sa akin na umiiyak.
"I said go inside!"
"Uuwi akong mag isa!" sagot niya sa akin.
"Are you not listening, I said go inside dont make me repeat again or else ako magsasakay saiyo!" inis na sigaw ko sa kanya. Imbes na sundin niya ako lumakad pa talaga palayo sa kotse. Natawa ako sa sobrang inis.
"What the fvck!is she testing my limit I don't have time for this crazy things!"
Out of my limit wala akomg oras tlaga sa ganito, Lumabas ako sa kotse at hinabol ko siya. Hinablot ko ang kanyang braso.
"Ano ba bitawan mo ko!"
"Come with me!"
"Ayaw ko, mamatay tao ka!"
"What did you say!are you out of your mind I'm not like that, and I didnt kill that person who insult you!" nakatingin siya sa akin na maluha luha.
"s**t!!!" napamura ako saka ko siya binuhat at dinala sa aking kotse. Di naman na siya nanlaban naramdaman ko rin na niyakap niya ako.
"Good girl!" saka ko siya pinasok sa aking kotse.
"Saan mo ako dadalhin!" tanong niya sa akin pero di siya makatingin ng daretso.
"Are you afraid to me!"
"Oo!" daretso niyang sagot, natawa ako.
"Why?"
"Ang dali sainyo ang bumaril ng tao na parang wala lang sainyo"
Tinigil ko agad ang pagmamaneho at preneno ko kaagad.
"Ahhh, ano ba mababangga tayo!"
"Danie can I ask you something? what are you doing in that place"
"Nagtatrabaho" agad na sagot nito.
"Bakit sa ganong lugar, as I know your working at Leonardo company so why you need to go this kind of place"
"Dimo naintindhan dahil marami kang pera di katulad ko mahirap lang at kailangan kong kumayod"
"It's for your son, where is his father?"
Saglit na tinitigan niya ako.
"Iniwan niya kami matagal na nung pinagbubutis ko palang ang anak ko"
Naawa ako sa kanyang itsura dahil kitang kita ko sa mukha niya ang sakit.
"Kaya ba dimo sinasabi na may anak ka sa amin lalo na kay Leon at Alex"
"Diko yun obligasyon sabihin ang personal life ko"
"Fine!" saka pinaandar ko ang aking kotse.
"Ibaba mo na lang ako sa susunod na kanto" di ako umimik nagpatuloy lang ako sa pagdadrive,saglit na tumahimik kaming dalawa,saglit na sinulyapan ko siya, nakatingin lang siya sa labas.
"Are you mad at me?" mahinang tanong ko sa kanya,hindi siya umimik.
"I guess I'm right your mad at me, for what? dahil sa pagbaril ko sa taong yun"
"Pero mali parin yung ginawa mo halos pumatay ka na ng tao"
"Are you serious! they insult you tapos anong gustong mong gawin ko kakausapin ko siya ng maayos at para tumigil. Ikaw nakiusap mo siya ng maayos at nagmakaawa nakinig ba siya saiyo, mas lalo ka pa niyang binaboy at hindi yun maatim ng sikmura ko kahit sino sa aming tatlo. Pasalamat pa siya na control ko pa sarili ko baka kung hindi nakita na niya si satanas"
"Ganyan ba kayong mga mayayaman!"
"Ano kaming mayayaman! Danie look ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa galit gusto mo ba na babuyin ka ng mga taong yun.Alam mo ba kung sino sila walang sinasanto mga yun, at bakit parang kasalanan ko pa"
"Diko naman sinabi na kasalanan mo ah ang akin lang---"
"s**t!!" agad na hininto ko ang aking kotse.
"Get out!"
"Hah!" gulat na sabi niya.
"I said get out!"
Binuksan niya agad ang pinto ng kotse. Pinaandar ko kaagad saka ko siya iniwan. I feel mad to her kaya kailangan kong controlin ang sarili ko baka ano pa magawa ko sa kanya,diko na siya nilingon dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
***Danie Pov***
" Teka lang!" pinaharurot niya agad ang kanyang kotse. Natampal ko ang aking noo ng mapagtanto ko ang mga pinagsasabi ko.
"Ano ba yan Danie, nasisiraan ka talaga ng ulo imbes na magpasalamat ka sinisi mo pa talaga siya, ang tanga tanga ko kainis!" lumingon ako sa lugar kung saan niya ako iniwan. Nagulat lang ako ng pamilyar sa akin ang lugar nayun.
Mas lalo nanaman akong nakonsensya sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
Napaluha ako, dahil binaba niya lang naman ako dito sa harap ng hospital kung saan nag papagaling ang aking anak.
"Alam niyang nandito anak ko, alam niyang nasa hospital ang anak ko paano bakit niya alam, nakakainis!"
"Hoy!babae ka okay ka lang ba!" napalingon ako sa aking likuran.
"Rica!", niyakap ko kaagad ang best friend ko.
"Diyos ko nagkagulo kanina sa bar, kaya hinanap kita kung nasaan ka di kita mahanap tinatawagan kita pero dika sumasagot akala ko ano nangyari saiyo buti na lang nagawi ako dito baka sakali dito ka dumaretso ay salamat sa diyos ok ka lang beshy!"
"Rica!!" umiiyak akong yakap siya.
"Okay ka lang ba bakit ka umiiyak may masama bang nangyari saiyo"
"Wala naman"
"Wala pala eh bat ka nagngangawa diyan akala ko pa naman kung napano ka"
"Anong gagawin ko!"
"Bakit nga? naiinis na ako saiyo kurutin ko yang singit mo ang arte mo!"
"I hate my self beshy!"
"Me too, I hate your kaartehan, nagngangawa ka diyan dimo pa sabihin anong nangyayari saiyo"
"Nasaktan ko nag feelings ng taong tumulong sa akin"
"Ano ba yan,eh yan naman ang ugali mo mapanakit ka, at sino ba yung taong yun na sinasabi mo na tumulong saiyo"
"Basta anong gagawin ko, besh sabihin mo anong gagawin ko!"
"Simple lang mag sorry ka!"
"Hah! mag sorry ako!"
"Oo ikaw, alangan naman ako!"
"No way!"
"Sino ba kasi yun!"
"Di bale na nga lang, halika na pumasok na tayo sa loob, baka gising na ang anak ko at hinahanap na ako"
"Tignan mo to parang tanga, kanina iiyak iyak ka nagpapatulong ka anong gagawin mo tas ngayon para kang baliw, ewan ko saiyo lakas ng topak mo".
"Halika na ang dami mong sinasabi, magbihis muna tayo makita tayo ng anak kong ganito baka pagkamalan pa tayong pokpok"
"Ikaw hindi ka pagkakamalang pokpok, pagkakamalan kang doctor"
"Bakit mo naman nasabi"
"Tignan mo nga itsura mo nakasuot ka ng doctor gown. Saka teka saan mo nakuha yan?"
Doon ko naalala nakasuot pala sa akin ang coat ni doctor Clayton pinasuot niya pala sa akin kanina nung nasa loob ako ng kanyang kotse.
"Wait kanino yan? ahahhhh! dont tell me kasama mo yung gwapong doctor na yun kanina at siya naghatid saiyo dito"
"Hah! hindi ah!"
"Anong hindi, may ebidensya na nga idideny mo pa, eh ano to, paki explain bakit nasaiyo ang coat ng crush ko"
"Diko alam" sagot ko kay Rica.
"Magmamaangmaangan ka pa mga taksil!".
"Tumigil ka nga diyan assumera, halika na nga masyado ka ng maraming nalalaman" saka ako naglakad papasok sa hospital habang hinuhubad ko ang coat ni Clayton.
"Hoy teka lang magpaliwanag ka nga bakit nasaiyo yan I need a better explanation hoy bruha, wag kang bastos!"
"Pag di mo pa ako tigilan diyan ihampas ko sa mukha mo to!"
"Ay, your so violent girl!"
"Kaya nga manahimik ka nga diyan ingay ingay mo eh"
"Oh eto na mananahimik na dika naman mabiro may regla ka te!"
"Araw, araw akong rereglahin ng dahil saiyo"
"Naku girl may sakit ka na niyan pag ganyan"
"Manahimik ka na nga diyan" nagmamadali kaming pumasok sa loob habang pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin sa mga hallway.
"Oh anong tinitingin tingin niyo diyan ngayon lang ba kayo nakakita ng magaganda!" biglang sabi ni Rica habang nakapameywang.
"Ano ba may oras ka pa talagang pumatol sa mga ganyan eh"
"Bakit di ako papatol tignan mo nga tingin nila mga judgement people!"
"Baka judgmental ang ibig mong sabihin beshy! hayaan mo na lang daretso na tayo sa banyo para magbihis.
" No hindi pwede sa akin to wala silang karapatan na ejudgement ang kagaya nating maganda"
"Judgemental, halika na nga"
"Ay basta yun, un wala akong pakialam"
"Oo na, diyan ka na nga!"
"Wait girl bat mo naman ako iniwan"
"Makipag away ka muna, wag kang ngang magpapatol sa mga ganyan"
"Ang sama kasi nila tumingin eh"
"Hayaan mo na bilisan mo diyan, baka inaantay na tayo ni Tantan"
"Oo eto na nga"
Pumasok kaming parehas sa girls bathroom. Pagkapasok namin dun nakatingin ulit ang mga taong andun.
"Bakit kayo nakatingin sa amin may mali ba sa amin" tanong ko sa kanila.
"Di niyo ba alam pambabae dito mali ata pinasukan ng kasama mo" sabi ng mataray na babae.
"Parehas naman kaming babae ah" sagot ko.
"Anong parehas bakla yang kasama mo noh ano kami tanga!"
"Ako bakla, hoy gusto mo bang sirain ko yang pasmado mong bibig" inis na sabi ni Rica sa kanila.
"Babae nga siya eh tumabi nga kayo diyan nagmamadali kami!" inis na sabi ko. Pero hinarangan lang kami at parang nanghahamon ng away.
"Sabing tumabi ka eh!" inis na sabi ko sabay hinablot ko ang kanyang buhok.
"Besh maghulos dili ka!"
"Hindi, bastos hindi yata alam ang salitang considerasyon baka gusto niya ipaintindi ko pa sa kanya"
"Di siguro nag aral besh ano pa gawin natin diyan kalbuhin na yan!!" yun na nga nagka gulo sa loob ng banyo imbes na magbihis kami nakipagrambulan ang ginawa namin ng best friend ko. Lumabas kaming parehas sa banyo na para kaming sumabak sa world war four.
Marami kaming mga kalmot sa mukha nagkadugo dugo ang mga ilong namin punit mga damit parang nakuryente ang buhok naming dalawa. Pero kahit ganoon nangyari sa amin masaya pa kami para kaming tanga.
Pagpasok namin sa kwarto ng anak ko nagulat kami parehas ni Rica at nagkatinginan at sabay pa kaming sumigaw.
"Oh my god ahhhhhh!!!"
"Tantan anak!!" agad na tumakbo ako sa kinaroroonan niya at inalalayan ko siya dahil pilit niyang inaabot ang pagkain na nasa tabi niyang mesa muntikan na siyang mahulog sa mula sa kanyang higaan.
"Anak okay ka lang ba, may masakit ba saiyo bakit dika nagtawag ng mga nurse"
"Nay okay lang ako, kayo po ni ninang okay lang ba kayo sino po ang nambugbog sainyo" nagtinginan kami ni Rica.
"Naku nak wala to, nadapa lang kami ng nanay mo sa daan habang papunta dito"
"Oo anak, teka nagugutom ka ba teka lang papakainin ka ni nanay"
"Nay, totoo po ano nangyari sainyo"
"Nakalimutan ko di na pala maloloko yang anak mo"
"Anak wala to may konting nangyari lang pero okay lang kami ni ninang buhay pa naman kami"
"Oo wag mong alalahanin yun nak kumain kana para mabilis kang gumaling"
"Tantan anak, bakit mag isa ka lang dito nasaan si lola mo?"
"Umuwi na po, masakit daw ang ulo niya kaya umuwi na siya"
"Pero okay ka lang ba anak, bat dimo pinindot tong bilog dito sa tabi ng bed mo para magtawag ng tutulong saiyo"
"Okay lang nay ayaw ko po may maperwisyong tao kung kaya ko naman gawin"
"Diyos ko naman anak, nagpapagaling ka paano kung dumugo yang sugat mo sa likod mo"
"Nag iingat ako nay"
"Sige na nga kumain kana nga kahit kailan talaga di ako nanalo saiyo pagdating sa katuwiran"
"Salamat po nay"
"Wala yun nak, basta ikaw ngayon ko lang ulit nakita na ang mga magaganda mong ngiti anak masaya ka ba?"
"Opo nay sobrang saya ko sa wakas di kana po mahihirapan sa akin"
"Okay lang anak kahit mahihirapan ako basta para saiyo wala akong irereklamo basta para saiyo"
"Ang corni niyong mag ina, lalo kana besh pakainin mo na yang anak mo at parang kanina pa yan gutom, sige at ako'y magbibihis muna"
"Oo sige na umalis ka na nga diyan, sige anak kumain ka muna"
"Opo nay"
Pagkatapos ko siyang pakainin nagkwentuhan muna kami saglit saka ko siya pinatulog. Nagbihis na rin ako, at nahiga sa sofa, umuwi na rin kasi si Rica magbubukas pa kasi yun ng kanyang parlor. Madaling araw na pala, malapit ng lumabas ang mahal na araw pero diko makuha ang tulog ko. Muli ko siyang naalala, diko alam kung anong isipin niya tungkol sa akin. Di ako mapakali sa hinihigaan kong sofa.
"Aahhh! aray!!" dahil sa di ako mapakali nahulog ako mula sa sofa.
"Kainis ang sakit, ano ba gagawin ko para makahingi ng sorry sa kanya nahihiya ako magpakita sa kanya"
Gulong gulo ako, biglang tumunog ang celpon ko kaagad kong tinignan.
"Come to work tomorrow"
Napabuntong hininga ako, message ni sir Alex problema ko nanaman ang magbantay sa anak ko. Diko na alam ang gagawin ko hanggang sa nakatulog na ako ng diko namamalayan.
"Misis, misis!"
"Hmmpp"
"Misis Garcia!"
"Ahhh!" napabaligkwas ako sa gulat.
"Are you alright!"
"Doc kayo pala"
"Kanina pa kita ginigising"
"Anong oras na ba?" nagulat ako ten o'clock na pala.
"Naku papasok pa ako sa trabaho late na ako nito"
"Kanina pa nagriring ang phone mo" sabi ni doc agad kong tinignan ang daming missed calls ni sir Alex.
"Ano ba yan, doc pasensya kana"
"Okay lang yun aalis ka ba?"
"Oo sana may pasok ako kaso diko naman maiwan ang anak ko walang magbabantay"
"Walang problema misis ako na bahala sa anak mo, magtatalaga ako ng nurse na magbabantay sa kanya simula ngayon para di na kayo mag alala sa kanya"
"Talaga doc pero wala akong pambayad"
"Wala naman akong sinabing magbabayad ka, basta pumunta ka sa trabaho kami na bahala sa anak mo wag na kayong mag alalala sa kanya"
"Pero doc"
"Kami na bahala sa anak mo misis"
"Teka doc misis ka ng misis nakakahalata na ako single mam ako"
"Ganun ba sorry misis"
"Doc naman eh, pero maraming salamat doc napakabuti niyo sa aming mag ina"
"Wala yun sige mauna na ako"
"Teka nasaan pala ang anak ko bat wala siya dito"
"Nilabas ng nurse niya muna para makalanghap ng sariwang hangin"
"Salamat doc tatanawin kong malaking utang na loob to"
"Sige misis walang anuman mauna na ako sainyo"
Napakaswerte ko parin dahil may taong mababait na tumutulong sa aming mag ina kaya nagpapasalamat ako sa kanila. Pinuntahan ko ang anak ko sa garden bago ako umalis papuntang trabaho kahit late na. Dumaretso ako sa office ni sir Alex,kanina pa pala niya ako inaantay.
"Seat down Danie" ngumiti akong umupo habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso na nakatingin sa akin.
"Kamusta ang anak mo?"
"Hah!" nagulat ako sa tanong niya sa akin.
"Why are you surprised?"
"Paano niyo nalaman na may anak ako"
"I guessed you know already who told me that thing"
"Tsismoso din ang doctor na yun eh" pabulong kong sabi.
"Sinabi sainyo ni doc Clayton"
"Mismo"
"Siguro naman sir di yan nakaka epekto sa trabaho ko"
"Of course not, curious lang ako anong motibo mo bakit mo nilihim na wala kang anak, di alam ni Leon to diba?"
"Hindi po sir, pero may karapatan naman siguro akong ilihim ito dahil personal life ko naman ang pinag uusapan dito"
"I know wala naman akong tutol diyan alam kong may reason ka kung bat mo nilihim at wala na kami pakialam diyan dahil buhay mo yan. But I'm so curious who is your son father?"
"Oh kita mo sir sabi mo wala kang pakialam dahil buhay ko naman to, bat parang naging intrisado ka na ata"
"Ehem, wala na curious lang ako kung ayaw mong sagutin tanong ko wag mo ng sagutin"
"Sorry sir"
"It's okay baka kasi complicated"
"Tama ka sir, kaya pasensya kana diko masagot"
"It's fine don't be sorry, by the way I want know what are you doing in the bar last night?"
"Teka nga sir magkaliwanagan nga tayo pinapasok mo ba ako para tanungin lang ako sa personal"
"Halata ba?"
"Sobrang halata sir gusto mo ata akong tanungin isa isa"
"Pero bat dimo na lang sagutin ang tanong ko ngayon ano nga ba ginawa mo dun sa ganoong lugar"
"Nag partime lang ako kasi kailangan ko ng pera para sa anak kong nasa hospital"
"Why you didn't ask me? kaysa pumunta ka sa lugar na ganun tignan mo napahamak ka tuloy"
"Ang dami mo ng tinulong sa akin sir di na ako makakabayad saiyo"
"It fine Danie, your good in your work you deserved it saka hindi naman kita sinisingil I just want you to stay here in the company kasi yan ang bilin ni Leon sa akin I need to take care of you ako malilintikan sa kanya pag napabayaan ko ang empleyado niya".
"Pero nakakahiya sainyo ni sir Leon"
"Nextime pag kailangan mo mag sabi ka lang wag ka ng pumunta sa ganung lugar ako nalilintikan sa taong yun ako ang tinuturo niyang may kasalanan"
"Sino sir, si Sir Leon?
" Hindi mas malala pa kay Leon, akala mo naman yaya ako ng mga babaeng mga gusto nila? "
" Sino nga yun sir?"
" Wala wag mo ng tanungin, sige ayusin mo na lang yang mga papers diyan marami na rin natambak dahil sa dimo pagpasok"
"Sige po sir" kinuha ko ang napakaraming papers sa mesa niya.
"Siya nga pala kamusta na anak mo, is he okay?"
"Okay naman na siya sir kahit papaano"
"Good, wag kang mag aalala wag mong alalahanin ang anak mo basta magtrabho ka lang ako na bahala dun"
"Anong ibig niyong sabihin sir, wag mong sabihin na ikaw ang nagbigay ng nurse sa anak ko para bantayan siya"
"Well, is it fine to you?"
"Sir!" mangiyak iyak akong tumingin sa kanya.
"Your welcome Danie, ginawa ko lang to dahil I need you here, kaya don't worry to your son para matiwasay kang makapagtrabaho ng di ka nag aalala sa kanya"
"Asahan mo sir pagbubutihan ko ang trabaho ko, gagawin ko lahat para sa trabaho ko, maraming salamat saiyo sir"
"Good, kung ganun mamayang hapon pag natapos mo ang mga papers na yan pakihatid na lang ito mamaya kay Clayton"
"Anong sabi mo sir!"
"Itong envelope na to pakihatid mamayang hapon kay Clayton sa Kanyang condo"
"Sir naman bakit ako marami naman diyan na uutusan mo".
"Well, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko saka importante to, saka kasasabi mo lang you can do everything for your work so please Danie" lumapit siya sa akin saka niya pinatong ang envelope sa buhat buhat kong mga papers.
"Sige sir!" wala na akong nagawa.
"Thank you Danie see you later"
"See you sir" lumabas ako sa kanyang office na kinakabahan diko alam kung bakit parang takot akong diko maintindihan.
"Bahala na nga!" sabi ko sa aking sarili.