Pagkatapos ng tagpong yun di na siya nagpakita at nagparamdam sa akin.
Isang linggo na walang paramdam pero ang isip ko gulong gulo.
"Aahhhhh, kainis!" napasigaw ako sa inis nagulatvpa ang mga tao dito sa loob ng parlor ni Rica at lahat sila nakatingin sa akin.
"Ano ba, nakakagulat ka ginugulat mo ang mga costumer ko, ano ba problema mo kanina ka pa naggaganyan"
"Kasi nga!!"
"Kasi ano, ang arte mo kung gusto mo yung tao just go girl hindi yung nag iinarte ka diyan, ang obvious naman na malaki ang gusto mo sa poging yun sige ka baka mamaya maunahan ka ng iba diyan magsisi ka sa huli"
"Diko siya gusto no, saka dina ako magmamahal ulit never hirap kaya masaktan alam mo nman ang nangyari sa nakaraan ko saka mayaman yun besh mayaman nanaman"
"Yan ang patunay na ang beauty mo ay para lang sa mga rich and handsome, naiinggit nga ako saiyo eh eh mas maganda naman ako saiyo, alam mo girl just try malay mo siya na pala yung mister right mo, ganern hmmp arte"
"Oo na mas maganda ka, basta kung papasok man ako ulit sa relasyon kailangan pag isipan ko ulit ng maraming beses baka sa huli ako nanaman ang kawawa, naku di nga muna yan iisipin ko ang importante yung anak ko dapat siya yung priority ko wala ng iba"
"Ay ewan ko saiyo umalis kana nga dito"
"Oo nga pala may pasok pa ako late na ako"
"Bruha, praning kana ata or baliw kana talaga, nakakabaliw na ba ang mainlove linggo ngayon parang tanga lang"
"Ay oo nga pala" bumalik ako sa pagkaupo ko.
"Eh asan yung anak mo bat dimo kasama"
"Oo nga pala yung anak ko nakalimutan ko na"
"Nay andito ako"
"Anak pasensya kana di na kita naalala"
"Hmm, iba talaga nagagawa ng in love kaloka ka talaga di kineri ng bangs ko yang kagagahan mo"
"Sorry anak ha, nakalimutan kita mamasyal pala tayo at ibibili ka ni nanay ng mga gagamitin mo sa school"
"Nay mas excited kapa sa akin"
"Kaya nga dalawang buwan pa bago ang pasukan ng anak mo mamimili kana aba iba talaga nagagawa ng in love advance na ang pag iisip kaloka"
"Puro ka in love, pinag sasabi mo diyan"
"Halika na anak ibibili kita ng mga gamit mo sa school kahit malayo pa, excited si nanay, bakit dika ba excited?"
"Excited po nay kaso diba masyadong maaga po"
"Okay lang yan anak"
"Buti pa ang anak mo may isip eh yung ina lutang"
"Magtrabaho kana ng lang diyan, halika na anak malelate na tayo hayaan na natin tong ninong mong mapang asar"
"Hoy babae ka anong ninong, excuse me ninang, ninang, inaanak wag mong gagayahin ang nanay mong lutang hah ninang ang tawag mo sa akin"
"Opo ninang kong maganda"
"Ay ang sweet naman talaga ng inaanak kong napakagwapo ang honest pa"
"Tsee, may honest ka pang nalalaman, diyan kana nga"
"Alis na po kami ninang"
"Sige mag ingat ka inaanak, ikaw na ang bahala diyan sa nanay mong baliw higit sa lahat lutang"
"Magtrabaho kana lang diyan! anak pupunta tayo sa mall dun tayo mamimili ng mga gusto mong gamit"
"Nay diba mahal doon, okay lang po sa akin kahit ano kahit mumurahin lang kahit sa palengke lang nay tayo bibili ng mga gagamitin ko"
"Naku di pwede anak, ngayon pang nakaluwag luwag si nanay dahil magaling na ang baby boy ko"
"Ang oa niyo nga nay,pero salamat po"
"Basta para saiyo anak"
Walang pagsidlan ang saya ko dahil mabubuhay na ang normal ang anak ko, hindi tulad dati dalawang lugar ang pinupuntahan namin dati.
Bahay hospital, actually hospital na ang kanyang paaralan dati salamat sa panginoon, at sa taong tumulong sa kanya para bigyan siya ng pangalawang buhay sana makilala ka namin ng anak ko balang araw para makapagpasalamat kami ng personal saiyo.
"Aking binibini, saan ang punta natin, oh Tantan masaya akong makita kang magaling kana at gumagwapo kagaya ko, baka gusto niyong ihatid ko na kayo"
"Alan bakit kung saan, saan ka sumusulpot, saka tigil tigilan mo nga akong bata ka, wala ka bang pasok alam mo isusumbong na talaga kita sa ate este kuya Ricardo mo"
"Binibini ko naman lutang nanaman sembreak namin ngayon nakalimutan mo na ba?"
"Ah ganun ba diko alam eh di naman tayo magkapamilya para alam ko"
"Hello kuya Alan"
"Hi Tantan, magkmukha talaga tayo halina kayo ihahatid ko kayo"
"Magkamukha, wala akong anak na kagaya mo"
"Sakit mo naman magsalita aking binibini"
"Sarap mo talagang bigwasan, halika na Tantan sumakay ka na"
"Saan ang punta natin"
"Sa mall"
"Saang mall"
"Sa mall nga sa shopping center"
"Oo alam ko, pero saan nga yun sm ba Robinson ba?"
"Mag drive kana nga lang at ituturo ko saiyo kung saan"
"Nay masyado naman kayong masungit kay Kuya Alan"
"Tama ka diyan Tantan ang sungit ng nanay mo pagdating sa akin"
"Baliw ka kasing bata ka, tigil tigilan mo ako saka sabihin ko saiyo, di ako magkakagusto sa batang kagaya mo ha, para na nga kitang nakababatang kapatid kaya tantanan mo ako"
"Aww sakit naman yun harap harapan talagang basted, bat dimo naman dinahan dahan para di masakit aking binibini"
"Mag drive kana oh ako na ang mag drive"
"Eto na mag dadrive na"
"Ang kulit na bata"
Naalibadbaran talaga ako sa batang to tuwing iniinis niya ako. Actually kapatid siya ng best friend kong si Rica mabait naman ang batang yan kaso napakakulit malaki ang gusto niya sa akin kaso napakabata niya para sa akin kaya minsan sinasakyan ko na lang at malaki din ang tulong niya sa akin minsan siya ang naghahatid kay Tantan sa hospital pag check up niya pag busy ako.
"Oh dito na tayo, binibini bago lang tong mall na to dito ah"
"Salamat kuya Alan"
"Your welcome Tantan"
"Uuwi kana ba Alan"
"Oo wala naman masyadong pasada ngayon kaya uuwi na lang ako mamayang gabi na lang ulit ako mamasada"
"Gusto mo bang sumama sa amin, kakain tayo sagot ko dahil lagi mo kaming tinutulungan ng anak ko"
"Gusto ko man eh di---"
"Di pwede oh sige umalis kana salamat pala ah Alan"
"Teka binibini ko, diko pa tapos yung sinabi ko eh, ang ibig kong sabihin gustong gusto ko siyempre ikaw ang nagyaya eh"
"Dami pa arte halika na"
"Sige park ko lang tong taxi susunod ako" Natawa ako dahil kitang kita ko sa kanya ang saya.
"Anak halika na mauna tayo sa loob kakain muna tayo bago tayo mag shopping"
"Opo nay, wow ang ganda naman dito pang mayaman at ang lamig pa nay"
"Siyempre, ngayon araw na to mag eenjoy tayo anak mag celebrate tayo dahil sa wakas magaling kana"
"Salamat po nanay"
"Halika na"
"Opo" Naghanap muna ako ng restaurant para kumain.
"Binibini parang mahal dito, pwede naman tayong kumain sa turu turo lang baka wala ka ng pera"
"Eh ano naman ngayon kung mahal minsan lang naman eh, manahimik kana nga diyan ako ang bahala umupo kayo dun sa tabi ng bintana ni Tantan at mag oorder lang ako ng pagkain natin"
"Masusunod binibini ko"
"Ikaw Alan wag mo na akong tatawagin ng binibini ah ate, ate ang tawag mo sa akin, batukan kita diyan dun na nga kayo" inis na sabi ko sa kanya ang kulit niya kasi eh.
"Hello mam ano po maipaglilingkod ko sainyo" salubong na sabi sa akin ng waiter.
"Pahingi ng menu"
"Sure po, eto mam"
"Salamat" nag order ako saka ako nagbayad bago ako pumunta sa table namin.
"How dare you, wala ka bang mata do you know how expensive this bag"
"Hindi ko alam bakit,di naman kita kilala saka diko naman sinasadya, ikaw naman itong bumangga sa akin tapos ako pa ang may kasalanan ah di pwede yun" naririnig ko ang boses ni Alan, na para bang nakikipagtalo kaya mabilis akong lumapit sa kanila.
"Alan anong nangyari bakit ka sumisigaw diyan"
"Eh kasi itong hilaw na maarteng babae na to eh diko naman sinasadya eh galit na galit matapobre pa" inis na sabi nito.
"Ah miss pasensya kana" sabi ko kaagad sa kaharap kong babae.
"No I'm not accept that sorry lalo na kung galing saiyo, its him it his fault why are you saying sorry" sa dami dami ba naman ng makakabanggaan ni Alan ito pang malditang bata na to kaloka.
"Diko naman sinasadya eh ikaw nga tong di tumitingin sa dinadaanan"
"And it's my fault sa ganda kong to at ang bag kong napaka expensive kaysa sa buhay mo your kidding me"
"Matapobre na nga maldita pa tong bata na to kainis talaga"
"And you" sabay turo sa akin.
"Ako, bakit ako"
"Is he your brother?"
"Hindi ako--" tinakpan ko kaagad ang bibig niya.
"Tumigil kana diyan Alan, kung dika pa titigil diyan sigurado di matapos to humingi kana ng sorry para matapos na"
"Bakit ako hihingi ng sorry eh siya naman may kasalanan"
"Kaya nga para matapos na bilis"
"Ayaw ko nga" nakikipagtigasin tong loko na to.
"Kendra pag pasensyahan mo na ha"
"No!you know how much this bag"
Naiinis na talaga ako sa batang to.
"Nabasa lang naman ng tubig di namantyahan pwede naman ipa dry clean yan"
"What, dry clean are you serious"
"Okay akin na ang bag mo at ako na bahala diyan para matapos na humihingi na nga ako ng dispensya"
"Bakit parang tayo pa may kasalanan" sagot ni Alan.
"Tumahimik kana diyan sabi ko saiyo Alan ako na bahala dito"
"I'm not accepting your apologies especially that crazy guy"
"Crazy ako, aba papatulan ko na ang babaeng hilaw na to"
"Tama na okay, Alan tama na nakakahiya miss Kendra pwede tama na"
"No! di ako titigil at sino ka para patigilin ako hah" inis na nilapitan ko siya saka binulungan.
"Pag dika pa titigil, dimo magugustuhan ang gagawin ko"
"Are you threatening me"
"No I'm not threatening you, pinaalahanan lang kita"
"So what? anong gagawin mo akala mo naman natatakot ako"
"Talaga, di ka natatakot"
"And who are you para matakot ako"
"Pag dika pa titigil, baka mawala na saiyo si Doctor Clayton ng lubusan, isang landi ko lang dun ewan ko na lang"
"Wha---what did you say?"
"Isang tawag ko lang dun, pupunta na yun dito, ikaw bahala kung dika pa titigil aagawin ko siya saiyo"
"Aaahhh, I hate you na, I really hate you kainis"
"So okay na tayo"
"Fine! stay away from him understand" sabay tumalikod siya kaya natawa na lang ako sa kanya spoiled brat talaga. Affective talaga ang ganitong pananakot ko sa kanya ang cute kahit maldita.
"Wait saan ka pupunta?" tawag ko sa kanya.
"I hate you guys kaya aalis na lang ako" pairap niyang sabi.
"Ang arte talaga ang batang to"
"Kilala mo ba siya nay"
"Di naman masyado anak"
"Napaka matapobre ng hilaw na yun papatol na talaga ako sa babae"
"Hoy Alan kahit ganun ang ugali ng niya wag na wag kang papatol sa mga babae naintindhan mo"
"Nakakainis eh"
"Umupo kana nga diyan andiyan na ang order natin at makakain na"
"Pero ang ganda niya diba nay parang ikaw"
"Ayiee marunong ng tumingin ang baby ko ng maganda ah"
"Siyempre naman nay"
"Di naman yun maganda mas maganda pa nga ang binibini ko sa kanya"
"Babatukan na talaga kita kumain na tayo bilis"
"Eto kakain na galit kana agad"
Pagkatapos namin kumain nagtingin kami ng mga bibilhin kong damit ni Tantan, umuwi na rin si Alan dahil tinawagan siya ni Rica.
"Anak ano gusto mo ba tong sapatos na to bagay na bagay saiyo"
"Nay mukhang mahal, okay lang naman sa akin kahit mura lang"
"Okay lang anak, wag ka mag aalala afford ni nanay kaya kahit anong gusto mo sabihin mo lang"
"Nay kung bibili na lang tayo ng bahay natin"
"Anak walang pambili si nanay ng bahay pag iipunan ko"
"Tutulungan kitang mag ipon nay para makabili tayo ng sarili nating bahay"
"Ang gusto ni nanay mag aral ka ng mabuti kapag nakatapos kana ng pag aaral at may magandang trabaho kana ibili mo si nanay ng magandang bahay"
"Kahit nag aaral ako nay mag iipon po ako para mabilis tayong makabili ng bahay kahit maliit lang tapos saka na kita ibibili ng malaki pag mayaman na ako para di kana magtrabaho po"
"Hmm ang sweet naman ng baby ko na yan, sige mag aral ka ng mabuti para maging mayaman kana agad, halika na bilhin natin yung sapatos na yun bagay saiyo yun anak"
"Sige po nay"
Nabili ko yung sapatos na yun kahit may presyo pero okay lang kung masaya naman ang anak ko.
Mayamaya pay nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan.
"Nay okay lang kayo"
"Parang masakit ang tiyan ko nak, dito ka lang ah wag kang aalis magbanyo lang ako dito ka lang"
"Sige po nay antayin kita dito"
Nag madali akong tumakbo papuntang banyo, dahil diko na mapigilan.
Diko rin sinasadyang may nabangga ako papasok ng banyo.
"Ouch are you blind!" galit na sigaw niya sa akin, kaso di natalaga ako makapag antay lalabas na talaga.
"Pasensya ka na mam nagmamadali ako" namimilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Tinignan niya lang ako,pababa at pataas saka siya umalis.
"Nakakatakot, sa lahat ng makakabangga ko siya pa talaga ang malas naman ng araw na to"
****Everyone Pov****
"Where did you go?" nag alalang tanong ni Marco sa anak na di maipinta ang itsura.
"You don't believe it dad, I met a annoying and ugly person, and that girl also kainis what a bad day"
"Who are they?"
"That Danie girl I hate her, saka may kasama siyang ugly man"
"Si Danie, she is here where?"
"Bat parang bigla kang naging happy ng malaman mong andito yung girl na yun, wait dad do you like her?"
"Why not, she's single,and beautiful"
"Seriously, that girl! I cant imagine that she become my, my evil step mom no I dont want it"
"What are you talking about Kendra"
"Dad fine another girl not her"
"Okay okay wag ng magalit ang baby ko na yan oh where is your bag"
"Oh my god dad dont ask me its a long story, dadaanan na lang natin mamaya, I'm so hungry lets eat"
"Okay lets eat let's go"
Samantala si Tantan nakaupo siya sa isang bench habang inaantay ang kanyang nanay.
Habang nakaupo siya, may dumaan na may edad ng babae nahulog ang kanyang pitaka sa sahig na di niya napansin. Daretso lang na naglakad ang ginang, kaya pinulot agad ni Tantan ang pitaka na nahulog sa harap niya.
"Excuse me po, yung pitaka niyo nahulog" tawag nito sa ginang pero parang walang narinig daretso itong naglakad kaya sinundan na lang ni Tantan ito, kahit tinatawag niya di parin lumilingon.
Samantala ang mag ama pumasok sa isang mamahaling restaurant para kumain, naka reserve na din kasi ang kanilang table para sa kanilang dawala.
"What do you want to eat"
"I want steak dad and some veggies"
"Okay how about drinks"
"Water lang dad" sagot nito sa ama.
Habang abala si Marco na nakatingin sa menu at abala din si Kendra sa kanyang celpon may lumapit sa kanila.
"Oh look is here my baby cousin and my little ancle"
Napatingin agad si Marco sa harapan nito nagulat siya sa babaeng kaharap nasa harap niya, samantala si kendra di man lang tinapunan ng tingin ang babaeng yun at mukha atang kilala niya.
"Jewel, is that you"
"Yes Marco its me"
"He is your ancle you don't have respect" Inis na sabi ni Kendra kay Jewel.
"Baby cousin his same age to me, saka pwede ba wag kang sumabat sa usapan ng mga matatanda"
"Dad I really hate her"
"Tama na yan Kendra, kailan ka pa dumating sa pilipinas Jewel alam ba ng mommy at daddy mo na andito kana sa nakauwi kana"
"No they don't know"
"Why, bat dika man lang nagpakita sa kanila matagal ka ng di umuwi since you and Clayton break up"
"Babalik lang ako sa bahay at magpapakita sa kanila if nagkabalikan na kami ni Clayton, wala akong mukhang ihaharap kina mommy kaya bago ako uuwi kasama ko na si Clayton"
"Are you serious Clayton is mine kaya stay away from him" inis na sabi ni Kendra kay Jewel.
"Ayaw ko mga Clayton is mine, tignan mo nga sarili mo your still a baby, a father's baby" sabay tinawanan niya si Kendra na sobrang inis na inis na.
"Dad look that b***h! I hate her to become her cousin"
"Kendra, don't talk like that she is still older than you, you need to respect her she's your dad niece and your cousin at ikaw naman Jewel tigilan mo na siyang asarin, you guys always fighting"
"No way!!" sabay pa nilang sagot.
Napahawak ng sa batok ng wala sa oras si Marco.
"By the way Jewel, why your comeback here, because of Clayton?"
"Yeah I'm trying to win him back again"
"Pero dina siya katulad ng dati, you hurt him, mas pinili mo ang career mo sa modelling kaysa sa kanya are you expecting that he will accept you like that"
"I will do everything makuha ko lang siya ulit, kaya ko lang naman nagawang iwan siya dahil sa pangarap kong maging sikat na designer at model, at lahat yan nakuha ko na, at si Clayton na lang ang kailangan kong makuha"
Napabuntong hininga na lang si Marco.
"Fine do whatever you want, it's your decision, siya nga pala where do you stay now"
"For right now I'm renting a condo habang inaantay ko yung new condo na binili ko still on renovation"
"Are you still in modelling bakit di na kita nakikita sa mga international tv this few months"
"I'm so busy right now for my designer bag and Clothes"
"Dad dipa ba tayo kakain?"
"Kendra just wait the food is still not yet coming"
"I'm so bored right now lalo nat andito yang babae na yan"
"Kendra!"
"What!" inis na sabi ni Kendra sa ama.
Napailing na lang ito saka siya bumalik ulit kay Jewel.
"Your not going to do a modeling"
"Right now di muna, busy ngayon ako sa hospital bilang doctor"
"What did you come back to hospital"
"Yes and in Clayton's family hospital"
"Iba ka rin eh, pumasok ka talaga sa hospital niya mabuti tinanggap ka niya"
"Of course he will accept me, walang makakatanggi sa beauty ko"
"Jewel can you please try to visit your parents"
"Not now little ancle, don't worry dadating din ako diyan, sige iwan ko na kayo mag memeet pa kami ni Tita Corina"
"Clayton's mother why?"
"Its my own reason, bye enjoy your lunch my baby cousin, ang cute cute mo talaga"
"Dont touch my face, I hate you!"
"Me too I hate you bye see you around"
"Dad she's so annoying"
"Okay stop now Kendra your food is coming let's eat, don't show me that face again understand"
"Dad!"
"Just eat"
"Fine, so annoying!" pabulong na sabi niyo sa kanyang ama.
"Tita your here!"
"Oh Jewel iha, bat kapa lumabas sa restaurant papunta na ako dun"
"It's fine tita maghanap na lang tayo ng ibang resto, the food there is not good lets go may pina reserve na akong iba"
"Okay sige lets go" habang naglalakad silang papunta sa restaurant may kukunin sana sa bag niya ang ginang sa kanyang pitaka pero di na niya makapa.
"Wait where is my wallet" tinignan niya ulit ang kanyang bag pero di niya makita.
"What's happening tita"
"My wallet is gone wala dito sa bag ko"
"What saan ba ang last na pinuntahan mo baka naiwan mo dun"
"No imposible andito lang yun eh, wait dont tell me that girl na nakabangga ko kanina"
"What may nakabanggan ka kanina baka sinadya niya yun para dukutan ka tita"
"Sinasabi ko na nga ba eh! wala talaga maidudulot na maganda yang babae na yan, how can she do that thing"
"Sino ang tinutukoy mo tita"
"That girl na dinala ni Clayton sa restaurant, I think she's the girl get my wallet siya lang naman ang bumangga sa akin"
"What that girl, di lang lang siya goldigger magnanakaw pa" Galit na galit ang ginang kay Danie akala niya dinukot ni Danie ang wallet nito.
"I need to find that girl"
"Samahan na kita tita, kung dina natin siya makita ipapahuli na lang natin siya sa pulis" panunulsol ni Jewel.
"Excuse me po!" agad naman na lumingon ang dalawa.
"Yes ano yun" sabi ng ginang.
"Sainyo po ba tong wallet na to, nahulog niyo po habang naglalakad kayo"
"Yes this is my wallet, where did you get it" agad na tanong nito.
"Nahulog niyo po kanina dun sa malapit sa mga bench"
"You, your Danie's son right, baka naman dinukot mo yan kay tita at nagkuntyaba kayo ng nanay mo"
"What did you say Jewel, kaninong anak siya?"
"Yung Danie na yun na dinala ni Clayton sa restaurant"
"What she have a son already"
napatingin ulit ang ginang kay Tantan, napahawak agad sa kanyang dibdib at lumapit agad sa kanya, at nakilala pa nito ang bata.
"Diba ikaw yung bata na nagtitinda ng sampaguita last time"
"Opo ako po yun, kunin niyo na po ang wallet niyo at aalis na ako baka hinahanap na ako ng nanay ko"
Nakatitig lang ang ginang kay Tantan.
"You really like my son when he is same your age before you really like him"
"Sige po mauna ako" paalam ulit ni Tantan.
"Wait your not going anywhere, aminin mo you stole her wallet at nag kuntyaba kayo ng nanay mo"
"Hindi po napulot ko lang talaga yan, saka walang alam ang nanay ko rito"
"Sinungaling!" hinablot ni Jewel ang wallet kay Tantan saka akmang sampalin niya sana ang bata pero agad siyang napigilan ng ginang.
"Jewel stop it enough its okay sinabi naman niya na di niya kinuha ang wallet ko kaya it's fine"
"Tita di pwede to, need nilang ma report sa mga pulis baka makabiktima nanaman sila ulit"
"Di ako magnanakaw lalo na ang nanay ko napulot ko lang yan habang naglalakad siya at di niya naipasok sa loob ng bag niya"
"Liar!" sigaw nito kay Tantan.
"Enough Jewel let him go" sabi ng ginang.
"Tita di pwede mamimihasa lang yan, hoy come here dadalhin kita sa pulis"
"Bitawan niyo po ako wala akong ginagawang masama"
"Jewel I said stop it saka wala naman nawala let him go".
"Tita di pwede yun"
"Nasasaktan ako bitawan mo ako!"
"Sabi ng anak ko bitawan mo siya!"
Nakita ni Danie kaya agad siyang lumapit at dina nag dalawang isip na sinampal si Jewel kaya nagulat ito.
"Aahhhh ouch, you b***h did you slap me how dare you"
Agad na hinablot ni Danie ang ang buhok ni Jewel.
"Bitawan mo ang buhok ko how dare you to do this to me"
"Wala akong pakialam once na gawin mo ulit ito sa anak ko di lang yan aabutin mo"
"That's enough!" pang aawat ng ginang.
"Nay tama na po aalis na lang tayo" pakiusap ni Tantan sa ina. Agad naman na binitawan na patulak ni Danie ang buhok ni Jewel na muntik na itong napasubsob agad naman siyang tinulangan ng ginang.
"Sa susunod na gawin mo pa to, kakalbubin kitang bruha ka, halika na anak" galit na umalis si Danie kasama ang anak. Natulala na lang ang ginang sa nakita, at galit na galit na sumigaw sa sobrang galit ni Jewel dahil di man lang siya nakaganti halos lahat ng mga tao dun pinagtitinginan sila at kinukuhanan ng video.