MANILA, PHILIPPINES "Boss, kumusta na raw ang mga nasa South Africa?" tanong ni De Silva sa amo. "Hindi pa sila tumatawag sa akin simula noong nagtungo ang mission team doon. Kahit sina balae ay ganoon din kaya't sigurado akong wala ring tumawag sa kanila," pahayag nito. "Nakapanlulumo na talaga ang pangyayaring ito, Boss. Kung kailan nakapag-isip-isip si Young Master Sean Emerson ay saka pa nagkataong nangyari ang pagka-hostage ng ina at mga kapatid," aniya kasabay nang pagpakawala ng malalim na hininga. Kaso sa inasta niyang iyon ay napangiti si Boss Jolbon. Kaya't napakamot siya sa ulo. Dahil sa pagkakaalam niya ay wala namang nakakatawa sa kaniyang sinabi. "Parehas na tayong may edad, De Silva. Hindi nga natin alam kung kailan tayo kukunin ni BOSSING sa kaharian NIYA. Subalit ang