"Correct me if I'm wrong mgaPare. I understimated my two sons," ani Aaron Sud sa mga kaibigan. "To their abilities of planning and strategies, Parekoy?" tanong ni Bong. "Yes, Pare. Minsan naisip ko ay sobra ang tapang nila kaysa ordinaryong policemen. Naisip ko ring bunga lamang iyon ng kanilang kabataan. Gawin na lamang nating example ang pagsalungat nila kay General Ibrahim Babangida. Sa ating lahat kasali na ang mga tauhan ng heneral ay walang nangahas na sumalungat dito kundi ang dalawa," pahayag niya. "Pare, hindi mamumunga ng mangga ang kamatis. Way back then, during our younger years, you are the best among rest of us. Wala pa tayong kaalam-alam noon kung sino ka, kung saan ka nagmula. Naging suki tayo ng Left Wing Jail at sa ilang sangay ng kulungan kahit pa dahil sa trabaho nat