BANGKOK THAILAND "Ano ang sabi ng mga biyanan mo, Pare?" agad na tanong ni Bong sa kaibigan nang naibaba nito ang hawak-hawak na telepono. "Kilala n'yo na sila ng mga kapatid natin, Pare. Kahit sa ano mang bagay ay suportado nila kaming mag-asawa at ng mga anak namin. Kaya't sa tanong mo ay wala akong ibang masabi kundi ang suportado nila ako kahit ano man ang plano ko o ang pagsagip sa mag-iina ko," pahayag ni Aaron Sud. "Iyan ang mga biyanan mo, Pare. Pantay-pantay kayong lahat o kayo ng mga iba nilang manugang. Let me guess what they told you," tuloy ay nakangiting saad ni Mundo. "Sure, Pare." Napatingin si Aaron Sud sa kaibigan dahil mukhang eksayted na ito sa operasyong isasagawa at maging manghuhula na naman. "Ma'am MaCon suggested you about using private airplane in going to So