"Ano ang nangyari, Papa?" salubong na tanong ni Aaron Sud sa amang kadarating. "Hindi ko alam, anak. Alam mo namang araw-araw akong nagtutungo roon upang kumbinsihin si Sean na magsalita. Kaso iyon ang sumalubong sa akin," tugon nito. "Pero ano ba ang sabi ni Hepe? Saka hindi basta-basta mangyayari ang pagtakas ng isang preso kung wala itong kasabwat sa loob. Lalong-lalo na at sa presinto iyon." Umiling-iling si Aaron Sud dahil talagang hindi siya makapaniwalang nagawa ng anak niya ang tumakas. Ang ganda-ganda pa naman ng plano nilang dalhin ito sa MARGARITA baka sakaling makapag-isip-isip itong bumalik sa pag-aaral. Kaso mukhang mas malalim na ang natahak nitong daan. "SA katunayan ay binabalak ko pa lamang siyang ilabas sa presinto kahit sa ano mang paraan. Pumayag na rin si Hepe na