FEW months later... "Magandang umaga po sa ating lahat mga kapatid kay Kristo. Tayo ay naparito sa tahanan ng ating Amang Lumikha upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid. Sina Aaroon Sud Xavier at Mariz Kaye Mondragon. Pero bago tayo magpatuloy sa kasalang ito ay nais ko muna kayong tanungin kung mayroon bang tumututol sa kasalang ito. Kung mayroon man ay maari nang magsalita dahil kung hindi ay mananatili na kayong mananahimik magpakailanman." Iginala ng pari ang paningin sa kabuuan ng simbahan na para bang sinusuri kung may maglalakas-loob na tututol sa kasalan. Pero lumipas ang ilang sandali na nanatiling tahimik ang buong samahan. Kung may magpapakawala man ng fresh air ay maliwanag na maririnig ito ng buong paligid dahil napakatahimik. It's very solemn! A nature