XIX. Escape

2153 Words
(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW) MINULAT ko ang mga mata ko at nakita kong nasa isang magubat na lugar na kami ni Zenrick. Lumuwag ang yakap niya sa akin at saka niya ako tiningnan.”Nandito na tayo,” sabi niya sa akin. Magkahawak kamay kaming naglakad papasok pa sa gubat at sa dulo no'n, nakita namin ang isang lumang bahay. “Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kaniya. “Magiging ligtas tayokasi nandito sila Agnus, Caden at Irhana. Maraming poprotekta sayo kapag kasama natin sila,” sabi niya sa akin. Muli niya akong hinila pero hindi ako kumilos agad. “Bakit, pagod ka na ba?” tanong niya sa akin. “Eh ikaw, hindi ka ba napapagod na ipagtanggol ako?” tanong ko sa kaniya. “Pakiramdam ko pabigat na ako eh, hindi lang sayo maging sa pamilya ko.Sa bahay kanina nung nakita kong takot na takot sila Nanay, Tatay at si Ate—” natigil ako nung niyakap niya.Wala na akong magawa kung hindi ang maluha. Ngayon lang ako sumeryoso ng ganito tungkol sa ginawa sa akin ni Azazel. Sobrang laking hassle at pabigat na ito. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman ito? Ano na lang ang mangyayari sa pamilya ko? Paano kung madamay sila dito? Hindi ko kakayanin iyon. “Hindi ako papayag na ganito na lang, Ericka gagawa ako ng paraan para makaalis ka sa sumpa ni Azazel. I'll talk to Castiel baka mapagbigyan niya ako. I don't care if I have to serve a demon hunter until the end of time. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang magdusa ng ganito at makabalik sa buhay mo,”sabi niya sa akin at hinalikan niya ang ulo ko. “Magiging normal ulit ang buhay mo, Ericka. Pangako ko 'yan sayo,” sabi niya sa akin at pinunasan niya ang luha ko.Muli kaming naglakad at narating namin ang lumang bahay. Kumatok siya ng tatlong boses at pinagbuksan kami ni Caden. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya sa amin. “Kailangan namin nang mapagtataguan,” sagot ni Zenrick sa kaniya. Nakita kong sumilip si Irhana at saka mahinang ngumiti sa amin. “Pumasok na kayo,” sabi nito sa amin at ginawa namin iyon. Isang simpleng bahay na maraming espada at patalim ang nakalapag at parang nililinis. “Sinugod kayo ng mga hunter, tama ba?” tanong sa amin ni Irhana at tumango ako. “Dinamay na nila ang pamilya ko, yung ka-chat na foreigner ni Ate ayisang demon hunter pala, muntikan niya akong patayin sa harap ng pamilya ko,” sabi ko sa kaniya. “This can't continue Zenrick, hindi titigilan si Ericka ng mga hunters,” Sabi ni Irhana sa kaniya. “Alam ko, kaya nga kami magtatago diba?” “Hanggang kailan kayo magtatago?” tanong ni Irhana at saka ito umupo sa sahig para ituloy ang paglilinis ng mga patalim niya. “Hanggang sa hindi ko nakakausap si Castiel, baka kung mapaliwanag ko sa kaniya yung tungkol sa sapilitang pagmarka ni Azazel sa kaniya eh magawan niya ng paraan na matanggal ang sumpa,”sagot ni Zenrick sa kaniya.”Hindi magbaba si Castiel ng order kung may iba pang choice,” sabat ni Caden. “It was a irreversible spell, even demons who have higher rank than Azazel can't break it not even Lucifer.” “It was only Azazel himself who can break that f*****g spell,” dagdag pa ni Caden sa mga sinabi niya. “But we have another choice,” sabi ni Irhana “No, Its impossible.” “But still it is possible.” “Anong choice iyon?” tanong ko sa kanila at nagtinginan kami ni Zenrick. “Maybe we can work on it while hiding here.” “God Infinite, you need to talk to the main boss in heaven but it was hard, not even Castiel can see and talk to him that much,”sagot naman ni Irhana sa amin. “Saka this issues are passed down to his angels.” Dagdag pa nito sa akin. “Pwede naman siguro akong magdasal para mapagbigyan niya diba?” tanong ko sa kanila at nanginginig na naman ang luha ko. “Erick—” “Zenrick, abnormal na nga ako tapos ganito pa. Ayoko na ng ganito, gusto ko na lang na maging abnormal forever kesa tumakas ng ganito at makita yung pamilya ko na takot na takot,” sagot ko sa kaniya at medyo napataas ang boses ko, nahawakan ko na lang ang labi ko. “I'm sorry kung hindi ako dumating sa buhay mo hindi mangyayari ito. Sana hindi ko na lang pinili na maalala ang nakaraan ko para nanatili na lang ako multong may amnesia.Nagsisisi ka bang minahal mo ako?”tanong niya sa akin at saka siya yumuko. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, pero 'yon lang naman ang totoo eh. Masyado ng malaking g**o ito, sabi ko na nga ba g**o lang ang magagawa ng pakikipag-usap at pagtulong ko sa mga espirito. “Tama na nga iyan, magpahinga na lang kayong dalawa nasasabi niyo lang ‘yan dahil pagod,”suway ni Irhana sa aming dalawa at hinila niya ang maliit na kutson para maging higaan siguro namin. “Magpahinga na lang kayo dito, mamaya dadating na si Agnus,”sabi niya sa akin. Lumapit naman ako sa higaan at saka nahiga nang makaramdam ako ng sakit sa beywang ko. “Aray!” daing ko sa sobrang sakit pakiramdam ko tinusok ito ng sobrang diin. “Ericka, anong nangyayari sayo?” tanong ni Zenrick sa akin. Lumapit agad si Caden sa akin, tiningnan ko ang kamay ko at nakita kong maraming dugo ang dumikit sa kamay ko. Nasugatan si Azazel.“Anong nangyari kay Azazel, is he on fight?”tanong ni Caden. “Iniwan namin siyang nakikipaglaban doon sa millennial hunter para makatakas si Ericka,” sagot ni Zenrick. Agad na kumuha si Irhana ng tubig at pamunas at saka nila pinigilan ang pagdudugo sa aking beywang. Napasigaw na lang ako sa sakit dahil pakiramdam ko bumabaon lalo ang kutsilyo o kung ano mang matalim na bagay na iyon, maraming dugo din ang lumabas. “Mawawalan siya ng dugo kung magpapatuloy 'to,” sabi ni Irhana at mas diniinan ang pressure sa akin. “I will kill Azazel, he told me that he will try not to get hurt for Ericka,” singhal ni Zenrick at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “Did someone call me?” Mahina gsaad ng isang boses habang hinihingal ito at parang pagod na pagod na. It was Azazel, napasigaw ako ng maramdaman ko ang sobrang hapdi.Nakita nag bi-bleed din ang parte ng beywang niya. Parehas kaming nasugatan at maging siya nahihirapan. Humihingal kasi siya at agad na naghanap ng masasandalan ng makarating dito. He can still feel the pain and it’s wound it just happened that I can also feel it. “I did, I called you to kill you asshole,” sagot ni Zenrick sa kaniya. “What are you doing here, demon?” tanong ni Caden at tinaas niya ang patalim niya. “Woah, pwede ba mamaya na lang tayo mag laban kasi medyo napuruhan ako eh,” sabi nito at saka siya tumawa ng mahina. “This wound f*****g hurts,’ he added. “Ang sabi mo hindi ka masasaktan!” singhal ni Zenrick. “Ang sabi ko susubukan ko lang, I don't know that he was goddamn strong but don't worry, I already killed him,”sagot nito at saka lumapit sa akin. Nakataas pa rin ang patalim ni Caden samantalang nanlilisik ang mga mata ni Irhana. “Im sorry Destiny, I forgot that he has two knives but don't worry. I will not let you suffer long enough,” sabi niya sa akin. Tinapat niya ang kamay niya sa masakit na parte ng beywang ko at saka ito gumaling pero yung sugat niya naman hindi gumaling. Dahan dahang tinanggal ni Irhana ang towel sa aking beywang at tama, wala na itong sugat. Napaupo na lang si Azazel at saka napapikit. “Umalis ka na dito, demonyo!” sigaw ni Caden. “Hindi pwedeng huminga muna?” tanong niya rito. “Demons are not allowed in our place!” “Damn! Bakit ako nakapasok kung ‘di pala ako invited?!” “f**k off and leave!” Agnus. “Fine, I will pero wala ba akong thank you mula sa aking one and only destiny, na ka-forever ko?”he asked at saka siya tumingin sa akin. “Salamat,” sagot ko sa kaniya at mahina akong ngumiti. “Your welcome, Destiny,” he smiled and he disappeared with his dark aura. Napaupo na lang si Zenrick sa tabi ko at saka hinalikan ang ulo ko, nakatulog na lang sa sobrang pagod. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw na ito. *** KINABUKASAN, nagising ako ng nakayakap ng mahigpit si Zenrick sa akin. Napangiti ako at saka ako hinalikan ang matangos niyang ilong. Nagising naman siya agad at saka ngumiti rin. “Are you okay? Hindi ka na ba galit?”he asked me at umiling ako sa kaniya. Hindi ko dapat sinisisi si Zenrick sa mga nangyari sa akin. Alam kong mali yung mga sinabi ko kagabi at nasaktan siya dahil doon. “Sorry sa mga nasabi ko kagabi, alam ko nasaktan ka,”sagot ko sa kaniya at saka ako yumuko, hinawi niya ang buhok ko. “:Pinagsisihan mo bang nakilala mo ako?”he asked me. “Hindi, you are the best thing that ever happened to me, Zenrick. Napatunayan kong pwede pa rin pala akong mahalin kahit ganito ako.” “It was not hard to love you Ericka,” sabi niya sa akin “Demon Hunters are only allowed to do one thing. And that is to kill demons. Iyon ang magiging misyon namin habang buhay but you, you gave my life another mission and that is to love you and protect you,”sabi niya sa akin at saka niya hinalikan ang labi ko, sinagot ko rin naman ang halik niya sa akin. “Good Morning lovebirds!” napalingon and we saw Agnus on the door, binaba niya ang espada niya. Napapikit si Zenrick. “Kahit na kailan talaga, lagi na lang bang may cockblocker?”he asked at natatawang tumingin sa kaniya si Agnus. “Nagluto si Irhana ng almusal kaya bumangon na kayo diyan, kung gusto niyo ng solo time. Malawak ang gubat kaya huwag kayong magkalat dito,” sabi niya sa akin. Namula naman ako at saka agarang umupo. “Oo na, pag kami nagkaanak hindi kita gagawing ninong.” “Zenrick, bakit ka ba ganyan mag-isip!” sita ko sa kaniya. “Kasi naiisip kong may forever tayo, Ericka.” sagot niya sa akin kaya biglaan naman akong namula dahil doon. “Demon Hunters can't impregnate women. We are a freaking celestial being, Zenrick.” sabi ni Agnus. “Oo na alam ko, tinatakot ka lang eh,” sabi ni Zenrick at bumangon na siya saka niya ako inalalayan para bumangon na rin. Lumabas kami at nakita namin na nakahanda na ang lamesa doon. “Good Morning,” sabay na bati ni Irhana at Caden sa amin. “Good Morning din,” sagot namin ni Zenrick sa kanila. May simpleng almusal na nakahanda, pritong itlog, bacon saka pandesal pati sinangag na kanin. “Kumain ka ng marami Ericka, para handa ka sa buong araw na to. Hindi natin alam kung anong mangyayari,” sabi ni Agnus sa akin at tumango ako sa kaniya. “Saka nga pala, I visited your house kanina. May pulis doon sa bahay at may missing poster ka na sa paligid. Nag-aalala na ang pamilya mo sa'yo,” sabi ni Caden sa akin. “Alam ko, kumusta sila, nasaktan ba sila?” tanong ko sa kaniya. “They are alright, Azazel made sure that they are fine. Hero pa ang pagkaka-describe nila kay Azazel dahil sa pagligtas sa'yo pero hinahanap ka talaga nila.” Pagkwento niya muli sa akin. “Talaga? Wow!” biglang sumulpot sa gilid si Azazel at nakangiti pa ito. “What the!” sigaw ni Agnus at tinaas ang sandata nito pero pinigil siya ni Irhana. “Kagabi pa 'yan sulpot ng sulpot kaya masanay ka na,” sabi naman ni Irhana. “Don't worry, wala akong balak guluhin kayo. Gusto ko lang makita si Destiny,” sagot niya napaikot na lang ako ng mga mata ko. “Stop calling her destiny!” sigaw ni Zenrick. “Pero destiny talaga kami, our lives are intertwined,” sagot nito at saka siya kumindat. “Oo nga eh, nang dahil sa'yo nasira buhay ko, bwisit! Hindi na nakuntento,” sagot ko sa kaniya. “No one will satisfy me but you!” sabi niya sa akin at tinuro pa niya ako saka siya kumindat.“Saka, wala ka namang kawala sa sumpa ko kaya wala nang magagawa ang pagrereklamo mo.” Sagot niya sa akin tumayo si Zenrick at saka siya binato ng patalim pero hindi ito tumama kay Azazel. “Soon, Ericka will die because of this chasing game. Makikita rin ng amo na walang kwenta ang gusto n’yang gawin.” Sabi ni Azazel. Tumayo ito at kinuha niya ang patalim at saka niya binato pabalik kay Zenrick, luckily nasalo ito ni Zenrick. “Tandaan mo ito Azazel, kapag nakahanap ako ng solusyon sa ginawa mong problema kay Ericka,ako na mismo ang papatay sayo.” Banta ni Zenrick sa kaniya at lumabas ang asul na mata nito, agad namang naging pula ang mga mata ni Azazel. “Kung kaya mo,” sagot nito at saka siya tumawa na pang demonyo. Gamit ang powers niya he lift Zenrick into this air. “Stop it!” sigaw ko sa kaniya pero tiningnan lang niya ako. Hinahabol na ni Zenrick ang hangin dahil parang nasasakal siya. “Ayoko nga, pakialamero kasi ito masyado eh,” sagot niya sa akin. “Azazel, stop hurting Zenrick kung hindi papatayin namin si Ericka!” banta ni Caden and he point his knife on me, binaba agad ni Azazel si Zenrick at saka ito tumawa. “Matalino ka ha, galing!” sabi niya at tumingin siya sa akin and he disappeared again. Agad ko namang nilapitan si Zenrick at saka siya niyakap ng mahigpit. “That devil is using us for his survival,” sabi niya sa akin. Lumuha ulit ako dahil sakonsensya ko, lagi na lang ba masasaktan si Zenrick nang dahil sa akin? Bakit hindi pwedeng magmahalan na lang kami ng normal?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD