(ERICKA DEL CARLOS’ POINT OF VIEW)
TATLONG araw na kaming nagtatago dito sa tahanan nila Irhana pero hindi ko pa rin makalimutang ang huling pag-uusap namin kasama si Azazel, kung paano niya muntikang saktan si Zenrick.
“Masyado pa yatang maaga para tumingin ka madilim na view,” lumingon ako at nakita ko si Irhana. Mahina akong ngumiti sa kaniya at saka bumuntong hininga. “May iniisip lang ako,” sabi ko sa kaniya.
“Tungkol iyan sa sumpa ni Azazel diba?” tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya at yinakap ang sarili ko dahil sa lamig. “Pakiramdam ko sobrang pabigat ko na dahil doon, lahat na lang kayo parang pinoprotektahan ako kahit ang dapat niyong gawin eh patayin ako,” sagot ko sa kaniya.
“Dapat nga pinapatay ka namin pero inosente ka eh, tama si Zenrick. Hindi ka dapat nadamay sa gulong to, sadyang tuso lang si Azazel at alam niyang ikaw ang bagong kahinaan nito,”sagot niya sa akin.
“Zenrick lost so much for Margaret, but still he lost her despite of it,” sabi niya sa akin tumingin ako sa kaniya.
“Nung nawala si Margaret, nalungkot siya pero na-realize niya nandyan ka pa. He still have a reason to live, kaya gagawin niya ang lahat huwag ka lang mawala. He loves you so much that he will sacrifice even his immortality for you,”sagot niya sa akin
“Buhay niya, ako yata ang dahilan kung bakit masasaktan si Zenrick. Ayokong mapahamak siya.”
“Pero ayaw niyang mawala ka sa kaniya,” sagot niya siya sa akin, tumayo siya at saka ako hinarap.
“Sumama ka sa akin, may ibibigay ako sayo,”saad niya at hinila niya ako papasok ng bahay. Dinig na dinig pa namin ang hilik ni Caden pagpasok namin. Pumunta kami sa isang kwarto sa baba kung nasaan ang mga sandata nila.
Lumapit si Irhana at kumuha ng dalawang pirasong patalim, inabot niya sa akin iyon. “Para saan ito?” I asked her at nagkunot ang noo ko.
“Ayaw mong maging pabigat kay Zenrick diba?” tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya. “Tutulungan kitang huwag maging pabigat. I'll teach you the basics of fighting, para kung may sumugod dito,you'll have the confidence to defend yourself,” mabigat ang mga patalim pero sobrang talas nito.
Lumabas kami ni Irhana at tinuruan niya akong magbato ng patalim at kung paano ang tamang pagsugod, inabot na nga kami ng umaga dahil doon. Mabilis naman akong natuto at mock trial kami ni Irhana, kunwari siya ang kalaban at nagawa ko siyang talunin.
Sobrang saya ko dahil doon. “You're doing a great job,” napalingon ako at nakita ko si Zenrick.Naka-morning look pa siya at ang gwapo niyang tingnan. “Tinuruan ako ni Irhana na ipagtanggol ang sarili ko para hindi ako maging pabigat,” sagot ko sa kaniya at saka ako tumakbo para yakapin siya. “Hindi ka naman pabigat,” sagot niya sa akin.
“Pero gusto kong hindi ka laging nag-aalala sa akin sa tuwing may hunter na gustong pumatay sa akin. Gusto ko mabawasan yung pag-aalala mo, kung pwede nga hindi na maging stress eh,” sabi ko sa kaniya, hinalikan niya ang labi ko. “Mas maiistress ako kung wala ka sa tabi ko,” sagot niya sa akin at natahimik ako.Kahit na kailan hindi niya naisip na mas madali kung papabayaan na lang niya ako at hahayaan na patayin ng mga hunters.
“Tandaan mo ito, I love you so much that I will do anything not to lose you again like Margaret,” bulong niya sa akin.
“I Love you too, and I promise na hindi ako mawawala sa'yo gaya ni Margaret,” sagot ko sa kaniya. “Mamaya na kayo maglambingan at mag-eensayo pa kami ni Ericka. Zen, sasama ka ngayon kay Agnus at Caden para mag-hunt diba?
Tumango si Zenrick sa kaniya.”Oo, pambayad ko daw ng renta eh, dapat tumulong ako sa hunt ngayong araw,” sagot ni Zenrick at saka niya pinatunog ang buto niya. “Are you okay to be left here with Irhana?”
“Oo naman, magpa-practice kaming dalawa tapos magiging magaling ako, para sa susunodpwede na akong sumama sa hunting,” sabi ko sa kaniya pero tinawanan ko lang ang sarili ko.Kasi sure ako na kapag sumama ako sa hunting eh ako ang maha-hunt. “Demon hunting is dangerous. I will never let you go to hunt such demonic creatures,” sabi niya sa akin.
“Mamayang gabi na iyan, let's leave Zen!” sabi ni Caden habang kumakaway ito, mukhang kanina pa sila naghihintay ni Agnus. “I’ll be back before dinner okay?” sabi niya sa akin, tumango ako tapos hinalikan niya ang ulo ko. Bumulong pa siya ng I love you kaya para naman akong nangisay sa kilig.
“Sige na umalis ka na,” sabi ko sa kaniya. Dahan dahan siyang umatras at saka kumindat bago mag-teleport kasama sila Agnus. Naiwan kami ni Irhana na nag-eensayo buong araw.Kung may makakakita sa akin dito, aakalain nila akong baliw dahil parang may kausap at kalaban ako na hindi nakikita.
Mabuti, walang tao dito sa gubat na ito.
“Isang beses pa Ericka, mape-perfect mo na yung stunt,” sabi ni irhana sa akin. “Magaling kang magturo eh.”
“Dahil iyon sa ginusto mo, saka para hindi ka na rin mahirapan kapag may sumugod na hunters dito,”sabi niya sa akin. Naglaban ulit kami ni irhana at nagawa ko siyang talunin, sobrang saya ko dahil doon. Maya maya pa ay nakarinig kami ng kaluskos ni Irhana.
“Sino iyan?” tanong niya. Nilabas ko ang patalim ko at saka ko tinutok iyon sa direksyon kung saan maingay.
“Wag kang kabahan Irhana, kami lang ito. “Bumungad sa harap namin ang mahigit 20 na hunters. Ngumisi ang nagsalita na iyon at saka siya nagsmirk.
“Gusto lang naming patayin ang tinatago mong vessel,” sabi nito kay Ihrana.
“Ericka, get ready. We need to test your knowledge live demo,” sabi ni Irhana sa akin at tumango ako. Sumugod ang limang hunters at pinalibutan nila ako. “Akin ang puso mo,” banta ng isa sa kanila. Tinaas ko ang patalim ko at sinugod ko siya.Inilagan ko ang sandata niyang kakaibang itsura ng knife tapos sinaksak ko siya at namatay naman iyon. Ganon din ang ginawa ko pa sa tatlong hunters. Tumingin ako kay Irhana at pumapatay ng lima pang hunters na sunod sunod ang pagsugod sa kaniya.
“Isuko mo na lang ang vessel sa amin, Irhana para hindi ka masaktan!”sigaw ng isang babaeng hunter at binato niya si Irhana ng parang gamit ng ninja. She was hurt on her arms pero ininda niya iyon.
“Irhana!” sigaw ko at saka ko siya nilapitan.
“Keep your focus, Ericka. Hindi kita isusuko sa kanila,”she said. Napatingin ako sa kwintas ko at naalala ko ang binigay nila Agnus sa akin. Tatawagan ko sila, I touched it and with one second dumating sila Agnus, Caden at Zenrick. “Sila ang dapat sumuko sa’yo!” dagdag ni Irhanan at kumindat ito sa akin.
“Don't try to touch the vessel,” banta ni Agnus.
“Kailan ka ba naging traydor, Agnus? I thought you wanted promotion kaya gagawin mo ang order,” sabi ng isang hunter at mas dumami sila. 15 more hunters came, they all have dazzling blue eyes. Nilabas ni Zenrick ang anyo niya bilang hunter.
“Nandito pala ang special hunter ni Castiel na traydor rin,” sabi muli ng hunter na iyon.
“Hindi ako traydor, pinoprotektahan ko lang siya,” he said at lumapit si Zenrick sa harap ko.He covered me as if he was protecting me.”Wag nang maraming satsat, the group who will win will have the Vessel,”sabi ni Agnus at inangat niya ang espada niya.
“Gusto ko 'yan, pero manalo man o matalo,akin ang vessel,” the hunters formed their formation at sumugod sila sa amin. I fought and killed another 2 hunters, samantalang apat or lima naman kay Zenrick at sa mga kasama niya.
“Ericka, huwag kang makikipaglaban you might get hurt!” sigaw ni Zenrick.
“Shut up Zenrick! She's a better fighter than you,” singhal ni Irhana.
“Vessel, akin ka na!” sabi ng isang hunter and he tried to stab me pero napigilan siya ni Zenrick, they fought and Zenrick killed him. Mahigit anim pa ang sumugod para kalabanin si Zenrick. Tumulong na rin ako sa kaniya “Ericka!” sigaw niya sa akin and he teleported right in front of me, he hugged me tight and I heard him groan.
“Zenrick,” mahina kong bulong, he looked at me at kita ko ang pagtutubig ng mata niya na parang may iniinda siya.
“Did you get hurt?”he asked me at umiling ako sa kaniya. He groaned again at doon ka lang na-realize na dalawang beses siyang nasaksak nung hunter na ako pala ang puntirya.
“Zenrick!” I screamed as his body fell on the ground, tears came streaming down my eyes.
“Punyeta ka!” sigaw ni Agnus at pinatay niya ang hunter na iyon.Tinapos na ni Irhana at Caden ang ibang hunters kaya nagretreat na sila. Naiwan akong nakatingin kay Zenrick at hindi ko alam ang gagawin sa kaniya.
As I saw him fell, almost lifeless and bleeding hard in front of me. I felt how useless I am. I realized what kind of danger I am bringing to him. He doesn't deserve to someone who will just kill him. He doesn't deserve someone who will just put him into danger.