NARA Masarap sa pakiramdam ang paraan ng paghagod niya sa aking noo. Habang nakaunan ako sa kanyang hita. Simula nang magising ako mula sa aksidente naging estranghero na sa akin ang lahat ng nasa paligid ko. Kahit sarili kong pangalan ay hindi ko matandaan. Kaya nang sabihin sa akin ni Kendric na asawa niya ako. Noong una ay hindi talaga ako makapaniwala. Pero wala akong choice kundi tangapin ang katotohanan na yun. Lalo na nang makita ko sina Celine at Cecile. Sino ba naman ang hindi gagaan ang pakiramdam kapag ganun kagandang mga bata ang tatawag sa akin ng Mommy. Tinangal ko ang pag-aalinlangan at tinangap ko ang aking pagkatao. Ang maging si Gael ang asawa ni Kendric. Pero hindi ko maalis sa isipan ko kung bakit parang may mali sa kanya. Hindi ko alam kung nag-ooverthink lang ba ako