*Flashback "Lia! Look oh! Kinakausap ni maharot na neighborhood si Papa Gino!" bulong ni Jane sa kanya kaya napatigil siya sa pagbabike. Marunong na siya kasi nga tinuruan siya ni Gino. "P-Paano mo nasabing maharot?" "Sabi ng yaya ko. Maharot daw ‘yan kasi nakikita niya puro lalake ang mga bisita." Paglingon niya nandoon nga si Gino sa tapat ng gate ng kapitbahay nila at halatang tuwang-tuwa ito sa pakikipag-usap kay Gino. Hindi niya alam kung ano’ng pangalan ng babaeng iyon dahil wala naman siyang pakialam! Kung magsusuot din ito ng damit kita na ang kaluluwa. Akala mo tinipid sa tela ang damit. Kung sinu-sinong lalake nga rin ang nakikita nilang dinadala nito sa bahay palibhasa nasa abroad daw ang mga magulang nito. "Bilisan mo na, baka kapag niyaya niya si Gino sa loob hindi na m