Chapter 12

1905 Words

"Lia!" malakas na tawag ni Gino sa pangalan ng dalaga. Napatayo tuloy si Lia mula sa pagkakadapa sa kama at lumabas ng kwarto. "Bakit ba?" dungaw ni Lia mula sa pasimano ng hagdan. Tumingala sa kanya ang binata. Halatang kadarating lang nito galing ng opisina. "Baba!" kunot noong utos nito. "Ikaw ang umakyat!" "Isa!" bilang nito. "Dalawa, tatlo, apat, lima! Marunong ako magbilang, ‘no." nakairap na pamimilosopo niya at muling bumalik ng silid kaya walang nagawa si Gino kundi sundan siya nito. Kinuha niya ang laptop at sumandal sa headboard ng kama. Binalikan niya ang pinapanood na Anime movie na Inuyasha. Dakilang tambay siya dahil suspendido. Hindi pa rin naman niya trip na mag-ojt. "Pasaway ka talaga, ‘no?" inis na litanya ni Gino nang makapasok sa kwarto. "Bakit na naman ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD