Chapter 23

1987 Words

Chapter 23 Para ng turumpo si Lia kakapabiling-biling niya sa kama. Tumatakbo na naman kasi si Gino sa isip niya. Badtrip na nga siya dahil parati na lang itong tumatakbo sa utak niya kaya hindi siya dalawin ng antok. Aba ang hirap kayang magpakiyeme na akala mo ba dalagang Pilipina siya sa sobrang pagkailap niya rito ngayon. Kikibuin lang niya ito kung kailangan. Ayaw na kasi ulit niyang lumawig pa ang nararamdaman niya rito. Ayaw niyang umasa na naman siya sa wala. Napatingin siya sa bedside table, nandoon pa ang invitation ni Francis. Bumangon siya at dinampot iyon. Sa isang araw na pala iyon at sa pagpunta niya rito ibig sabihin lang no’n binabali na niya ang rules ni Gino kaya paghahandaan niya iyon. Lumabas siya ng kwarto para pumunta sa kusina. Nauhaw siya sa kapapagulong-gulong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD