Chapter Four

3120 Words
HINDI naiwasan ni Allie na makaramdam ng kalungkutan. Mahigit isang buwan na siyang naghahanap ng trabaho ay wala pa ring tumatawag sa kanya para sabihing natanggap siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon dahil maganda naman ang work experience at credentials niya. Napabuntong-hininga siya. Paubos na ang savings niya. She needed to find a job as soon as possible. "O, bakit nakabusangot ka riyan?" tanong sa kanya ni Olay. Naroon sila sa bakuran ng apartment niya at nakaupo sa silyang yari sa kawayan. Alas-kuwatro na ng hapon at nagme-merienda sila. "Paano ba naman ako hindi sisimangot? Kahit isa sa mga in-apply-an ko, wala man lang tumawag kahit isa. Paubos na ang savings ko, girl. Ano'ng gagawin ko?" mangiyak-ngiyak na sabi niya. "Don't lose hope, Allie. Ano'ng malay mo, biglang may tumawag sa 'yo this week." "Sana nga, Olay. Sana nga." Bigla siyang nainis. Hindi niya mararanasan ang ganoong hirap kung hindi dahil sa talipandas niyang ex-fiancé. Kung naging honest lang sana ito sa kanya sa una pa lang, sana ay hindi sila umabot sa hiwalayan. O kung naghiwalay man sila ay baka mas madali niya iyong natanggap. Baka hindi siya nasaktan nang sobra-sobra. Idagdag pa ang kahihiyang inani niya dahil sa pagiging makasarili nito. "Kung bakit ba kasi ako na nga ang niloko at napahiya, ako pa ngayon ang minamalas sa paghahanap ng trabaho? Napaka-unfair naman talaga!" patuloy na paghihimutok niya. Bigla ay tumulo ang mga luha niya. "Nakakainis!" "Hay, naku, girl, huwag ka nang umiyak diyan. Pasasaan ba't magiging okay rin ang lahat. Just wait," pag-aalo sa kanya ni Olay. "Teka nga pala, kumusta na 'yong mysterious fafa sa panaginip mo?" pag-iiba nito sa usapan. Pinahid niya ang mga luha sa mga pisngi niya. "'Ayun, wala pa rin siyang mukha." "Grabe naman 'yan. Medyo matagal mo na rin siyang nakaka-date sa panaginip mo, ha? Until now, wala ka pa ring idea kung ano ang hitsura niya?" "Ewan ko nga ba. Kahit ako, palaisipan sa akin kung sino ba talaga 'yon." "Hindi kaya si Darrel 'yon?" panghuhula nito. "Paano naman mangyayari 'yon?" diskumpiyadong tanong niya. Pero pilit na inisip niya kung si Darrel nga ba ang lalaki sa panaginip niya. Sumakit lang ang ulo niya dahil hindi talaga naging malinaw ang mukha ng lalaki. "Hindi, eh. Ewan ko. Malabo pa rin." "Speaking of Mr. Dream Boy... Look who's coming," ani Olay. Inginuso nito ang gate. Lumingon siya roon at nakita niya ang isang grupo ng mga lalaki na pawang nakasuot ng basketball jersey. By the looks of it, mukhang sa basketball court ang tungo ng mga ito. The ever-handsome Tanangco Boys who all looked so gorgeous in their jerseys and rubber shoes. Ngunit sa isa lang napako ang mga mata niya—kay Darrel. Naroon uli ang kakaibang pagkabog ng dibdib niya. "Hi, Allie," bati nito sa kanya. "Hello," ganting-bati niya rito. "Wow! Talagang special mention ka pa, ha?" panunudyo sa kanya ni Olay. "Ano ba talaga ang score sa inyong dalawa ni Darrel? Marami ang nakakakita sa inyo na madalas kayong magkasama. Nanliligaw ba siya sa 'yo?" "Gaga! Hindi, 'no," depensa niya. "Lagi lang talagang natitiyempo na nagkakasalubong kami o aksidenteng nagkikita somewhere. Mabait lang talaga 'yong tao." "Weh! 'Di nga? 'Yong totoo?" "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." KATATAPOS lamang maglaro ng basketball ni Darrel at ng mga kaibigan niya. Naroon pa rin sila sa basketball court na matatagpuan sa kabilang kalye ng kanilang barangay. Kung mayroon man silang pinagka-kasunduan na isang bagay, iyon ay ang paglalaro ng basketball. Isa rin iyon sa mga paraan para makapag-relax sila at mabawasan ang stress nila sa kanya-kanyang trabaho. "Pare, what's with you and Allie?" tanong sa kanya ni Justin. Uminom ito sa hawak na bottled water. "What do you mean?" ganting-tanong niya rito. "Come on, Darrel. You've been acting differently lately, man," ani Victor. "What do you mean?" tanong uli niya. "Hindi ka umaalis ng Tanangco. Mas madalas ka na namin ngayong nakikita sa bahay. Or if not, kasama mo si Allie," sabi ni Humphrey habang nagpupunas ito ng pawis sa noo. "Ayaw n'yo ba 'yon? Dati, nagrereklamo kayo kapag alis ako nang alis. Ngayon naman, nagtataka kayo. Ang gulo n'yo!" kunwari ay reklamo niya. "Alam mo, pare. Masaya kami dahil nakakasama ka na namin ngayon nang madalas. But of course, we just want to know what's going on with you and Allie. Are the two of you dating?" tanong ni Ken. Hinagisan nito ng isang bote ng mineral water si Dingdong. Hindi siya nakasagot. Maski siya ay hindi rin maintindihan ang sarili. Dati-rati ay hindi siya mapakali kapag matagal siyang hindi nakakadalaw sa mga negosyo niya, lalo na sa travel agency niya. Pero nag-iba ang lahat nang makilala niya si Allie. All he wanted to do right now was to stay at home. Stay near her so he could see her anytime he wanted. Kahit kailan ay hindi pa siya nagkaganoon sa kahit na sinong babae. Kadalasan ay ang babae pa ang nag-a-adjust sa schedule niya. Minsan pa nga ay sumasama ang mga ito sa pagta-travel niya para lamang makasama siya. "No, we're not dating," sa wakas ay sagot niya. Parang hindi siya masaya sa naging sagot niya. "So, does it mean you're just enjoying her company?" seryosong tanong ni Leo. "Yeah. Maybe," sagot niya. "Allie's a good catch. She's a decent woman. Hindi siya kagaya ng ibang mga babae riyan na halos sila na ang manligaw sa atin," sabi ni Dingdong. "May point ka riyan. Nakakainis kasi minsan na iyong mga babae pa ang nagbibigay ng motibo. Hindi ako impressed sa mga ganoong babae," ani Vanni. "If you're not interested in Allie romantically, puwede ko na siguro siyang yayaing lumabas?" ani Roy. Gaya ng dati ay walang mababanaag na anumang emosyon sa mukha nito. Hindi tuloy nila alam kung kailan ito seryoso o nagbibiro. "What?" halos sabay-sabay na tanong nila rito. Lahat sila ay nagulat sa sinabi nito. "Roy, are you kidding?" paniniguro ni Jared. "Jared, kailan ba nagbiro 'yan? Wala sa national dictionary niyan ang salitang 'joke,'" sabi ni Dingdong. "Roy, are you sure you want to ask her out?" tanong uli ni Darrel. Mataman siyang tinitigan ni Roy bago ito sumagot. "Yes. You just said the two of you aren't dating." "Yeah," mahinang sabi niya. Ngunit may bahagi sa puso niya ang nais na tumutol. Gusto niya itong pagbawalan na lumapit kay Allie. Hindi niya gusto ang ideya na magkasama ito at ang dalaga. "Bakit parang ayaw mo? Hindi ka naman siguro nagseselos," sabi ni Roy. Parang nabasa nito ang nasa isip niya. "Of course not," pagkakaila niya. "Good. Because I like her. Maganda siya at mabait. Ano pa ba ang hahanapin ko?" "Grabe, pare, hindi namin alam na may romantic bone ka rin pala," tudyo ni Dingdong kay Roy. "Akala namin, made of computer parts na ang puso mo." Bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Roy at saka ito umiling. "Pare, I'm just being honest. Kapag gusto ko ang isang babae, sasabihin ko agad. No excuses. Period," sabi nito habang nakatingin sa kanya. Biglang nag-iba ang mood niya. Ang kaninang magaan at masayang pakiramdam niya ay naglaho na parang bula. Na-bad trip na siya. "Game na uli!" pasigaw na sabi niya. Inihagis niya sa silya ang face towel at walang lingon-likod na tumayo na siya at naglakad patungo sa gitna ng court. Kinuha niya ang bola at sinimulang i-dribble iyon. Nang ihagis niya iyon ay pumasok iyon sa goal. "Ano'ng problema n'on?" narinig niyang tanong ni Vanni. "I don't know. Maybe he's jealous," sabi ni Dingdong. Kung ano man ang tawag sa nararamdaman niya ay hindi malinaw sa kanya. All he knew was, he didn't like the idea of Allie being with Roy. WALA nang stock ng pagkain sa ref si Allie kaya naisip niyang mamili nang kaunti na naaayon sa budget niya. Nagpasama siya kay Panyang. Habang naglalakad sila papunta sa palengke ay walang tigil ito sa kakareklamo tungkol sa mortal na kaaway nito na si Randolf Dajero, isa ring residente ng Tanangco at nakatira malapit sa bahay nina Panyang. Lagi raw itong inaasar ng lalaking iyon kaya hayun at lagi itong inis na inis. "Naku, may araw din sa akin ang kulugong Randolf na 'yon! Ang kapal ng mukha!" pagtutungayaw nito. "Baka naman bigla ka na lang bumulagta rito sa gitna ng kalsada. Masyado kang high blood." Hindi na niya napigilang matawa. Ang cute kasing tingnan nito. Kung gaano ito kaliit ay siya namang lakas ng boses nito, lalo na at hindi maganda ang mood nito. "Naku, makita ko lang ang mukha n'on, high blood na talaga ako!" Tumawa lang siya. Ilang saglit lang ay nakita nila si Dingdong na sakay ng itim na BMW nito. Papasok marahil ito sa opisina. Bumusina ito pagtapat sa kanila at ibinaba nito ang bintana sa driver's side. "Pinsan, mukhang any time ay lalabasan na ng apoy ang ilong mo. Sino na naman ang kaaway mo?" tanong nito. "Sino pa nga ba?" pairap na sagot ni Panyang. "Si Randolf na naman ba, 'insan? Sagutin mo na kasi 'yong tao. Ayaw mo pa kasing maniwala na may gusto siya sa 'yo." "Tse! Don't say bad words. Isusumbong kita kay Lolo. Besides, hindi ako pumapatol sa hindi tao." Natawa sila ni Dingdong dahil sa kalokohan ng pinsan nito. "Ginawa mo namang endangered specie 'yong tao," sabi niya. "Sinabi nang hindi tao 'yon. Palakang bato 'yon!" giit ni Panyang. Dumaan si Victor, sakay ng asul at itim na Ducati big bike nito. Huminto rin ito nang makita sila. Hinubad nito ang suot na helmet. Biglang ngumiti si Panyang at nangislap ang mga mata. Ang balita nga niya ay may gusto ito kay Victor. "Hi, Victor," pa-sweet na bati nito. "Panyang, the Great! Saang giyera ang punta mo?" biro nito at saka siya nilingon. "Hi, Allie!" "Hello," ganting-bati niya. "Papasok ka na rin?" "May pupuntahan akong photo shoot," sagot ni Victor. "B-baka kailangan mo ng partner sa pictorial. I'm available," todo ang pagpapa-cute na sabi ni Panyang. "Pinsan, hindi puwede roon ang mga ipinaglihi sa duwende," pang-aasar ni Dingdong sa pinsan nito. "Sira-ulo!" pasinghal na sabi rito ni Panyang. Nagtawanan silang tatlo nina Dingdong at Victor. Eksaherado namang inismiran ni Panyang si Dingdong. "Sige na. I have to go. Marami pa akong gagawin sa opisina. And by the way, Panyang, pumunta ka mamaya sa opisina ko. May ipapagawa ako sa 'yo," ani Dingdong. "Oo na. Basta mga after lunch," tila napipilitang sabi ni Panyang. Iyon lang at umalis na si Dingdong. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Victor. Sila naman ni panyang ay nagpatuloy sa paglalakad. Ilang saglit pa ay naramdaman niyang pinigilan siya nito. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakatulala ito sa kung saan. "Hoy, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya. "Namatanda ka ba?" "Kung ganyan ka-macho ang lahat ng nuno, sasama na lang ako, 'neng," parang wala sa sariling sabi nito. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito. Kahit siya ay natulala sa nakita. Bumilis ang t***k ng puso niya. Sinong babae ang hindi mawawala sa sarili kapag nakita si Darrel James Luciano, half-naked and looking so hot and sexy. He wore blue board shorts, showing off his six-pack abs and firm muscles. Pawis na pawis ito habang nagpu-push up. Bakit ba tila kay bango pa rin nitong tingnan sa kabila ng pawisang katawan nito? Parang gusto niyang tumakbo rito at punasan ito. O puwede rin naman na magpakulong siya sa mga bisig nito. "Grabe, girl, ang yummy niya, 'no?" ani Panyang na halos maglaway na. "Oo nga," wala sa sariling pagsang-ayon niya. "May kanin ka bang dala riyan? Dito na lang tayo kumain. Braso pa lang niya, ulam na." "Wala, eh. Bumili na lang tayo ng mantikilya. Tutal, may pandesal siya," pagsakay niya sa biro nito. Sukat sa sinabi niyang iyon ay hindi nila napigilang matawa sa kalokohan nila. Parang narinig ni Darrel ang pagta-tawanan nila dahil lumingon ito. Ngumiti ito pagkakita sa kanya. "Allie!" tawag nito. Lumabas ito ng bakuran ng bahay nito. "Saan ang punta n'yo?" "Diyan sa palengke," sagot niya. "Mukhang magluluto ka, ah. Puwede bang sa inyo ako kumain ng dinner?" Dinner? Ang ibig sabihin ay makakasama niya ito nang matagal. Sa isiping iyon ay naging abnormal na naman ang t***k ng puso niya. "Ayaw mo ba?" tanong uli nito. "Ha? Ah... o-okay lang. Sige, doon ka sa bahay mag-dinner mamaya." "Napipilitan ka lang yata, eh," anito sa nagta-tampong tinig. "Weh! Ang laking bakulaw mo para magtampo," kantiyaw ni panyang kay Darrel. "Hindi bagay, pare." "Ayos lang, Darrel," sabi niya. "Sige, doon ka na mag-dinner sa bahay ko. Ako na ang bahala sa food." "Yes!" ani Darrel na tila masayang-masaya. "O, siya. Mauuna na kami," ani Panyang at saka siya hinila nito palayo. STIR-fried fish at beef teriyaki ang niluto ni Allie para sa hapunan. Kailangang masarap ang ihahain niyang pagkain kay Darrel. Gusto niyang masarapan ito sa mga pagkaing niluto niya. Gusto niyang ma-impress ito nang husto sa kanya. She glanced at her wristwatch. It was almost eight in the evening. Panalangin niya na sana ay dumating na si Darrel. Pinaghandaan niya nang husto ang dinner nila. Nag-ayos din siya para ma-impress din ito sa hitsura niya. She wore a stylish red blouse and a simple pair of jeans. Gusto niyang maging maganda sa paningin nito. Ilang saglit pa ang lumipas ay narinig na niyang may kumakatok sa pinto. Her heart skipped a beat. Lumapit siya sa pinto para buksan iyon. "Good evening. Am I late?" tanong ni Darrel nang pagbuksan niya ito. Shit! Ang guwapo talaga niya! aniya sa sarili. He looked dashing and dignified in his suit. "Hindi naman. Tama lang. Pasok ka." Ngumiti ito nang matamis at saka itinaas ang hawak na kahon. "Cake. For dessert." "Right," usal niya. "Come in." Pagdaan nito sa harap niya ay nalanghap niya ang pabango nito—his familiar masculine scent. Napapikit siya nang wala sa oras, sabay singhot sa amoy nito. Ang bango naman! "'You like it?" tanong nito. Napadilat siya. Tumambad sa harap niya ang guwapong mukha nito. Malapit na malapit ito sa kanya. One wrong move from her ay siguradong maglalapat na ang kanilang mga labi. "I said do you like it?" pabulong na ulit nito sa tanong nito. "Ang alin?" ganting-tanong niya. Lumipad na naman ang isip niya. "My scent. By the way you reacted, mukhang nagustuhan mo ang amoy ko." Her heart melted when she looked in his eyes. "Yes, I like it," parang nahihibang na sabi niya. Ngumiti lang ito at pagkatapos ay lumayo na sa kanya. Dumiretso ito sa sala ng apartment niya at saka ito umupo sa sofa. Tumikhim siya para kahit paano ay makabawi sa isa na namang kagagahan niya. Paano ba niya maiiwasan ang lakas ng dating nito sa kanya? "Nagugutom ka na ba?" tanong niya na tila walang anumang nangyari. "Yeah. Marami kasing trabaho sa opisina. Hindi na nga rin ako nakapag-lunch." "That's bad. Dapat, kahit gaano ka pa ka-busy, hindi mo kinakalimutang kumain. Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin n'on, 'di ba?" He chuckled. "Oo nga pala. I'm sorry. Sobrang busy lang talaga ako." Ngumiti siya. "It's okay. Let's eat then." Tumango ito at sabay na silang dumulog sa hapag. Habang kumakain sila ay panay ang papuri nito sa lasa ng mga niluto niya. Wala itong ibang sinabi kundi masarap daw ang mga pagkain. She was happy, of course. Nagustuhan nito ang inihain niya. Iyon naman talaga ang gusto niya. Isa na lang ang hinihintay niyang purihin nito—ang ayos niya. Pero matatapos na silang kumain ay wala pa rin itong sinasabi na kahit ano tungkol sa hitsura niya. "Ang sarap talaga! You should cook more often." "Thanks," aniyang nawawalan na ng pag-asa. Bakit nga ba siya nagkakaganoon? Hindi ba at ipinangako na niya sa sarili na kahit kailan ay hindi siya magpapadala sa kahit anong sasabihin at gagawin nito? "Hayaan mo, kapag hindi ako masyadong busy ay sasabayan kita sa pagkain." Sasagot pa sana siya nang marinig niyang may kumakatok sa pinto. Nakakunot ang noong tiningnan siya ni Darrel. "Were you expecting somebody else?" "Wala," sagot niya. "Baka si Olay 'yan o si Panyang. Teka, titingnan ko muna kung sino." Tumango ito. Tumayo na siya mula sa silya at nagtatakang lumapit sa pinto sa sala. Nagulat pa siya nang makita kung sino ang dumating—si Roy. May dala itong folder at isang bouquet ng assorted flowers. "Roy? Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. "Good evening, Allie," bati nito na tila hindi nito narinig ang sinabi niya. "Oh, yeah. I'm sorry. Good evening din. Tuloy ka," anyaya niya rito. Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto. "Thanks." Pumasok na sa pinto. Agad na nakita nito at tinanguan si Darrel. Napatingin siya kay Darrel. Hindi niya maintindihan kung galit ba ang nababasa niya sa mukha nito. "Roy, what are you doing here?" tanong nito. Itinaas ni Roy ang folder na hawak at saka nito iniabot iyon sa kanya. "What's this?" Binuksan niya ang folder at saka nagtatakang tiningnan uli niya si Roy. "Resume ko 'to, ah. Paano ka nagkaroon ng copy nito?" Hindi nito sinagot ang tanong niya. "For you." Ibinigay nito sa kanya ang bouquet. "You look gorgeous tonight, Allie." Nakadama siya ng kaunting saya. Bakit si Roy ay na-appreciate ang pagpapaganda niya? Ang inaasahan pa mandin niyang magsasabi niyon sa kanya ay si Darrel. Pero kahit maikling papuri ay wala siyang natanggap mula rito. Hindi man lang din siya dinalhan nito ng mga bulaklak. Maybe she expected too much from him. Hindi dapat ganoon ang maramdaman niya. Naroon siya para makalimutan ang kanyang nakaraan at para muling makaahon, hindi para humanap ng panibagong pag-ibig na sa huli ay mauuwi rin sa wala. Pilit na isiniksik niya sa isip na kaibigan lamang niya si Darrel. Kaibigan nga lang ba talaga, Allie? mapa-nudyong tanong ng isang bahagi ng isip niya. "About your resume, nakita ko kasi 'yan sa HR namin," sabi ni Roy. "Saang company ka ba pumapasok?" tanong niya. "Sa dami kasi ng in-apply-an ko, hindi ko na maalala 'yong iba." "RRC Computer Incorporated. I own it." Bago pa siya makapag-react ay biglang nagsalita si Darrel. "I'll go ahead," seryosong sabi nito. Nilingon niya ito. "Ha? Paano na 'yong cake na dala mo?" Hindi niya maintindihan ang isang ito. Bigla na lang nagbabago ang mood. Kanina lang ay masaya sila habang nagkukuwentuhan. Dumating lang si Roy ay hindi na maipinta ang mukha nito. "Nakakaistorbo yata ako," sabi ni Roy. "Hindi. Okay lang," may bahid ng inis na sabi rito ni Darrel. Binalingan siya nito. "Aalis na ako, Allie. Thank you for the nice dinner." Pagkasabi niyon ay dire-deretso na itong lumabas ng bahay niya. "Ano'ng problema n'on?" nakakunot ang noong tanong niya. "Maybe he's jealous," walang emosyong sagot ni Roy. "Hindi. Sigurado ako roon," malungkot na wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD