Chapter Two

2839 Words
NGALINGALING irapan ni Allie ang mga lalaking nakatingin sa kanya. Ano ba ang problema ng mga lalaking ito at parang nakakita ng aparisyon pagdating niya? Nagsisimula na tuloy siyang mainis. Hindi naman siguro siya mukhang taong-grasa. In fact, katatapos lang niyang maligo bago lumabas ng apartment. Buong umaga siyang nag-ayos doon kaya hindi na niya nabigyan ng oras ang pagluluto ng tanghalian. Nang makaramdam siya ng gutom ay niyaya niya si Olay na kumain sa Rio's Finest. "Hoy, mga fafa! Huwag ninyong titigan ang friend ko at baka matunaw 'yan!" sabi ni Olay. Noon lang tila natauhan sa pagkakatulala ang mga lalaki. Ang ilan sa mga ito ay halos sabay-sabay na nagtayuan at nag-uunahan pang lumapit sa kanila. Tatlo sa mga ito ang naiwan sa mesa at nakamasid lamang. Ang isa sa tatlong nakaupo ang nakakuha ng atensiyon niya. Ito na yata ang pinakaguwapo sa grupong iyon. He had the most expressive pair of eyes she'd ever seen in her life. Nakatingin din ito sa kanya. Kahit gusto na niyang alisin ang tingin dito ay tila hinihipnotismo siya ng mga mata nito. "Olay, baka gusto mo kaming ipakilala sa kasama mo." "Hay, naku, umarya na naman ang pagiging playboy mo, Victor," mataray na sabi ni Olay. Hindi inintindi ng tinawag na "Victor" ang sinabi ni Olay. Binalingan siya nito at nginitian nang pagkatamis-tamis. Inilahad pa nito ang isang kamay sa kanya, saka ito nagpakilala. Medyo pamilyar sa kanya ang mukha nito. "Hi. I'm Victor Pineda." Bago pa niya matanggap ang nakalahad na kamay nito ay may ibang kamay na umabot sa kamay niya. "Miss, huwag kang masyadong dumikit diyan. Marami na 'yang pinaiyak na babae. By the way, I'm Ken." "Hi," bati niya rito at saka uli niya binalingan si Victor. "Hindi ba ikaw 'yong model?" tanong niya. "Yes. I'm glad you recognized me," sabi nito at saka siya nginitian. "And Ken, remind me later na irereklamo kita sa barangay dahil sa kasong paninirang-puri." Sinita ang mga ito ng isa pa sa grupo. "Ang ingay n'yong dalawa. Baka gusto ninyong doblehin ko ang service charge n'yo." Nilingon siya nito. "Ako nga pala si Vanni, and I own this cute and cozy restaurant." "Yeah, he owns it. Pero kuripot 'yan. I'm Dingdong," pakilala sa kanya ng isa pang lalaki. "Hoy, teka, huwag n'yo namang takutin si Miss... Ano nga uli ang name mo?" tanong ng matangkad na guwapong lalaki na may hawak na sketchbook. "Rosalie," sagot niya rito. "But you can me 'Allie.'" "Nice name. Allie. I'm Jared. I'm a painter. Have you seen my latest paintings?" tanong nito habang nakangiti at nakatingin sa kanya. "Jared, she's not asking you about your paintings," pambabara dito ng may hawak na professional camera. At saka ito nagpakilala sa kanya. "I'm Humphrey. I'm a photographer." "She's not asking you about your photos, as well," ganting-sabi rito ni Jared. "Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko. Kulang lang sila sa tulog kaya kung anu-ano ang sinasabi. Ako nga pala si Justin," sabad ng isa pang lalaki. Hindi pa siya nakakasagot ay tumayo na ang lalaking unang kumuha ng atensiyon niya. Daig pa niya ang namatanda nang maglakad ito palapit sa kanya. Nahawi sa gitna ang mga lalaking nakapaligid sa kanya. "I'm Darrel," pakilala nito sa kanya. May kakaibang dating sa kanya ang baritonong boses nito. He was gorgeous, for pete's sake! Matangkad ito at moreno. Maganda ang mga mata, matangos ang ilong, at parang kay sarap halikan ng maninipis na labi nito. He walked with grace. And his smell... Kay sarap amuyin ng gamit na pabango nito. Naghanap siya ng pangit sa pisikal na anyo nito para ma-distract siya nang kaunti sa lakas ng dating nito pero nabigo siya. Napakurap siya at parang nagising sa panaginip nang ituro nito ang dalawa pang kasama nito na tahimik na nakaupo at nakamasid lamang. "And these are Roy and Leo," pakilala nito sa dalawa. Kiming nilingon niya ang dalawa. Bahagyang ngumiti at tumango lamang si Leo. Si Roy naman ay tango lamang ang ibinigay sa kanya. "Pasensiya ka na sa dalawang iyan, Allie. Hindi rin namin alam kung paano namin naging kaibigan ang dalawang taong-batong 'yan. Don't worry, ganyan lang sila. Hindi naman sila nangangagat," pabirong sabi ni Dingdong. Hindi niya napigilang mapangiti. Kahit makukulit ay pawang mga guwapo at mukhang mabait ang mga ito. "Saglit nga, mga echoserang froglet kayo!" sabad ni Olay. "Nakita n'yo lang si Allie, kinalimutan n'yo na agad ang beauty ko. Huwag kayong mawawala sa birthday ko, ha? Pumunta kayo, lalo na ikaw, Darrel. Lagi ka na lang absent dito sa Tanangco. Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta." "I'll be there. Promise," sagot nito. Ngunit ang mga mata ay nasa kanya pa rin. "Good. And Vanni, 'yong food, ikaw na ang bahala." "No problem, Olay." "Okay. Bago pa tuluyang malusaw si Allie sa mga tingin n'yo, o-order na kami ng pagkain." Hinila na siya ni Olay papunta sa counter. Bago pa siya tuluyang makatalikod ay binigyan siya ni Darrel ng isang matamis na ngiti. PABILING-BILING si Allie habang nakahiga sa kama niya. Magdadalawang oras na siyang nakahiga roon pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Hindi mawala sa isip niya ang maamong mukha ni Darrel. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mukha nito. Somehow, she knew she'd seen him before. Hindi lang talaga niya matandaan kung saan at kung kailan. She couldn't help but remember how Darrel smiled at her. It made her heart skip a beat. Ano ba'ng meron sa lalaking 'yon at nagkaka-ganito ako? Lahat naman sila ay guwapo. Pero may kakaiba talaga sa kanya, eh. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi siya dapat magpadala sa mga guwapong nilalang na iyon. She was there to forget the nightmare she had been through. Hindi pa iyon ang panahon para muling maghanap ng mamahalin. Pilit na isiniksik niya sa isip na ang importante—at dapat niyang asikasuhin—ay makahanap siya ng trabaho. NASA mall si Allie at abala siya sa pamimili ng T-shirt na ireregalo niya kay Olay. Hindi niya maaaring palagpasin ang kaarawan nito. Gusto niyang kahit paano ay may maibigay siya rito bilang pasasalamat sa tulong na ibinigay nito sa kanya. Hindi siya mahihirapang bilhan ito ng regalo dahil bading man ito ay hindi naman ito cross-dresser gaya ng iba. Nahagip ng mga mata niya ang isang pink T-shirt. Napangiti siya. Maganda ang disenyo niyon kaya sigurado siya na magugustuhan iyon ni Olay. Kukunin na sana niya ang naka-hanger na T-shirt nang may kamay na naunang kumuha niyon. Napatingin siya sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. At ganoon na lamang ang gulat niya nang makita niya kung sino ito—si Darrel. Nakangiti ito sa kanya. "Hi, Allie," bati nito. "Did I scare you?" "Ha? Uhm... No. Nagulat lang ako." "Ah. akala ko, natakot kita. Bibilhin mo ba 'to?" Itinuro pa nito ang T-shirt na hawak nito. "Sana. Para kay Olay," matapat na sagot niya. "Here..." Iniabot nito sa kanya ang T-shirt. "Naku, huwag na," nahihiyang tanggi niya. "Nauna ka diyan, eh." "I insist. Hahanap na lang ako ng iba. Besides, para kay Olay din sana ito kaya gusto kong bilhin. No big deal." "Are you sure?" paniniguro niya. "Yeah," tumatangong sabi nito. Nagdadalawang-isip man ay tinanggap na niya ang T-shirt. "Thanks," kiming sabi niya. Pasimpleng huminga siya nang malalim para mabawasan ang kabang nararamdaman niya. "May sasakyan ka ba?" kapagkuwan ay tanong ni Darrel. "Wala, eh," sagot niya. "Puwede kang sumabay sa akin pauwi." "H-ha?" gulat na tanong niya. "Naku, huwag na. Nakakahiya naman sa 'yo. Baka may lakad ka pa, makaabala pa ako." "Again, I insist. Wala na akong lakad pagkatapos ko rito. I cancelled all my plans for today. Nangako ako kay Olay na hindi ako magiging busy ngayong araw. Baka magtampo na siya sa akin 'pag hindi ako pumunta sa birthday party niya." Tumango siya at saka ngumiti. "Okay. Kung hindi makakaistorbo sa 'yo, makikisabay na ako." PAGKATAPOS bayaran ni Allie ang regalo niya para kay Olay ay sinamahan naman niya si Darrel na bumili ng regalo nito para sa kanilang kaibigan. Pagkatapos ay nagyaya itong mag-merienda sa isang cake and pastry shop. Sa sandaling oras na nagkasama sila ay nalaman niya kung gaano ito kasimpleng tao. Hindi halata sa ayos at porma nito na hindi ito basta-bastang tao. Nagtaka tuloy siya kung bakit hindi ito nakatira sa isang exclusive subdivision. Bagkus ay doon sa payak na kalye ng Tanangco ito sumisiksik kasama ng iba pang mga kaibigan nito na pawang mga may-kaya rin sa buhay. Lalo siyang namangha nang magtungo na sila sa parking lot ng mall at huminto sila sa tapat ng isang gray Porsche. Parang ayaw na niyang sumakay roon kaya lamang ay napasubo na siya. Tahimik siya habang bumibiyahe sila. Nakikinig lamang siya sa mga kuwento nito. Nakahinga siya nang maluwag nang ihinto na nito ang sasakyan sa tapat ng apartment niya. "Thanks," simpleng sabi niya. "Wala 'yon. Magkapitbahay naman tayo, eh." Akmang bababa na ito para pagbuksan siya ng pinto nang pigilan niya ito. "Huwag na, Darrel. Ako na. Salamat uli." Mabilis na bumaba siya ng sasakyan at walang lingon-likod na pumasok siya sa loob ng bahay. Pagkasara niya ng pinto ay saka pa lamang siya nakahinga nang maayos. Habang kasama niya si Darrel ay hindi niya naiwasang makadama ng pagkailang. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang kalakas ang dating nito sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi pa iyon ang tamang panahon para maghanap siya ng bagong pag-ibig. "Umayos ka, Rosalie. Focus," pagkausap niya sa sarili. NAGTATAKANG tinitigan ni Allie si Olay at ang katabi nitong si Panyang. Parehong titig na titig din sa kanya ang dalawa. May nababasa siyang panunukso sa mga mata at ngiti ng mga ito. Nang hindi na siya nakatiis ay nagsalita na siya. "Hoy, ano ba'ng problema n'yong dalawa?" Kinikilig na tinapik siya ni Olay sa kamay. "Ikaw, girl, ha? May hindi ka sinasabi sa akin." "Ano naman 'yon?" tanong niya. Clueless pa rin siya sa sinasabi ng mahaderang baklita na ito. "We saw you kanina," nanunuksong sabi naman ni Panyang. "Nakita ka naming bumaba ng kotse ni Papa Darrel. Saan kayo nag-date, ha? Ikaw naman, hindi ka muna nagpakipot." Napailing-iling siya nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng mga ito. "Gaga! Hindi date 'yon. Aksidente lang kaming nagkita sa mall kanina. Pauwi na rin siya kaya isinabay na niya ako." Nagkibit-balikat si Olay ngunit may panunukso pa rin sa klase ng ngiti nito. "Okay. Sabi mo, eh. You know what? Ngayon lang namin nakita 'yan na may pinasakay na babae sa Porsche niya. Sosyal ka, girl," kinikilig na sabi ni Panyang. "Huwag n'yo nga 'yong bigyan ng ibang kahulugan. Sumabay lang ako sa kanya pauwi." Pero mukhang hindi kumbinsido ang mga ito sa sinabi niya. "Look, I'm not ready to find another love. Ayoko pa. Masakit pa rin sa akin ang mga nangyari." "Sige na nga," sabi ni Olay. Nabaling ang atensiyon nilang tatlo nang may dumating na bagong mga bisita. Naroon na kasi sila sa bakuran ng bahay ni Olay kung saan ginaganap ang birthday nito. Isa-isang pumasok sa gate sina Roy, Leo, Dingdong, at Darrel. "Ay, ang mga boyfriend ko!" bulalas ni Olay. Nagmamadaling sinalubong nito ang mga bisita nito. Sila naman ni Panyang ay nanatili sa upuan nila at ipinagpatuloy ang pagkain. "Ang saya naman! Ang popogi ng mga bisita ko. Dito na kayo sa table namin." "Hi, Allie," bati sa kanya ni Darrel. Ngumiti lang siya bilang sagot. "O, Panyang the great. Kumusta na ang butihin kong pinsan?" tanong ni Dingdong. "'Eto, kulang pa rin sa height. Ikaw naman, kumusta? Ayaw mo pa rin ba akong pautangin?" Parang walang narinig si Dingdong dahil siya naman ang binati nito. "Hello, Allie, huwag kang masyadong didikit diyan sa pinsan ko. Uutangan ka rin niyan." "Tse!" pairap na sabi ni Panyang kay Dingdong. "Ang ingay n'yong magpinsan," reklamo ni Roy na gaya noong isang araw na nakilala niya ito ay tinanguan lang din siya; gayundin si Leo. "And you, little lady, don't talk when your mouth is full," panenermon nito kay Panyang. "Hindi ba itinuro 'yan sa 'yo sa school na pinanggalingan mo?" "Ewan ko. Absent yata ako noong itinuro 'yon," pamimilosopo ni Panyang. Natawa silang lahat pati na rin ang tatahi-tahimik na si Leo. "Magpinsan nga kayo ni Dingdong," sabi nito. Nagngisihan lang ang magpinsan at saka nag-high-five. Ilang saglit pa ay dumating si Vanni. Kasunod nito ang isang waiter na may dalang isang malaking tray na puno ng pagkain. "Mga pare, here's your food," sabi nito. Nang mailapag na sa mesa ang lahat ng pagkain ay sumulpot si Humphrey na dala ang camera nito. "Guys, smile naman diyan!" Nagkanya-kanyang pose sila—may nakangiti, nakangisi, at seryoso. "Ayos!" ani Humphrey pagkatapos ng ilan pang shot. "Bukas, abangan n'yo na lang sa f******k ang mga pics natin." Nagkanya-kanya na ng kuha ng pagkain ang mga bagong dating nang biglang magsalita si Vanni sa harap niya. "Kumusta naman ang date ninyong dalawa kanina?" tanong nito. "Ha?" usal niya. "Iyong date n'yo ni Darrel, kumusta na? Inihatid ka pa nga niya, 'di ba? Kayo na ba?" Sasagot sana siya nang pasimpleng hinawakan ni Darrel ang isang kamay niya. Ito na ang sumagot para sa kanya. "Okay naman. Bakit, pare?" "Naks naman! So, kayo na nga?" tanong uli ni Vanni. "Sa amin na lang 'yon." Nakita niya nang umiling si Roy. Si Vanni naman ay hindi na uli nagtanong. "Bakit hindi mo itinama si Vanni? Baka isipin nga nilang nagde-date tayo," pabulong na sita niya kay Darrel. "Hayaan mo lang ang mga 'yan. Kung hindi ko sinabi 'yon, hindi ka nila titigilan. Kukulitin ka lang nila lagi." "Ayoko lang mag-isip sila nang masama sa akin. Bago lang ako rito sa lugar ninyo. Isa pa, ayokong ma-involve sa kahit na sino sa ngayon. Hindi pa ako handa." Tiningnan siya nito. "What do you mean hindi ka pa handa?" "Nothing. Kumain na lang tayo," paiwas na sagot niya. "Look, kung anuman ang pinagdaraanan mo, I'll help you get through it." Napatitig siya rito. Bakit bigla ay nakaramdam siya ng kapanatagan ng loob? Kung tutuusin ay wala itong obligasyon sa kanya dahil hindi naman sila magkaibigan. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi siya dapat magpadala rito. "Nasaan na ba 'yong iba?" malakas na tanong ni Leo. "Nasa dance floor. Nakikipaglandian," sagot ni Panyang. "Hindi ako kasama sa kanila, okay? Late lang ako," sabad ni Jared na kararating lang sa usapan. "You seldom come on time, pare." "Better late than never. Right, Olay?" depensa nito. "Oo na!" Hindi na niya namalayan ang oras. Nagulat pa siya nang makitang alas-dos na pala ng madaling-araw. Masyado siyang nalibang sa pakikipagkuwentuhan sa mga newly found friends niya. She enjoyed their company so much. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit sa kabila ng mataas na katayuan ng mga ito sa buhay ay mas piniling manirahan ng mga ito sa payak na lugar na iyon. Hindi mahirap pakisamahan ang mga ito. Hindi rin niya naramdaman ang pagkailang sa buong gabi na magkakasama sila, taliwas sa inaasahan niya. Wala silang ginawa kundi kumain at magtawanan. Habang ang mga kalalakihan ay may kanya-kanyang hawak na bote ng beer. Ilang sandali pa ay tinanong siya ni Victor kaya nabaling uli sa kanya ang atensiyon ng lahat. "So, Allie, are you still single?" "Hala! 'Ayan na. Dumidiskarte na naman siya," panunukso ni Humphrey kay Victor. "Yes, I'm single," sagot niya. "Wala ka naman sigurong naiwang boyfriend sa Baguio," singit ni Dingdong. Sukat sa sinabi nito ay tila naumid ang dila niya. Would she still consider Jesse as her boyfriend?  Maybe not. Dahil mula nang lokohin siya nito ay naputol na ang ugnayan nila ng lalaki. Ang masakit lang ay harap-harapan pa nitong sinabi sa kanya na hindi na siya mahal nito. "Uhm... Wala, ah," sagot ni Olay para sa kanya. Napansin marahil nito na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. "Wala siyang boyfriend doon." "That's better. At least, walang kaagaw ang kaibigan namin sa kanya," ani Vanni sabay tapik sa balikat ni Darrel. "Don't mind them. Malakas lang talagang mang-asar ang mga 'yan," pabulong na sabi sa kanya ni Darrel. "Pagpasensiyahan mo na lang." "Okay lang," usal niya. "It's already two in the morning. Hindi ka pa ba inaantok? Hindi maganda sa 'yo ang magpuyat, magkaka-eye bags ka. Sayang ang ganda ng mga mata mo." "Ha?" naguguluhang tanong niya. Ayaw mag-sink in sa isip niya ang huling sinabi nito. "What I mean is, kung inaantok ka na, mas mabuti pang ihatid na kita. Baka kung mapaano ka pa." Huminga ito nang malalim. "You have very nice eyes. Sayang ang ganda ng mga iyan kung magkaka-eye bags ka." Hindi niya napigilang mapangiti. Ngunit pigil-pigil niya ang nararamdaman niyang kilig. Nakakainis naman, o! Bakit kailangan mo pang sabihin 'yon? Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin nito. Kung anuman iyon ay ayaw na niyang alamin pa. Hindi pa rin buo ang nagkadurug-durog na puso niya. Ayaw niyang isugal uli ang puso niya para muling masaktan at maiwang luhaan sa huli. Dahil kapag naulit iyon ay baka hindi na niya kayanin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD