Chapter 06
Ana's POV
LUMAPIT na ako at kumatok sa pintuan ng kwarto ng Queen of the Sun. Nakatatlong katok muna ako bago siya nagsalita. “Pumasok ka,” nadinig kong sabi niya sa loob. Tinulak ko na ang pinto at bumungad saakin ang isang babaeng kulay blonde ang buhok at ang edad ay tila naglalaro sa trenta pataas.
“Finally, you here. What's your name ija?”
Sa sobrang ganda niya ay hindi muna kaaagad ako nakasagot. Napatulala kasi ako. Saka isa pa, ang ganda ng kwarto niya. Ang lawak at puro ginto ang disenyo ng buong dingding. Astig din ng chandlier n'ya sa itaas na talagang hugis araw pa.
“Hey, are you okay?” Nagulat ako ng magsalita na siya ulit.
"Yes po, sorry po, n-ngayon lang po kasi ako nakakita ng ganitong kagandang kwarto. Anway, im Ana Aletta po," sagot ko.
Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa gintong upuan at saka lumapit saakin. Pagdating sa harap ko ay tinigtigan niya ako na para bang sinusuri ang katawan ko.
"So, Ana, what is your special ability?"
Napakunot-noo na naman ako. Bakit ba palagi nalang ‘yun ang tinatanong nila?
"Wala. Wala po akong special ability," dire-diretsyo kong sagot. Ngumisi siya at agad na hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako na para bang sinusuri ulit ang katawan ko. Mayamaya ay hiniwakan niya ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong uminit ang kamay ko dahil sa panghahawak niya.
“Tama nga. Hindi mo pa lubos na galamay ang kapangyarihan mo. Nasa 10% palang 'to dahil 17 years old ka palang. Anyway, nagulat kaba? Ito kasi ang isa sa kakayahan ko. Kaya kong suriin ang percent ng powers mo sa pamamagitan ng paghawak ko sa'yo. Pero teka, paano mo nagawa 'yung nangyari sa school n'yo sa mundo ng mga normal? Paano mo napalabas ang higanting halaman na hinaluan mo pa ng poison?”
“Hindi ako ang may gawa nun,” mabilis kong sagot.
“Hindi? I know na 'kaw 'yun, sigurado ako. Dahil sa galit na naramdaman mo ay napalabas mo ang kapangyarihan mo. Tandaan mo, may special ability ka at 'yan ang aalamin at pag aaralan mo dito sa Magenta Academy. From now on, pinayagan na muna kitang tumira dito sa isa sa mga homeroom namin dito sa Academy. Your lucky Ana, because your the first person na pinayagan kong tumira sa school na'to. Kadalasan kasi sa mga student na nag aaral dito ay umuuwi sila sa kani-kanilang bahay dito sa bayan ng Violeta. And dahil i know na wala kang pamilyang uuwian dito ay pinapayagan na kitang dito na muna tumira.”
Matapos magpaliwanag ay naupo ulit si Miss Elidi sa magara niyang upuan bago siya mag salita muli.
“About sa rules, tatlo lang naman 'yun. First is, bawal mong gamitin ang powers mo sa labas ng academy. Hindi ko pinapahintulutan na gamitin ang mga kapangyarihan n’yo sa bayan ng violeta kung hindi naman kinakailangan. Tanging ang twelve person na may birthstone lang ang pwedeng gumamit ng powers. Sila kasi ang parang super hero natin dito sa bayan na violeta. Sila ang may pinakamalalakas na majika dito sa mundo ng mga taong may special ability,” mahaba niyang wika.
Patawa ba si Miss Elidi? Pagbawalan ba naman akong gamitin ang kapangyarihan sa labas ng academy? Hahaha! Hindi ko talaga magagamit dahil wala naman talaga akong special ability.
Hindi ako nagsalita. Nakikinig lang muna ako sa mga sinasabi niya.
“Second rules is bawal kang pumunta sa mundo ng mga tao ng walang paalam. You need to go here para mag paalam. Remember na dapat may kabuluhan ang pagpunta mo doon. Saka nakalimutan ko palang sabihin na ako ang tumatayong principal dito.”
Napangiwi ako. Grabe! Mukhang matatagalan pa ata bago ko ulit makita ang Mami Pasing ko.
“Last is bawal kang pumunta sa mystery room dito sa Magenta Academy.”
Mystery room? Bakit kaya? Ano kayang meron doon? Pero may gusto akong itanong sa kanya. ‘Excuse me po, saan po nakatira ang labing dalawang may birthstone? Dito din po ba sa Magenta Academy?’ Tanong ko.
“Yes, dito nga. Itong second floor dito sa magenta academy ang room ng mga teacher at mga taong may mga tungkulin dito. Siyam kaming tao na may room dito. Sa first floor naman ang mga homeroom ng mga student na walang tirahan dito sa bayan ng Violeta. At doon ang magiging tirahan mo na ikaw mismo ang kauna-unahang magkaka-room. And sa thirdfloor naman ang room ng labingdalawang may Birthstone na tinatanong mo.”
Okay. Dito pala sila nakatira. Pwede kaya akong makipag kaibigan sa kanila? I like Averil kasi eh.
“Miss Elidi?”
“Yes, Ana?”
“Pwede ba akong makipag-kaibigan kina Averil?”
"No, bawal 'yun. Matataas silang tao dito. Kung sa mundo ng mga normal ay may mga senador, dito naman sa mundo na'to ay may ganun din. At 'yun ay silang labing dalawa. Pero, kung gusto man nilang makipag-usap o makipag bonding sa'yo, then go. Sila naman ang may gusto nun kaya wala akong magagawa. Pero 'yun ay kung makikipag kaibigan sila. 'Yung iba kasi sa kanila ay medyo may seryoso at ang tataas ng pride. Like, hindi sila nakikipag usap o nakikipag kaibigan sa mga mahihinang uri ng tao dito. Kaya naman i suggest na iwasan mo sina Arabella, Mithra at Brenna. Silang tatlo ang pinaka maldita dito sa Magenta Academy. Ang special ability ni Arabella ay Cloning, si Mithra ay healing power, habang si Brenna naman ay potion making. Madalas silang tatlo ang nam-bubully dito sa mga student na nag aaral sa Magenta academy."
Ilang beses ko na silang nadidinig. Kahiit hindi ko pa sila nakikita ay natatakot na talaga ako. Nasabi na kasi nila Arlo kanina 'yun na kung maari ay iwasan ko daw sila. Well, i hope na hindi ko sila makita at makasalamuha.
Biglang sumagi sa isip ko ang mystery room na binanggit niya. Ano kaya ang mayroon doon?.
“Isa pa po, about sa mystery room? Ano po bang mayroon doon?" Bigla kong tanong.
Nakita kong naging seryoso ang mukha ni Miss Elidi.
“Doon kasi nakalagay ang rebulto ni king Zeus at Queen Tiana,” mahinahon at tila problemadong sagot niya.
Oh my gosh! Bakit? Anong nangyari sa royal family? Si Princess Zuzana kaya?
“Eh, nasaan naman po ang Princessa?”
Huminga ulit ng malalim si Miss Elidi bago ulit sumagot. “Pinaghihinalaan naming baka hawak siya ng apat na taong may black magic. Sina Astaroth, Belphegor, Bifrons at Seraphim. Silang apat ang may gawa kung bakit naging bato sina king Zeus at Queen Tiana. Sana lang ay hindi nila pinatay si Princess. Mahigit 17years na kasing nawawala 'to. Sana lang ay ayos siya. Wala kasi kaming nagawa noon dahil mga wala pa kaming alam sa mga kapangyarihan. Hanggang sa nakita namin ang isang libro sa kwarto ni king Zeus. Andoon ang lahat ng poition, spell at kung ano anong magpapalakas sa aming kapangyarihan. Itinayo namin ang Magenta Academy para ipaghiganti ang aming Hari at Reyna. Dito namin kinolekta ang labing dalawang tao na may birthstone. Dito namin sila pinag aral at pinag training hanggang sa maging malakas sila.”
Kawawa naman pala ang Royal family. Sana nga, okay lang si Princess Zuzana. Sana buhay pa siya.
“Kaya, Ana, kailangan mo ding magpalakas. Magtulungan tayo para mabawi natin ang princessa sa apat na halimaw,” seryosong wika ni Miss Elidi.
Hindi ko alam kung bakit napatango ako sa kanya. Siguro ay dahil sa naawa ko sa sinapit ng royal family. “Opo, Miss Elidi. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para sa Royal Family.”
“Wait, how did you know about the Royal family?”
Sinabi ko sa kanya ang librong nabasa ko na akda ni Natalia. “Nabasa mo pala," saad niya na nangiti pa ng kaunti.
Speaking of Natalia. Nandito kaya siya?
“Actually, sa mundo ng mga normal ay bestfriend ko po si Natalia. Siya nga po mismo ang nagbigay ng librong ito sa akin e. Kaya lang marami pala siyang hindi sinasabi saakin. Hindi niya sinasabi saakin na may kapangyarihan siya at dito pala ang tunay niyang mundo. At hindi ko din inaakalang dito din pala ang mundong kinabibilangan ko. Teka, alam n'yo po ba kung saan ang bahay niya dito sa bayan ng Violeta?” Tanong ko. Gusto ko siya kasing Makita at makausap.
“Dito din siya nakatira sa Magenta academy. Nandito din sa secondfloor ang room niya,” sagot ni Miss Elidi.
Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Natalia my bestfriend ay nandito din sa Magenta Academy? Oh my gosh! Ang saya!
“P-pwede ko po ba siyang puntahan?”
Umiling si Miss Elidi, "Hindi pwede. Nasa oras kasi siya ng pagsusulat ngayon, kaya bawal mo siyang istorbohin. Ang mabuti pa’y pumunta kana muna sa homeroom mo at magpahinga ka nalang muna. Bukas mo na siya ng umaga puntuhan. At nga pala, nasa homeroom mo na ang lahat ng gamit na kakailangan mo. Pati uniform mo ay nandoon nadin. Bukas na bukas ay mag-sisimula kanang mag aral dito kaya goodluck sa'yo miss Ana!"