Chapter 7 - The Rainbow Magic Carpet

1583 Words
Chapter 07 Ana's POV LUMABAS na ako sa kuwarto ni Miss Elidi. Sinabi niya na ang magiging homeroom ko ay ang unang kwarto sa unang palapag dito sa Magenta academy. Bago ako umalis dito sa second floor ay nilingap lingap ko muna ang mga katabing kwarto ni Miss Elidi. Iniisip ko kung saan kaya sa mga kwartong 'yan ang kwarto ng bestfriend kong si Natalia? Excited na ako bukas. Tiyak na magugulat si Natalia sa oras na makita niya ako. Ibanaling ko na ang tingin sa terrace. Inisip ko kung paano ba ako makakababa dito dahil ni hagdan o kahit anong daan para makababa ako ay wala akong nakita. “Paano na? Saan ako dadaan?” Ilang minuto akong nag isip pero ng maala ko kanina 'yung pagsakay namin sa magic carpet nila Averil at Arlo ay bigla nalang akong napa-palakpak. Matapos nun ay bigla nalang lumitaw ang isang makulay na magic carpet. Kulay rainbow siya at ang apat na laylayan niya ay may nakasabit na malalaking bulaklak. Namangha ako ng sumakay ako doon. Ibinaba niya ako sa tapat kung saan doon ang homeroom ko. Tila ba alam ng magic carpet na'yun kung saan ba ako patungo. Pagbaba ko sa magic carpet ay tumungo na ako sa tapat ng homeroom ko at isinuksok ko na ang susing bigay ni miss Elidi sa pinto ng homeroom ko. Pagbukas ng pinto ay namangha ako sa laki ng magiging bahay ko. Para bang nasa isang bahay ako ng isang mayaman. Kumpleto ang mga gamit at mayroon din isang kwarto. Sa sobrang saya ko ay napahiga nalang ako sa malambot kong kama. Sa dami ng nangyari ay doon unti-unti ng pumikit ang mata ko at tuluyan na akong nakatulog. -**- NAGISING nalang ako na may madinig akong mga boses na tila nanggagaling sa labas. Umaga na nang ako’y magising. Lumabas ako sa kwarto ko at sumilip sa bintana. Mula sa labas ay nakita kong pinagkakaguluhan ng maraming studyante ang magic carpet na sinakyan ko kahapon. Isa-isa silang pumapalakpak doon at ni isa sa kanila ay wala makapag pagalaw sa magic carpet. Mayamaya ay nakita kong nagsi-tabihan sila at binigyan ng daan ang apat na paparating na sila Zackery, Averil, Arlo at Draco. Isa-isa din silang pumalakpak doon at ni isa din sa kanila ay walang nakapag pagalaw doon. “Sinong studyante ang gumamit sa kakaibang magic carpet na'to?” Tanong ni Averil. Umiling lang ang mga studyante sa kanya na tila ba sinasabing hindi nila alam. Dahil doon ay napilitan na akong lumabas ng homeroom ko. Napatingin silang lahat sa aking paglabas. Nakadinig ako ng mga sari-saring bulungan sa mga studyanteng nakakita saakin. “Is she a new student?” “Siguro. Ngayon ko lang siya nakita eh.” “Eh, bakit hindi pa siya naka uniform?” “I dont know, baka kakagising lang niya.” Grabe sila kung makatitig saakin akala mo mga mangangain ng buhay eh. Pagharap ko kina Averil ay agad siyang napangiti sa akin. Pagtingin ko naman kay Zackery ay agad akong nakatanggap ng irap. Badboy as alyways! Mayamaya ay nagsalita na ako. "Ako ang gumamit niyan kahapon, Averil. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa 'yan umaalis hanggang ngayon eh," sabi ko. “I-ikaw? Sige nga pumalakpak ka nga,” Averil said. Pumalakpak ako ng isang beses at doon bigla nalang lumipad paitaas ang magic carpet at sa itaas ding 'yun 'to biglang naglaho ng parang bula. Nakita kong napanganga silang lahat saakin, ganun din ang apat na may ari ng birthstone. Nagulat ako ng agad akong hinila ni Averil papasok sa homeroom ko. Sinarado muna niya ang pinto bago siya nagsalita, "Ano bang meron ka, Ana?" Biglang niyang tanong. “Ha? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong sabi.. “Kakaiba kasi eh. Alam mo kahapon hindi pa kami totally na umaalis. Nakatanaw kami sa'yo nun ni Arlo dahil baka kako hindi mo alam kung saan ang room ni Miss Elidi. Nasa ibaba kami nun. Doon kami nakapwesto sa may gilid. Mayamaya nakita ka naming humarap sa center ng Magenta academy at itinaas mo ang kamay mo na para bang lumalanghap ka ng hangin. Then after nun ay bigla nalang umilaw ang mga halaman sa buong paligid ng Academy at doon nakita naming namulaklak ng madami ang mga halaman dito. Tapos ngayon naman, ikaw lang ay may kakaibang magic carpet na nakapag palabas dito sa academy. Alam mo kasi lahat kami ay tanging red carpet lang ang nasasakyan. Pero ikaw kabago-bago mo palang dito, ang special na agad ng carpet mo. Dinaig mo pa ang mga magic carpet namin at maging ang mga magic carpet nila Miss Elidi,” mahabang kwento ni Averil. Natulala lang ako sa sinabi niya. Ako? Ako ang may gawa ng pagdami ng bulaklak sa magenta academy kahapon? Imposible! Saka about sa rainbow magic carpet, ewan ko nga ba at kung bakit ganun ka-ganda ang napalabas kong carpet. Nakakabaliw na talaga. “Imposible Averil, saka 'yung rainbow na magic carpet, ako lang ba talaga ang may ganun?” “Sigurado kaming ikaw ang may gawa nun at oo, ikaw lang ang may ganung special na magic carpet.” Kumunot ang noo ko. "Pero ba’t ganoon? Wala akong kaalam-alam kung bakit minsan pala ay nagagamit ko na pala ang kapangyarihan ko?" “Kasi nga hindi mo pa galamay 'yang kapangyarihan mo. Saka isa 'yan sa dahilan kung bakit dinala ka namin dito sa Magenta Academy. Mapanganib kasi 'yan kapag nagamit mo sa mundo ng mga normal. Marami kang mapipinsala doon at maari ring marami kang pwedeng mapatay ng hindi sinasadya. Dont worry, Ana. from now on, matutunan at makokontrol mo na din 'yan. Kaya if i were you, maligo at gumayak kana kasi ilang minuto nalang ay magsisimula na ang training n'yo.” Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Nag-paalam na siyang lumabas kaya naman nagmadali na akong naligo at gumayak. Paglabas ko sa banyo ko ay nagulat ako ng makita kong may malaking cake sa gitna ng lamesa ko. Mayamaya ay nagulat nalang ako ng may biglang sumulpot na babae sa sofa ko. "Hello,Girl!,” Bungad niyang bati saakin, “Hayaan mong handugan kita ng isang regalo,” sabi pa niya at saka lumapit sa cake. “'To ang ginagawa ko tuwing may bagong studyante sa Magenta Academy. I hope na masarapan ka d'yan.” Akala ko ay aalis na siya pero bigla siyang lumingon at nag salita ulit. “Anyway, nice to meet you, Ana. Bye!" Aniya at agad na lumabas sa homeroom ko. Ang weird ah. Noong una ay nag aalinlangan akong kainin dahil baka may something doon, pero dahil hindi pa ako nag aalmusal at nagugutom na din ako ay hindi ko na naka-pagpigil. Nagmadali akong kumuha ng kutsara at saka ko kinain ang cake. Grabe lang sa sarap nung cake. Ngayon lang ako nakakain sa talambuhay ko ng ganitong kasarap na cake. Ang sarap ng pakiramdam dito sa bago kong mundo. Bago ako umalis sa homeroom ko ay kinuha ko na muna ang schedule ko na nakasabit sa pintuan. Nakita kong tuesday ngayon kaya naman sasabak na ako kaagad sa una kong training dito sa Magenta Academy. Paglabas ko sa homeroom ko ay tinanaw ko muna kung saan ba ang training field. Nakita kong malapit ‘yun sa giant gate. Ang dami nila doong nagkukumpulan kaya naman alam ko na kung saan ako tutungo. Dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko at baka ma-late ako ay ginamit ko na ulit ang magic carpet ko. Pumalakpak na ako para mapabilis na ang pag punta ko dun. Mayamaya pa'y lumabas na ulit ang rainbow na magic Carpet sa harap ko. Agad akong sumakay doon at madali niya akong dinala sa training field. Pagpunta ko doon ay nakita kong napatulala na naman sila sa Magic carpet na sinasakyan ko. Pati ang isang magandang teacher na si Miss Saskia ay napatulala din na akala mo ay ngayon lang din nakakita ng ganitong kakaibang rainbow na magic carpet. Nang makababa ako ay pumalakpak na ako ulit para maglaho na ang magic carpet. Baka kasi makalimutan ko na naman 'yun at pagkaguluhan na naman nila. Pagbaba na pagka-baba ko ay bigla nalang akong nakaramdam na pananakit ng tiyan. Nakita kong nagtataka sila ng makitang namamalipit ako habang napapa-upo sa damuhan. “H-hey, are you okay miss?” Tanong ni miss Saskia ng lumapit saakin. “N-no, a-ang sakit po ng tiyan ko!” Sagot ko habang sapo-sapo ko ang matinding kumikirot na tiyan ko. A-ano bang nangyayari saakin? Bakit ganito kasakit ang tiyan ko? Para may karayon na tumutusok sa mga bituka ko. Ang sakit! “Arayyyyy!” Napapasigaw na ako. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasakit na tiyan. “Students, buhatin n'yo siya at dalin sa Clinic.” Dinig kong utos ni miss saskia. Bago pa malapitan ng mga student ay hindi ko na kinakaya. Sa sobra nitong sakit ay napasigaw na ako ng malakas. “Ahhhhhhhhhh!” Doon ay bigla nalang yumanig ang buong kapaligaran. Kahit dinudulubyo na ang tiyan ko ay nakikita ko parin ang nangyayari. Biglang nagtaasan ang mga halaman sa buong paligid at naging mga higante 'yun. Lahat sila ay nagulat sa mga nangyayari. Isa lang ang nakita ko nun bago ako tuluyang mawalan ng malay. Nakita ko nun si Miss Saskia na nakatingin saakin na tila ba gulat na gulat at para bang natakot. After nun, umikot na ng tuluyan ang mata ko at doon nilamon na ng kadiliman ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD