Chapter 10
Zackery's POV
DINALA ko sa hospital si Ana. Natural lang daw na nawawalan siya ng malay-tao tuwing magagamit niya ang kapangyarihan niya. Pag-nagagamit kasi nito ang puwersa n'ya ay naitotodo n'ya lahat ng powers niya kaya naman walang lakas na natitira sa katawan n'ya kaya ganoong nahihimatay siya. Isa talaga sa dapat kong ituro sa kanya ay ang pag-kontrol sa kapangyarihan n'ya.
Kailangan niya lang magpahinga kaya naman mayamaya din ay makakalabas nadin siya at bukas tinitiyak ko na aayusin ko ang pagte-training sa kanya.
Paglabas ko ng room niya sa hospital ay nakasalubong ko si Arlo. Kinamusta niya ang unang training namin ni Ana. Nang ikuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari ay nagulat lang din siya.
“Wow! Apoy, kidlat, pagpapalabas ng halaman, telekinesis at ngayon yelo naman? Saka paanong may blade ang halaman? Ano 'yun buhay na nakakagalaw 'yung halaman kaya iniwasan n'yo kanina?” Sunod-sunod niyang tanong.
Nasa himpapawid kami ngayon ni Arlo at magkasamang nakaupo sa magic carpet ko.
“Oo, gumagalaw mismo. Muntikan na nga ako kanina eh. Kung hindi ako niligtas ni Ana, siguradong ikaw na ngayon ang pinakamalakas dito sa Magenta Academy. Saka 'di ko lubos maisip na ganun-gano’n lang akong mapapatay ni Ana. Ang lakas niya! Nakakatakot siya kapag nagagalit. Biruin mo halamang may blade ang napalabas niya? Tss! Halimaw siya! Ibang klaseng babae talaga siya,” kwento ko kay Arlo.
“Sa tingin mo saan pamilya kaya galing si Ana? Saka bakit ang dami niyang kapangyarihan taglay? Daig pa niya ang mga goddess at kapangyarihan nila King Zeus at Queen Tiana.”
“Kaya nga. Napapa-isip na nga din ako sa Ana'ng 'yan eh. Pero ngayon Arlo, naniniwala na akong isa si Ana sa mga makakatulong saatin sa pagsagip kay Princessa Zuzana mula sa apat na taong may black Magic. Biruin mo kasi 10% palang ang kapangyarihan n'ya pero malakas na agad 'yun para makapinsala ng isang lugar dito sa Magenta Academy. Paano pa kaya kung mag 100% na'yun. Doon tinitiyak ko na pati ang buong Violeta ay kayang-kaya na niyang pasabugin gamit ng higanting fireball niya na may halong kidlat. Hahaha! Astig niya doon at dapat na siyang katakutan!”
“Teka...teka...ibig sabihin tinatanggap mo nang si Ana na talaga ang pinakamalakas saatin? Totoo ba ito? Bumaba na ang pride mo?” Ani Arlo na kinasimangot ko. Hinayupak talaga 'to. Sa nakikita ko ba naman kay Ana eh, masasabi ko pa bang mas malakas pa kami sa kanya. Napaka-engot talaga.
“Siraulo kaba? Tignan mo naman kasi ang pagkakaiba natin sa kanya. Tayo iisa lang ang kapangyarihan. Ako lightning lang, at ikaw ay tubig lang? Look at Ana, bilangin mo ang kapangyarihan niya. 17 years old palang siya pero iilan na ang lumalabas sa mga kapangyarihan niya. Tinitiyak ko din na hindi pa 'yan ang mga special ability niya. Baka nga may iba pa siyang ability na hindi pa lumalabas.”
“Baka nga. At tiyak kayang kaya na nating labanan ang apat na taong may black magic kapag nagkataon na mapalakas natin si Ana. Grabe, excited na talaga akong makita ang Princessa Zuzana natin."
Natigil nalang kami sa pag uusap ni Arlo ng biglang tumunog ang warning alert ng Magenta Academy. Mula sa itaas ay nakita naming isa-isang sumakay sa magic Carpet sina Miss Elidi, Miss Freya, Miss Morwenna, Miss Saskia, Miss Tanith at Miss tinka. Isa-isang lumipad ang magic carpet nila sa harap ng malaking gate ng Magenta Academy. Dahil doon napag-pasiyahan narin namin sumunod nadin sa kanila. Nang huminto na sila ay huminto nadin kami. Mula sa labas ng academy ay tanaw namin ang isang nakaitim na babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Seraphim ito. Isa siya sa apat na taong may black magic.
Nakakasurang halakhak ang binungad niyang saamin. “After 17 years nagkita din tayo Elidi. At ngayon isa lang ang masasabi ko… nag improve kayo at wow! Ang ganda ng academy na tinayo niyo. Kaya lang mukhang mahina kayo sa mga barrier kaya tignan n'yo itong gagawin ko," sabi ni Seraphim at mula sa daliri niya ay nagpalabas siya ng isang Laserball at sa isang iglap ay naging abo ang higanti at malagintong gate ng Magenta Academy.
Ganun siya kalakas? Nagawa niyang gawing abo ang gintong gate namin na kapag sinusuntok ko noon ay halos masaktan ako? Halimaw talaga!
“Hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago, Seraphim. Walangya ka parin!" Sigaw ni Miss Elidi.
Mayamaya ay isa-isa nading lumitaw ang mga kapwa kong may birthstone sa katawan. Gulat na gulat silang nakatingin kay Seraphim at sa giant gate naming naging abo.
“Dimonyo ka talaga at nanira ka pa talaga dito!” Galit na sigaw ni Miss Taninth kaya naman bigla siyang nagpalabas ng Star na may halong apoy sa kamay niya at Pinatama n'ya 'yun kay Seraphim. Nakangiting tinanggap ni Seraphim ang star na'yun. Tumama sa katawan n'ya ang star at doon ay sumabog ang umaapoy na star. Walang ano-anu ay hindi manlang natinag sa pagkakatayo si Seraphim na siyang ikinagulat naming lahat.
“Nangingiliti kaba Tanith?” Mapanurang sambit ni Serapahim.
“Halimaw! Hindi manlang tinablan?” Dinig kong sabi ni Arlo.
“Kung hindi ka tinablan ni Tanith, hayaan mong ako ang magpasabog sa katawan mo,” sambit ni miss Elidi at mula sa kamay niya ay nagpalabas siya ng isang bolang parang araw at doon unti-unti n'ya 'yung pinalaki at saka niya 'yun pinatama kay Seraphim.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Seraphim. Huli na ng siya ay maka-ilag kaya naman nadaplisan siya kanyang balikat. Napunit at nagkasugat ang kaliwang balikat n'ya na ikinagulat niya ng husto.
Lahat kami ay nangiti at nanghinayan ng konti. Sayang kasi dahil hindi pa 'yun tumama sa ulo niya.
“Magaling! Natakot mo ako doon Elidi. Pero siyempre ako naman. Hindi ako papayag na ako lang ang masasaktan. Sa gagawin ko ay sinisigurado kong kapag tinamaan ka ng laser ko ay makakatulog kana habang buhay," aniya at nakita naming mula sa bibig niya ay may lumabas ang kanyang laser na kulay green at pinatama niya 'yun kay Miss Elidi.
Sumabog 'yun sa katawan ni Miss Elidi. Nasira ang magic carpet n'ya at bigla nalang siyang nalaglag. Sasaluhin sana siya ni Miss freya kaya lang nagulat nalang kaming lahat ng biglang sinalo ng kulay rainbow na Mmagic carpet ang walang malay-tao na katawan ni Miss Elidi.
Matapos nun ay nakita naming yumanig ang buong paligid. Mula sa training field ay nakita naming biglang nabasag ang yelo mula sa hamalang may blade na gawa ni Ana kanina. Nang mawala ang yelo ng buong halaman ay unti-unti na'yung lumaki na kasing laki ng isang gusali. Lahat kami ay nagulat.
Nagpa-kawala ng malakas na sigaw ang isang babae na hindi namin alam kung sino. Dahil doon ay bigla nalang nagpakawala ng higanting blade ang halaman at 'yun ay tumama sa katawan ni Seraphim. Nahati ang katawan niya at sumabog 'yun ng pagkalakas-lakas.
Sa wakas, namatay din si Seraphim. First time lang na may nakapag patumba sa kanya. Sino ang nakapatay sa kanya?
Matapos nun ay nakita naming mag wawala pa ang higanting halaman kaya naman nag flying kiss na si Miss si Freya sa higanting halaman. Ginamitan niya ng love ang halaman kaya naman unti-unti nang naging bulaklak ang mga blade mula sa halaman at doon sumabog ang malaking halaman. Nagpa-ulan pa 'yun ng mabango at iba't-ibang makukulay na petals.
Habang naanlig kami sa kapapanuod ng mga umuulan na petals. Nakita ko ang isang babae na nangiti habang nakatingala sa umuulan na petals. Mayamaya ay nagulat nalang ako ng mapatingin siya saakin. Tinignan niya ako ng masama tapos unti-unti ng siyang nabuwal at nawalan ng malay-tao.
“ANA!?”