Chapter 09
Ana's POV
DAHIL okay naman na daw ako ay nakalabas nadin ako kahapon sa Hospital. Marami kaming napagkwentuhan nila Natalia at Averil. Sinabi nila lahat saakin ang iba pang mga dapat kong malaman. Nakakagulat na aalagaan at ite-train ako ng labing dalawang may birthstone.
Ang iba pang mga teacher at namamahala dito sa Magenta Academy ay pinakilala narin nila saakin. Ang babait nga at ang gaganda nila eh. Sina Queen of the sea na si Miss Morwenn, si Queen of the moon na si Miss Tanith, ang mermaid na si Miss Senara, ang magical dancer na si Miss Tinka, si Miss Farasha na nagiging Butterfly, si Miss Saskia na may kakayahang mag palabas ng knife sa katawan at si Miss Freya na Goddess of Love and War.
Pinakilala nadin nila saakin ang iba pang may mga Birthstone na hindi ko pa nakikilala.
Si Arabella, siya ang ikalimang pinakamalakas sa lahat ng may birthstone. Siya ang may ari ng batong bloodstone. Cloning ang special ability niya.
Si Mithra, siya naman ang ika-anim. Ang bato niya ay Ruby. Ang special ability niya ay Healing power. Siya pala ang nagpagaling saakin kahapon sa Hospital.
Si Brenna, siya naman ang ika-pito. Ang bato niya ay Peridot. Ang special ability niya ay Potion Making. Siya 'yung babaeng pinalutang ko kahapon sa hospital na kamuntikan ko ding tirahin ng Fireball na may halong kidlat. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko at kung hindi baka siya naman ang nasa hospital ngayon. Kaasar nga lang talaga na ginamitan niya ako ng potion niya sa kinain kong cake kaya sumakit ang tiyan ko at halos tatlong araw akong walang malay-tao. Nag-sorry naman siya, kaya pinatawad ko na din.
Si Lowern, ang ika-walo. Siya ang may ari ng batong Topaz. Ang special abilty niya ay age shifting. Kaya niya gawing isang bata ang taong matanda na sa oras na hawakan niya ito sa ulo.
Si Devan, ang ika-siyam. Siya naman ang may ari ng batong Opal. Ang special ability niya ay sa oras na halikan ka n'ya ay mamamatay ka. Kiss of death! Katakot!
Si Inari, ang ika-sampo. Siya naman ang may ari ng batong Sapphire. Ang special ability niya ay kaya niyang i-predict ang pwedeng mangyayari sa loob ng isang linggo.
Si Deborah, ang ika-labing-isa, siya naman ang may ari ng batong Turquoise. Ang special ability niya ay may laser siya sa mata.
And last, ang ikalabing-dalawa, si Otava, siya ang may ari ng batong Amethyst. Ang special ability niya ay sa oras na hawakan ka n'ya ay magiging isang bato ka na.
Ang a-astig ng mga special ability nila. Nakakatuwa nga na swerte daw ako dahil personal pa akong pinuntahan ng mga 'yun sa homeroom ko. Naiinggit ang mga kapwa studyante ko dahil lahat daw sila ay nagpakilala saakin na ni kahit sino sa mga student dito ay walang ginanun ng labing dalawang may birthstone na'yun.
“Mababait ba sila, Ana?”
“Oo nga? Saka si Zackery? Masungit ba talaga?”
“Eh, si papa Arlo ko? Pogi ba sa malapitan?’
“Wait, wait, isa-isa lang ang tanong at mahina ang kalaban,” sabi ko. Friday ngayon kaya nandito kami ngayon sa classroom namin. May ilan-ilan ng kumausap na saakin dahil na-astigan daw sila sa kapangyarihan ko at sa kakaibang magic carpet ko.
“Lahat sila mababait. Pero si Zackery, literal na talaga siguro ang pagiging masungit niya. Kainis nga ‘yun eh,” taas kilay kong sabi. “And about Arlo, nako oo, pogi nun sa malapitan at saka napaka-bait niya,” sabi ko pa.
Mayamaya ay bigla ng nagsi-tahimikan ang lahat ng pumasok na sa room si Miss Elidi na kasama pa si Zackery. Nagtilian tuloy ang lahat ng kababaihan dito. Ganun pala talaga ka crush ng kakabaihan ang badboy na'to.
“Miss ana?” Tawag bigla saakin ni Miss Elidi.
“Yes po?” sagot ko. Nakita kong nakatitig saakin si Zackery. Nakakatakot talaga ang lalaking 'to. Ano kayang gagawin niya ditto?
“Sumama ka kay Zackery at ite-train ka n'ya ngayon," Miss Elidi said.
My gosh! Seryoso? Naku naman! Bakit siya pa? Nagsi-tinginan tuloy ang lahat saakin. Tapos 'yung ibang babae nakatingin pa ng masama saakin. Anong problema nila? Sorry, hindi ko pag iintrisan na agawain ang badboy nilang si Zackery. Wala akong panahon sa kanya.
“Miss Elidi, Pwede bang…” magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat si Zackery.
“Tumayo kana para makapag umpisa na tayo!” Sigaw bigla ni Zackery. Sa gulat at takot ko ay napatayo tuloy agad ako. Naglakad na ako paputan sa kanya at sumama na ako patungo sa training field. Pag talaga siya na ang nagsasalita natataranta na ako.
Paglabas namin sa classroom namin ay bigla kaming huminto sa hallway.
“Palabasin mo na ang magic Carpet mo para mapadali na ang pagpunta natin sa training field,” Cold niyang sabi. Tss, tamad talaga. Saka bakit hindi nalang ang magic carpet niya ang gamitin niya at ako pa ang uutusang magpalabas ng ganun? Kainis talga.
“Bilis na, ang bagal!” Sigaw pa niya.
Nag-clap na ako at sa isang iglap ay lumabas na naman ang makulay kong magic carpet. Nakita kong dahan dahang sumakay doon si Zackery. Titig na titig siya sa bawat sulok ng magic carpet ko. Ngayon lang ba siya nakakita ng ganyan? Mukha tuloy siyang ita hahaha!
Sumakay narin ako at matapos nun ay dali-dali na kami tumungo sa training field.
“Cool...” nadinig kong bulong ni Zackery.
“May sinasabi ka?” Bigla kong tanong.
“Wala. Cool, kasi...kasi..kasi... malamig. Tama malamig kasi ngayon,” aniya na mautal-utal pa. Weird din talaga ng isang 'to kung minsan.
--**--
Zackery's POV
Ang Cool talaga nito. Ang lambot at ang bilis lumipad ng magic Carpet niya. Sino ba kasi talaga ang babaeng 'to? Bakit ganito ka espesyal ang carpet niya at ano 'yung nakita ko sa Hospital na kaya niyang palabasin ang apoy na may halong kidlat sa kamay niya? Saka halimaw siya kung gumawa ng gubat dito sa magenta. Ang hirap nga patumbahin ng mga 'yun eh.
Nung una, hindi ako naniniwala kay miss Elidi na mas malakas pa saaming labing dalawa ang babaeng 'to. Pero ng masaksikhan ko ang nangyari sa hospital ay naniwala nadin ako. Apoy, Kidlat, mga halaman at telekinesis. Lahat ng 'yun special ability n'ya. Dahil doon naging interesado tuloy akong i-train siya.
Pagdating namin sa Training field ay bumaba nadin kami. Nag-clap siya at bigla ng nawala ang rainbow carpet niya. Ramdam kong natatakot at naiilang siya saakin. Ganun ba ako kasungit at kasama sa kanya kaya tingin niya saakin ay badboy? Tss! kakaiba talaga ang babaeng 'to.
Pagbaba naming sa training field ay agad siyang lumayo saakin papunta sa madamong lugar. Hinayaan mo muna siya ng ilang minuto.
“Kung tititigan mo lang ang mga damo diyan ay wala tayong matatapos.” Sabi ko.
Nakita kong nagulat siya kaya palihim akong natawa. “Halika na at magsisimula na tayo!” Aya ko pa sa kanya.
Naglakad na ako papunta sa field. Sumunod naman siya kaya agad-agad ay gumawa na ako ng hakbang sa aming pag te-training. Agad akong nagpalabas ng lightning at pinatamaan ko siya sa braso niya.
“Ouch!” Natumba siya at nakita kong napahawak siya sa braso niya. Hindi ako nagpadala sa kung anong naging reaksyon niya. Hindi ko naman kasi masyadong dinagdagan ng pwersa ang paglabas ng kuryente kaya alam kong hindi siya mapapasama at hindi masyadong mapupuruhan ang katawan niya sa kuryente ko.
"Bwisit! Bakit mo ginawa 'yun?" Galit niyang tanong.
“Isa 'yan sa mga dapat mong pag aralan. Ang maging alisto at dapat mabilis kang umiwas.”
Tinignan niya ako ng masama at saka sumagot, “Dapat sinabihan mo manlang ako na mag uumpisa ka na! Hindi 'yung agad-agad eh, patatamaan mo ako! Bwisit ka talaga!”
Tss! First time kong makadinig sa babae na minumura at sinasabihan ako ng bwisit. Kakaiba talaga ang isang 'to.
Sa inis ko ay pinatamaan ko ulit siya ng kuryente sa kabila niyang braso. Tinamaan siya nun kaya naman napa-aray na naman siya.
"Ouch! Gago ka talaga!" Asik niya.
"Kakasabi ko lang dapat alisto at dapat mabilis kang umilag," kalmado kong sabi. Ang saya niyang talagang tignan habang nasasaktan siya. Nag-eenjoy ako sa pag-te-training ko sa kanya.
Habang hinimas niya ang dalawang braso niya ay nagulat ako ng biglang mapatitig siya saakin. Galit na ata siya at para bang sa mga tingin niya ay gusto na niya akong patayin.
Naramdaman kong unti-unting yumanig ang buong simento ng traning field. Anong nangyayari? Napatingin ako kay Ana. Nagtataka lang ako kung bakit nanlalaki ang mata niya. Nakatingin siya sa likod ko at para bang may kung ano siyang tinitignan na nakakatakot doon.
Mula sa pagkakahandusay ni Ana sa lupaan ay bigla siyang tumayo at tumakbo papalapit saakin. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin.
“Yumuko ka bilis!” Sabi niya habang hila-hila ako. Nang mabuwal kaming parehas ay nagulat ako ng mapatingin ako sa malaking halaman na may malalaking blade sa dahon. Kung hindi pala ako hinila ni Ana ay patay na ako ngayon.
Nakita kong aatakihin na naman kami ng malaking halaman kaya naman napasigaw na naman si Ana.
“Takbo bilis!” Tumayo kami at saka mabilis na tumakbo. Natakot ako ng matalisod si Ana kaya naman nabuwal siya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Malayo na ako pero si Ana ay malapit na sa malaking halaman at ano mang oras ay kayang-kaya na siya nitong paslangin.
Ililigtas ko na siya siya pero naisip ko na isa ito sa bahagi ng training niya.Alam kong kaya niyang i-handle ang sarili niya. Tumigil ako sa pagtatakbo at hinayaan siyang mag-isang lumaban sa halaman na siya mismo ang may gawa.
Nang makita niyang atakihin na siya ng hamalan ay nagulat nalang ako ng bigla niyang itinapat ang kamay niya sa malaking halaman at doon lumabas ang yelo at ipinatama niya ‘yun sa malaking halaman. Nagawa niyang gawing yelo ang malaking halaman sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Gulat na gulat si Ana sa nagawa niya. Alam kong sa kanya din galing ang halaman na may blade na'yun. Talaga palang hindi pa n'ya kayang kontrolin ang kapangyarihan niya.
“Hala! May kapangyarihan din akong ganoon?” Tanong ni Ana sa sarili niya. Tumayo siya mula sa lupaan at mabilis na tumakbo palapit saakin.
“Nakita mo ‘yun? Ang galing ko! May kapangyarihan din akong yelo.” Masaya niyang wika pero nagulat ako ng bigla-bigla siyang mawalan ng malay-tao at tuluyang natumba saakin.