“Are you coming home this weekend for your brother’s birthday?” Muntik pa akong mapaigtad dahil sa tanong ni Vaughan Montecarlo. Kasalukuyan n’yang karga si Raven habang hinihintay si Ate Anika na matapos sa paghahanda para sa pagpasok sa opisina. Napalunok ako at hindi agad nakapagsalita. My brother’s birthday is coming and I almost forgot about it! Nakita kong tumaas ang kilay n’ya sa nakitang reaksyon ko. “Did you just remember it now?” Natatawang tanong n’ya ulit. Nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan! Totoo naman ‘yon! Kung hindi n’ya pa nabanggit ay hindi ko pa talaga maaalalang birthday ni Kuya sa Sabado! Although, I was really planning to go home this weekend, pero sa condo ko lang sana ako uuwi at sasaglit lang sa bahay sa linggo para na rin makaiwas sa mga tanong ni Kuya. B