CHAPTER 4

1356 Words
Mabilis na nadala sa hospital si Lolo Raphael sa tulong ng driver at mga kasambahay namin. Ang Lola Prima ko nama’y halos isumpa kaming mag-ina nang dahil sa nangyari sa aking lolo. Kung hindi dahil kay daddy ay baka tuluyan na kaming hindi nakasama rito sa hospital. Habang nasa emergency room ang aking lolo ay galit na hinarap ng aking lola kaming mag-ina. “Mga salot talaga, kayo, sa buhay ko!” galit na sigaw ng aking lola. Umiling ang aking ina. “Mom—” Hindi na naituloy ng aking ina ang kanyang sasabihin nang muling magsalita ang aking Lola Prima. “Huwag na huwag mo akong tatawagin na mommy! Dahil kahit kaila’y hindi kita matatanggap na manugang!” Hindi na nakapagsalita ang aking ina sa halip ay umiyak na siya nang umiyak. Sa mura kong edad ay tumatanim nasa aking utak ang masamang pag-uugali ng sarili kong lola. Kaya kahit kailan ay wala akong balak na kilalanin siya bilang ina ng aking ama, dahil hindi rin naman niya ako tanggap bilang apo. “Mom! Tama na! Wala kasalanan ang asawa kos a nangyari kay Daddy! At lalong wala kang alam sa tunay na kondisyon ng katawan ni Daddy!” saway ng aking ama sa kanyang ina na ikinagulat nang huli. “Anong ibig sabihin mo, Eduard?” seryosong tanong ng aking lola. Huminga muna nang malalim ang aking ama bago muling magsalita. “Mom, matagal nang may sakit sa puso si Daddy. At dahil ‘yon sa sobrang tutok niya sa kompanya para maibigay ang luho mo!” Ngumisi si daddy. “Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na magpahinga habang ginagamot niya ang kanyang sarili. Pero hindi niya ginawa dahil palagi mo siyang binubungangaan kapag narito siya sa mansion! Kaya huwag mong sisihin ang asawa ko! Dahil ikaw ang nagtulak kay daddy na huwag alagaan ang sarili niya!” mahabang litanya ng aking ama na ikinagulat namin lalong-lalo n ani Lola Prima. Umiling si Lola Prima. “Hindi totoo ‘yan, Eduard! Bawiin mo ang sinasabi mo! Malakas ang daddy mo! Nang dahil diyan sa mag-ina mo kaya andiyan ngayon ang daddy mo!” Sabay turo niya sa emergency room kung nasaan ang aking lolo. Ngumiti nang pilit ang aking ama at magsasalita na sana siya nang biglang lumabas ang doctor mula sa emergency room. “Doc, kumusta po ang asawa ko?” tanong ng aking lola sa doctor. Tumikhim ang doctor bago hinarap ang aking lola. “Mrs. Lopez, tatapatin n akita. Hindi maganda ang kondisyon ng asawa mo. Kinakailangan niyang dumaan sa MRI test upang makita ko kung may ugat bang naputol sa kanyang batok o nabuong dugo sa kanyang utak. Dahil comatose ngayon ang asawa mo.” Huminga muna nang malalim ang doctor bago muling nagsalita. “Mrs. Lopez, matagal ko nang pinagsabihan ang asawa mo na kinakailangan niya nang sapat na pahinga upang makondisyon ang kanyang puso at katawan. Ngayon hindi kinaya ng katawan niya ang atake na nangyari sa kanya. Kaya gusto kong makasigurado kung may litid ba na pumutok sa kanyang ulo,” mahabang paliwanag ng doctor na ikinatahimik nang lahat. Nang dahil sa sinabi ni Doc Aldana ay Nang dahil sa sinabi ni Doc Aldana ay napatunayan namin na nagsasabi nga ng totoo si daddy tungkol sa matagal na pa lang sakit ng aking lolo. Nalaman din namin na sadyang inilihim ni lolo kay lola ang sakit niya dahil sa pagiging maluho nito. Taon-taon ay nagbabiyahe ang aking lola sa ibang bansa upang magsugal o ‘di kaya ay mamili ng mga alahas o mararangyang damit na gusto niya. “Doc, walang sakit ang asawa ko,” pagpupumilit ng aking lola. Umiling ang doctoc. “Mrs. Lopez, isang taon nang may sakit sa puso ang asawa mo. Sa katunayan nga’y nanggaling pa siya sa akin kanina para sa kanyang monthly check up. At sinabihan ko siya na kinakailangan niyang sumailalim sa heart surgery upang matakpan ang butas sa kanyang puso,” muling paliwanag ng doctor sa aking lola. Hindi na nakapagsalita pa ang aking lola nang dahil sa kanyang nalaman. Masakit para sa amin ang nangyari kay lolo, dahil wala kaming kalam-alam na nakikipaglaban na pala ito sa sakit sa puso. “Doc Aldana, may chance pa bang magising ang daddy ko?” tanong ng aking ama. Napabuntong hininga ang doctor at tila nag-isip nang kanyang sasabihin. “Mr. Lopez, katulad nang sinabi ko kanina. Kinakailangan na sumailalim ang inyong ama sa MRI sa lalong madaling panahon,” muling paliwanag ng doctor. Tumango-tango si daddy. “Sige po, doc, gawin n’yo po ang lahat para makaligtas ang daddy ko.” Sabay tingin niya sa pintuan ng emergency room. “Okay, Mr. Lopez, I will do my best.” At nagbalik na sa loob ng emergency room ang doctor. Hindi nagtagal ay inilabas na mula sa emergency room si Lolo Raphael at dinala siya Ct Scan at MRI room upang malaman ang naging dahilan nang pagka-comatose niya. Habang sumasailalim sa MRI si Lolo ay tahimik lang kaming naghihintay dito sa labas nang biglang lumapit si Lola Prima sa amin. “Celina, ipagdasal mo na magising pa ang asawa ko! Dahil kung hindi! Pagbabayaran mo at nang anak mo ang nang—” “Mom, ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na walang kinalaman ang mag-ina ko! At p’wede ba? Tanggapin mo naman ang mag-ina ko para sa akin,” pagputol ni daddy sa sasabihin ng lola ko. Umiling si Lola Prima kasabay nang kanyang pagngisi. “Eduard, nang pinili mo ang babaeng ‘yan!” Sabay turo niya sa aking ina. “Pinutol mo na rin ang ugnayan natin na mag-ina. Ilang beses kong sinabi sa ‘yo na iwanan mo ang babaeng ‘yan! Pero hindi mo ako sinunod! Kaya magdusa ka!” singhal ni lola sa aking ama. Ngumisi si daddy habang napapailing. “Mom, kahit kailan hindi ko iiwan ang mag-ina ko! Dahil mahal ko si Cel—” Hindi na natapos ni daddy ang sasabihin niya nang bigla siyang sampalin ng aking Lola Prima. Nanlilisik ang mga mat ani Lola Prima na tiningnan si daddy. “Eduard, mas makakabuti na umalis na lang kayo! Tutal ‘yan naman ang gusto mo ‘di ba?!” pagtataboy ni lola sa amin. Huminga muna nang malalim si daddy bago muling nagsalita. “Ilalayo ko talaga sa ‘yo ang mag-ina ko! Dahil alam ko na ang mga pagpapahirap mo sa kanila sa tuwing wala kami ni daddy!” Kinalong ako ni daddy at inakay na niya si mommy papalayo sa aking lola. Habang papalayo kami ay nakatingin ako sa silid kung nasaan si Lolo Raphael dahil hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya o hindi na. Mula sa hospital ay nakarating na rin kami rito sa isang condo rito sa Makati na pag-aari ng aking Lolo Raphael, walang iba kung ‘di ang Lopez Realty Condominium. “Celina, patawarin mo ako. Dahil napabayaan ko kayong mag-ina,” sambit ng aking ama nang ibaba niya ang aming mga maleta. “Wala kang kasalanan. Matagal ko nang tanggap na kahit kaila’y hindi ako matatanggap ng mommy mo,” pahayag ng aking mommy habang umiiyak. Ngumiti ang aking daddy at niyakap niya ang aking mommy. “Ipinapangako ko, hinding-hindi na kayo masasaktan ng mommy.” Sabay halik niya sa labi ng aking mommy na naging dahilan upang magtakip ako ng aking isang mata. Naghiwalay ang mga labi ng aking mga magulang at tumingin sa akin si mommy. “Eduard, nakikita tayo ng bata,” mahinang sabi ng aking ina sa aking ama. Ngumiti si daddy at tumingin sa akin. “Celine, gusto mo na bang magkaroon ng kapatid?” tanong sa akin ni daddy. Umiling ako at sumimangot. “Ayoko po, daddy! Ako lang ang princess mo ‘di ba!” pagtutol ko na tinawanan lang ng aking ama. Malimit kong marinig mula kay daddy na gusto na niya akong sundan. Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng kapatid. Sa edad kong walonng taon ay wala pa akong muwang kung paano ba ako magkakaroon ng kapatid
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD