Lucinda
Pagkarating namin ni Ian sa parking lot ng gusali ay bumaba na ako at tumulong na rin akong magbuhat ng mga gamit niya. Pinigilan niya ako pero pinilit ko dahil sinabi ko sa kanya na kahit ito man lang ang maitulong ko sa kanya pagkatapos niya akong ilibre at ihatid pauwi.
“Thank you,” sabi niya.
“Wala iyon. Salamat din sa libre at sa paghatid sa akin.”
“Nah. Wala rin iyon.” Nanatili kaming tahimik at medyo nagiging awkward na kaya magpapaalam na sana ako. “Uhm, Lucinda? Pwede bang yayain kita ulit sa isang date? Alam ko may nobyo ka na pero kahit friendly date lang ay okay na sa akin. Gusto ko lang kasi na makilala ka pa at gusto kong mapalapit sa iyo.”
Kung sakaling wala akong Clark ay marahil tinanggap ko na ang alok niya sa akin dahil hindi rin naman ako manhid para hindi malaman na may gusto si Ian sa akin. Pero minsan ko nang sinuway si Clark at alam ko naman na kahit may mali kaming dalawa ay tignan mo kung ano ang nangyari sa amin.
“Pasensya ka na, Ian. Mabait ka, gwapo, at saka may sense of humor ka naman at kung sakaling wala akong boyfriend ay tatanggapin ko sana ang alok mo. Pero may ipinangako kasi ako sa kanya at ayaw ko na sanang mag-away kami. Sorry.” Napatungo siya.
“It’s okay. Wala iyon.” Natawa siya ng mahina. “Ang swerte rin ng boyfriend mo dahil hindi mo siya kayang ipagpalit. Hindi mo siya kayang suwayin kahit hindi siya nakatingin at iilan na lang ang mga taong hindi nangangaliwa. Naiintindihan ko ang desisyon mo pero sana ay maging magkaibigan pa rin tayo?”
Lahat niya ng kanyang kamay at agad ko naman itong tinanggap. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at pumasok na rin siya sa kanyang kwarto. Naiwan akong mag-isa rito sa labas at aaminin ko na nami-miss ko na si Clark. Oo. Gustong-gusto ko ang atensyon na binibigay niya sa akin kasi kung tutuusin ay hindi ko ito naranasan noon.
May mag naging fling ako pero hindi sila iyong klase na pagbabawalan ako na makipag-usap sa kahit sinong lalaki. Walang magagalit sa akin kahit na makipag-date pa ako noon sa iba dahil hindi naman sila seryoso sa akin. Pero ang turing sa akin ni Clark ay para akong babasaging bagay na kailangang alagaan at protektahan.
Iilan na lang ang mga lalaking tinuturing ang mga babaeng gano’n kaya siguro iyon din ang dahilan kung bakit ko nagustuhan si Clark. Kung bakit nahulog na ng tuluyan ang aking puso sa kanya dahil siya lang ang nagbibigay ng halaga sa akin. Akala ko ay nakuha na niya ang kailangan niya sa akin pero mas lalo niya pa akong ginusto dahil binigay ko ito sa kanya.
Hindi siya lumayo nang malaman niyang mayaman ako pero nang dahil lang sa hindi ko pagsunod ay nag-away kami. Nagkatampuhan. At ngayon ay hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon dahil ni anino niya ay hindi ko na makita. Huminga ako ng malalim at pagpasok ko ay inaasahan ko na nandito siya naghihintay sa akin.
Inaasahan ko na gigising ako ay makikita ko siya na inaakyat ang aking bintana pero pagpasok ko ay wala akong nakitang Clark. Tumulo na lamang ang aking luha dahil hindi na siya muling nagpakita sa akin.
Mabilis na lumipas ang isang linggo at ni minsan ay hindi na talaga nagpakita sa akin si Clark. May mga pagkakataon pa na napapanaginipan ko siya at gusto ko na lang matulog dahil kahit papaano ay nakikita ko siya. Pero tuwing gigising ako ay babalik ako sa katotohanan na wala siya sa tabi ko.
At dahil sa paghihintay ko sa kanya ay naisipan kong gumawa ng vlog tungkol sa kanya. Hindi ko na siya pinangalanan dahil ayaw ko namang maisiwalat ang kanyang pagkatao at magkaroon pa ako ng kaagaw. Naiintindihan ko na ang pagseselos niya dahil ako rin tuwing maiisip ko na may kahalikan, kayakap, o kaniig siyang iba ay kumukulo ang aking dugo. Gumising ako at bumangon sabay inon ko ang aking cellphone at nagsimulang mag-vlog.
“Isang linggo na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Inaasahan ko na tuwing paggising ko sa umaga ay nandito siya sa tabi ko nakatitig sa akin. O di kaya ay makikita ko siyang nagluluto sa kusina ko. Minsan pa nga ay aakyatin niya ang bintana ko.” Napatungo ako at malungkot na napangiti. “Miss na miss ko na siya.
“Sabihin niyo na easy to get ako dahil saglit pa lang kaming magkakilala at halos wala pang isang buwan ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Pero kung sakaling kayo ang nasa lugar ko at pakitaan niya kayo ng mga bagay na pakiramdam mo ay para kang prinsesa ay mahuhulog din ang loob niyo sa kanya.
“Sana lang kung nasaan man siya ay sana naiisip niya rin ako palagi tulad ng pag-iisip ko sa kanya. Sana dumating ang araw na muli ko siyang makita at masabi ko sa kanya na mahal na mahal ko na siya. Na hindi ko na siya hahayaang lumayo ulit. Iyon lang mga ‘Luscious’ and I’m signing out.”
Pagkatapos kong tinapos ang video kong iyon ay sinabi ko sa mismong description na iyon na muna ang huling video na gagawin ko. Nang dahil sa pagiging heart broken ko ay nagkaroon ako ng one million followers sa loob lamang ng isang linggo. Siguro ay maraming nakaka-relate sa akin at ang dami na ring comments ng bawat videos ko.
Marami naman ang bumabatikos dahil bakit kailangan ko pa raw ivideo ang pagiging heartbroken ko? Pero sino ba sila para diktahan ako lalo na at iyon naman ang hilig kong gawin. Hindi ko naman vinideo iyon para lang makakuha ng atensyon bagkus ay kinuha ko iyon dahil gusto kong sabihin sa kanya, sa buong mundo kung gaano ko siya ka-mahal at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako para sa kanya.
Nang mai-post ko ang video ay hindi ko na ito inedit dahil gusto kung maging memorable ito sa akin. Grabe isang linggo ko itong tinake at para na tulog nagkatotoo lang sa akin iyong kanta na isang linggong pag-ibig. Pa-lowbat na ako kaya naman chinarge ko na muna ang aking cellphone at saka nag-stretching ako kunti.
Tinali ko ang aking buhok at binuksan ko ang aking pinto para pumanhik sa kusina. Pero natigil ako sa paglalakad ko nang may naririnig akong gumagalaw sa mga pinggan, kawali, at mga kubyertos ko. Ayaw kong umasa dahil marahil si Paris lang din naman ito lalo na at mahilig din siyang makialam sa aking kusina.
Nagdahan-dahan akong maglakad papunta sa aking kusina at parang hindi ko na maramdaman na tumatapak ang aking mga paa sa sahig. Nang buksan ko ang pinto sa kusina ay napasinghap na lang ako nang makita ko ang pamilyar na likod ng lalaking ito. Natuod ako sa aking kinatatayuan nang makita siyang nagluluto ng almusal na palagi niyang ginagawa tuwing nandito siya.
“Panaginip lang ito,” mahinang sambit ko.
Humarap siya sa akin at naluha ako nang makita ko ang gwapo niyang mukha na ngumiti sa akin. Iyong gwapo niyang mukha tuwing ngumingiti siya at ang mga tingin niya sa akin na nagpapabagal ng aking mundo. Lumapit sa akin ang lalaking panaginip lamang para sa akin at pinakatitigan ko siya. Walang nagbago sa gupit niya at mas lalo lang siyang gumwapo sa aking paningin.
“Hey, why are you crying, chérie? Hmm?” Hinaplos niya ang aking pisngi at napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang init ng palad niya. “Shh. Stop crying, chérie. I’m here. Hindi na kita iiwan.”
Yinakap niya ako at doon na ako tuluyang humagulgol dahil hindi ko akalain na totoo nga siya. Hindi na lang siya guni-guni o panaginip ko dahil totoo ngang nandito na siya sa harapan ko. Yakap-yakap niya ako at ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan at ang boses niya.
“Shh. I’m sorry, chérie. Tahan na.” Humiwalay siya sa akin at pinahid ang aking mga luha.
“N-Nandito ka. K-Kailan ka dumating? S-Saan ka nagpunta? B-Bakit ka nawala ng isang linggo? B-Bakit mo ako iniwan? B-Bakit hindi ka man lang nagparamdam? B-Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin?” Umiyak na ako at sinimulan ko nang pinagpapalo ang kanyang dibdib.
Yinakap niya ako ng sobrang higpit at hinalikan ang aking buhok. Natigil ako sa pagsuntok sa kanya dahil sobrang na-miss ko siya. Iyong amoy niya, iyong boses niya, iyong mga halik niya, iyong mga yakap niya ay sobrang na-miss ko. Wala akong pakialam kung para akong batang umiiyak at nagmamaktol sa kanya.
Pero hindi ko na kasi alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon na nandito na siya matapos niya akong iwan ng isang linggo. Pinahid ko ang aking mga luha at pinilit na pinatahan ang aking sarili dahil nagmumukha na akong pangit. Napatingin ako kay Clark na sumisinok at natawa siya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sa aking itsura ba o sa aking inaakto.
“Why are you laughing at me, assh*le?”
“Hey.” Sumimangot ako at pinisil naman niya ang aking pisngi.
“Sunog na iyong linuluto mo.” Turo ko dahil nakita ko itong umuusok na.
“Oh, sh*t!”
Pinatay niya agad iyong kalan at iyong prito niyang hotdog ay halos naging black na dahil sa pagkakasunog. Natutuwa akong makita siya rito ngayon habang linalagay sa lababo ang mainit na kalan at tinapon niya ang sunog na hotdog. Inalis niya ang kanyang apron at napangiti ako nang makita ko kung paano mag-flex ang kanyang muscles.
Nakagat ko ang aking labi habang papalapit siya sa akin at bigla akong hinila sa aking baywang. Hindi na ako nagreklamo nang bigla na lang niya akong halikan sa aking mga labi. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanya at hindi nagpatalo sa pakikipaghalik sa kanya.
Nakarinig ako ng kunting ungol mula sa kanya hanggang sa maghiwalay ang aming mga labi dahil sa nawalan na kami ng hininga. Napangiti ako sa kanya at hindi ko inalis ang pagkakapalupot ng aking mga braso sa kanya.
“Let’s eat outside before I take you as my breakfast,” mahinang sabi niya sabay dinampian ako ng halik sa aking mga labi.
Natatawa akong umirap sa kanya at dumiretso ako sa banyo upang maligo at magpalit na rin para makaalis na kami ni Clark. Nang nakapagpalit na ako ay nasalubong namin ng magkaakbay si Ian at medyo nagulat pa siya na makita kaming magkasama ni Clark. Napatingin ako kay Clark na parang agila kung tumingin kay Ian at agad na ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang.
Napangiti na lang ako dahil sa pagiging possessive niya. Mukhang nakita rin ni Ian ang ginawang pambabakod sa akin ni Clark kaya naman napailing na lang siya at napatingin sa aming dalawa.
“You are one lucky dude. Take care of her and don’t leave her again,” paalala ni Ian kay Clark.
“You don’t have to tell me because I won’t do that. Now, if you’ll excuse me, I am going to have a date with my girlfriend.” Napangiti ako sa pagsabi niya ng girlfriend sa akin.
Napangiti na lang ako kay Ian at gano’n din siya sabay linagpasan na namin siya palabas ng gusali. Pagsakakay naming dalawa ni Clark sa loob ng kotse niya ay napatingin siya sa akin ng makahulugan. Alam ko ang tingin na iyan dahil sigurado naman ako kung ano ang kanyang tinutukoy.
“Sinasagot mo na ba talaga ako, Lucinda Salazar? Dahil oras na umuo ka sa akin ay gagamitin ko lahat ng lakas ko para bakuran ka sa mga lalaking gustong agawin ka sa akin.” Napangiti ako habang nakatingin sa kanya.
“Huwag kang mag-alala dahil ikaw lang ang gusto ko. Hindi ako lilingon sa iba. I promise.”
“Thank you, chérie.” Hinalikan niya ang likod ng aking kamay.
Nagsimula na siyang magmaneho para makakain na kami ng almusal naming dalawa.