BENEFITS 1
BENEFITS 1
Moving on after a break up is a great way to get back on your feet and start feeling happy again.
***
Kathryn
"Happy birthday!" napatalon ako sa sobrang gulat ko nang madatnan ko silang lahat sa boarding house. Hindi ko inaasahan na may ganito silang plano sa akin ngayon araw na ito. Ang buong akala ko lang ay sa office lang may kaunting salo-salo na ginawa ang mga ka-workmate ko pati ba naman sila?
"Oh? Bakit parang hindi ka ata happy? Gumastos pa kami ng halos isang libo." Bungad pa ni Peter sa akin sabay akbay nito. Pinalo naman ni Cheska girlfriend ni Peter ang kamay ng boyfriend niya nang makita niyang inakbayan ako nito. Matagal na kasing may pagtingin sa akin si Peter, pero hindi ko talaga siya bet.
"Kasi kapag may girlfriend na, magbago na." sabi ko pa sa kanya, namula ang mukha ni Peter na mukhang kanina pa ata umiinom. Saka sila nagtawanan nang malakas.
"Happy birthday bess!" bungad pa sa akin ni Julia. Bestfriend ko, may inabot siya sa akin isang box na maliit na nakabalot sa isang magandang gift wrap. Niyakap ko siya nang mahigpit sabay halik sa pisngi nito.
"Thank you so much! Alam kong ikaw ang may plano ng lahat ng mga ito. kalokohan mo talaga oh? Hindi niyo naman kailangang pang-gumastos para sa akin e, kaunting inuman lang okay na ako." Saka ako kumuha ng isang bote ng alak at nakipag-toss sa kanila.
"Binibiro ka lang ni Peter, ginagawa namin ito dahil mahal ka namin. At kapag sinabi naming mahal namin ang isang tao. We're willing to do anything just to make them happy." Kumento pa ni Dianna. Saka sumigaw ng kampay si Peter pasaway talaga kahit kailan. Hanggang sa tumawag sa akin ang isa kong ka-officemate na si Gia. Humingi ako ng paumanhin sa kanila kasi kailangan kong sagutin iyong tawag ng ka-officemate ko, baka kasi importante.
"Oh? Napatawag ka, may problema ba?" tanong ko pa sa kanya. Siya lang kasi ang bukod tangi na nag-overtime ngayon, at siyempre iyong boyfriend ko na si Albie.
"Malaki ang problema Kath." Boses palang niya para talagang malaki ang problema.
"Ano iyon? kailangan ko pa bang bumalik diyan para tulungan ka?"
"No! 'Wag na! Baka ano pang makita mo dito." Sabi pa nito sa akin. kumunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya. Saglit kong inirehistro sa utak ko iyong mga bagay na sinabi niya. Baka raw may makita ako doon?
"Wait lang! May tinatago ka ba sa akin Gia? O may dapat ba akong malaman ah?" hindi ko na naiwasan na tumaas ang boses ko. May kakaiba akong naramdaman ng oras na iyon.
"Mukhang, hindi ako ang tamang tao na dapat magsabi sa iyo nito. Mukhang kailangan mong kausapin ang boyfriend mo. Pasensya na. Babalik na ako sa trabaho." Saka niya binaba ang tawag niya sa akin. hindi ko alam, pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. And it was Julia, who is worried about me.
"Are you okay? You look pale." Saka niya inayos ang buhok ko.
"I'm sorry, I have to go." Pag-papaalam ko pa sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa office. May nakalimutan lang ako,"
"Is it important?" she asked again. Hindi ako nakasagot. Hindi ko kasi alam talaga kung ano ang gagawin ko doon. May parte sa utak ko na gusto kong malaman iyong gustong sabihin ni Gia, pero may parte din sa utak ko na natatakot ako sa maaari kong malaman.
"Mukhang importante, sige tawagan mo nalang ako kung anong oras ka uuwi ah? Aantayin ka namin, mukhang magdadamag ata ang mga adik na ito." sabay turo doon sa mga ka-boardmate namin. I smiled at her, then saka ko kinuha ang shoulder bag ko't naglakad palabas ng compound at nagpara ng tricycle.
After 45mins ay nakarating na muli ako sa office. As usual, kahit gabi na ay traffic parin sa makati. Ano pa bang aasahan mo sa lugar na ito? Nagtaka si Manong Etong, guard on duty ng gabing iyon kung anong ginagawa ko ngayon sa office. Sabi ko may nakalimutan lang akong kunin sa office, sabi niya bakit hindi ko nalang raw ipinagbukas. Sabi ko kasi importante iyon, mukhang ayaw pa niya akong pagbigyan.
"Sige na Manong! Pag-bigyan mo na ako, importante lang talaga. Pa-birthday mo na sa akin ito." doon na ngumiti si Manong Etong, at pinapasok na ako sa loob.
"Bilisan mo lang ah? Malilintikan ako nito e." sabay napa-kamot siya sa noo. Tinapik ko ang balikat niya ang saka ako pumasok sa loob. Sumakay ako sa loob ng Elevator at pinindot ko ang 6th floor, ang palapag kung saan ang office ng boyfriend ko. Habang palapit ako ng palapit sa 6th floor pabilis din ng pabilis ang t***k ng puso ko.
Hanggang sa bumukas na ang pintuan ng Elevator. Laking gulat ko ng patay ang ilaw ng kwartong iyon, ginamit ko ang ID ko para makapasok sa loob. Tinap ko ito at bumukas ang Glass door. Binuksan ko ang ilaw at tinawag ko ang pangalan ni Albie. Ngunit walang sumasagot. Hanggang sa may kakaiba akong ungol na narinig sa bandang kitchen room. Ungol na siyang nagpapatak ng luha ko. Nanginginig ang buong katawan ko nang palapit ako sa lugar na iyon.
"I love you, Jessica... I love you..." malakas pang ungol ni Albie. Pinunasan ko ang luha ko at lumapit ako sa kanila. Napatigil si Albie sa pagbayo niya kay Jessica ng oras na iyon. Tinignan ko si Jessica, ngunit nakipaglaban din ito ng tinginan sa akin. Tila wala siyang pakielam kung nahuli ko silang naglalampungan ng gabing iyon.
"Akala ko may supresa ka sa akin. Mali pala, ako pala itong nasurpresa. Ang ganda ng pa-birthday gift mo sa akin ah?"tinignan ko sila mula ulo hanggag paa. Nakakadiri sila! Doon na tumayo si Albie at kinuha ang uniporme niya at itinapis ito sa katawan niya.
"Wait lang babe!" pagpigil pa sa akin ni Albie, saka nahabol niya ako sa paglakad ko palayo sa lugar na iyon. Pero tinulak ko siya, at hindi siya natinag sa pagtulak ko sa kanya.
"Wag mo ako matawag-tawag na Babe! Ang kapal ng mukha mo! How dare you! Bakit kailangan mong gawin sa akin ito?"
"Pwede bang kumalma ka muna?"
"Kumalma? Gusto mo akong kumalma? God!" muli ko siyang tinalikuran. Ngunit hinila niya ang balikat ko kaya ako muling napaharap sa kanya.
"Pwede bang pakinggan mo muna ako?"
"Ano na naman sa mga kasinungalingan mo ang sasabihin mo?"
"Hindi ako nagsisinungaling sa iyo!"
"Hindi ka nga nagsisinungaling? So anong tingin mo sa mga nakita ko ngayon? Ah? Wait, aayusin ko iyong mga salita ko. Hindi ka nagsisinungaling kasi, manloloko ka. Ang cheap niyo ah? Wala ba kayong pang-motel at dito niyo pa talaga ginawa sa office? Yuck!" saka ako dumura sa may gilid.
"Tapos ka na?" sabi niya. Aba! Ang kapal ng mukha! Siya pa itong may ganang magalit? At pag-taasan ako ng boses? Huminga ako ng malalim. Doon na lumabas ang malandi ng taon na si Jessica at nakabihis na ito nang maayos.
"Hindi pa! Ngayon, papipiliin kita. Sino ba talaga sa aming dalawa ang mahal mo?" lumipas ang ilang segundo siya sumagot, nakatingin lang siya sa akin.
"Look I'm sorry." Sabi niya.
"Tang-ina! Bakit ka nagsosorry?" do'n ko na siya pinaghahampas sa balikat niya, pero lumapit si Jessica at tinulak ako nito.
"Umalis ka na nga. Nakakaawa ka! Hindi ka na mahal ni Albie, pero pinagpipilitan mo parin ang sarili mo." Singal pa niya sa akin.
"Paano mo nasabi na mahal ka ni Albie? Kinantot ka lang niya, hindi ka niya mahal." Doon niya ako sinampal ng malakas, inaasahan kong pipigilan ni Albie ang ginagawang pananakit ni Jessica sa akin, pero hindi. Ni hindi ko siya nakitang gumalaw man lang sa kinatatayuan niya habang kinukuyog ako ng malanding babaeng ito.
…
"What happen to you?" alas singko na nang umaga nang makarating ako sa boarding house. Hindi kaagad ako umuwi ng boarding house pagkatapos kong masaksihan ang panloloko sa akin ng boyfriend ko at nang malanding babaeng iyon. Pumunta ako sa isang resto bar at umorder ako ng isang bucket ng alak at ininom ko ito nang mag-isa. May mga lalaking nagyaya sa akin na uminom, pero hindi ko siya pinagpapansin. Habang umiinom ako, ay umiiyak ako. Patuloy ako na umiiyak, hanggang sa nagdesisyon akong umuwi na at narito na nga ako ngayon sa boarding house at yakap-yakap ng nag-aalala kong bestfriend na si Julia.
"Ang kapal ng mukha niya. Makita ko lang talaga ang mukha ng lalaking iyon, masasapak mo ang mukha ng gagang iyon!" galit na galit pang sabi pa ni Julia habang inaayos nito ang buhok ko at tinatanggal ang make-up sa mukha ko.
"Bess... hindi na niya ako mahal." Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Hindi worth it mahalin ang isang tulad niya, Kath."
"P-pero..."
"Kung talagang mahal ka niya, ipagtatanggol ka niya sa babaeng iyon. Pero ano? Gaya ng sinabi mo, para siyang naging estatwa ng oras na iyon habang ginugulpi ka ni Jessica. Naku talaga makita ko talaga silang dalawa mapapatay ko sila."
Nilamutak ko ang mukha ko hanggang sa makita ko sa harapan ng salamin na ang pangit-pangit na nang mukha ko.
"Makaka-move on ka rin. Gaya ng sinabi ko. Hindi worth it ang kagaya niya. May ibang taong mas deserving pa para sa iyo." Positibo pang sabi ni Julia habang yakap-yakap ako nito.
…
Kinaumagahan ay kahit na masama ang pakiramdam ko't wala pa akong maayos na tulog. Ay pumasok ako, sinabi ko na mag-hahalfday lang ako. Kaya alas-dose na ako pumasok kanina at mukhang balitang-balita na sa buong office ang lahat ng nangyari. Pero tikom silang lahat kasi, baka matanggal sila sa trabaho nila dahil sa pagmamay-ari ng pamilya ni Albie ang kumpanyang pinagtatrabahuan ko.
"Kath!" rinig ko pang tinawag ni Thea ang pangalan ko. Isa din sa mga ka-workmate ko. Nilingon ko siya, lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ang lamig ng mga palad at niya na parang kinakabahan siya.
"Nakakahiya naman sa iyo, ikaw pa itong kinakabahan. Don't worry, okay lang ako." Nakangiti ko pang sabi sa kanya.
"Are you sure?" tanong niya muli sa akin.
"Sure na sure. Tara na, marami pa tayong gagawin sa taas." Sabi ko, saka kami pumasok sa loob ng elevator. Sa 5th floor ang office namin pagpasok ko nandoon si Jessica at kasama nito si Albie. Tinignan ko sila at dinaanan lang. tinawag ni Albie ang pangalan ko, pero hindi ko siya pinansin hanggang sa umabot kami sa may cubicle ko.
"Kathyrn!" doon na ako lumingon sa kanya.
"Boss mo parin ako. At kapag tinawag ko ang pangalan mo, lilingunin mo ako. Hindi tinatalikuran."
"Boss? Sorry boss!" pumasok ako sa cubicle ko at kinuha ko ang usb sa bag ko, may hinanap lang akong isang file at noong nakita ko na ito ay kaagad kong prinint ang laman ng dokumento na iyon at nang lumabas na siya sa printer ay kaagad ko itong kinuha at sinampal ko sa mukha ni Albie.
"Boss! I quit! Mag-reresign na ako!"
"Pumayag na ba ako?" sabi niya.
"Whether you sign it or not! I don't care. Magsama kayo ng malandi mong babae." Sigaw ko pa sa harapan niya. Saka ko kinuha ang mga gamit ko sa cubicle ko.
"Wait lang! icheck ang lahat ng gamit ng babaeng ito!" sabi pa ni Jessica na tila aakalain mo ay parang boss na rin kung kumilos. Che! Naging kalantari ka lang ng boyfriend ko, akala mo asawa ka na niya. Pwe!
"Don't worry, wala akong kukunin ni isa sa mga gamit dito sa office, dahil una sa lahat. Ayaw kong magdala ng ala-ala galing sa lalaking iyan." May mga bagay akong kinuha sa loob ng bag ko at ibinalik ko itong lahat kay Albie. Lahat ng mga bagay na ibinigay niya sa akin. kanina ay nakapag-desisyon na ako. Tama si Julia. Hindi si Albie ang tamang lalaki para sa akin. at naging gago ako dahil hindi ko kaagad nakita ang mga bagay na iyon.
"Sana magmahalan kayong dalawa, at para sa iyo Jessica. Sana hindi bumalik sa iyo ang karma na ginawa mo sa akin. Tandaan mo, digital na ang karma ngayon." Saka ko binuhat ang isang box ng mga gamit na ako mismo ang bumili, at ilang mga picture frames at notes ko. At kaagad akong bumaba sa may office.
Pagka-baba ko ng office ay nagpara ako ng taxi pero walang ni isa sa kanila ang gusto akong pasakayin. Anong problema niyo ah? Leche! Saka bumuhos ang malakas na buhos ng ulan wala akong payong pang dala. Buwisit talaga. Pagod na pagod na ako, tapos bumuhos pa ang malakas na ulan. Tapos may bumunggo pa sa akin ng minutong iyon. Nagkalat pa tuloy ang mga gamit ko sa daan. Ang ilang pa sa mga picture frame ko ay nabasag at natapakan ng taong iyon.
"Pa-harang-harang ka kasi e." sabi habang tinutulungan niya ako ng kunin ang mga natapon kong mga gamit.
"Wag mo na kaya akong tulungan. Leche ka! Umalis ka na sa harapan ko." Doon na ako umiyak ng todo.
"Inaano kita? Bakit ka umiiyak? Binibiro ka lang e," tila natatarantang tono ng boses niya.
"Wala kang pakielam." inis kong tugon saka muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"Mayroon akong pakialam, nabangga kita malay ko ba kung nasaktan kita sa nagawa ko?”
"Tang-ina! Tigilan mo ako kuya, kundi masasapak kita." Doon na siya tuluyang umalis sa harapan ko.
Tang-inang buhay ito ah? Mukhang sobra-sobra naman atang parusa ito para sa akin? Broken-hearted na nga ako, tapos... naulanan pa. Buwisit na buhay ito! Ayoko nang mag-mahal muli.