LIEGH Simula ng makita ko ang mga armadong tauhan ni Declan ay hindi na ako napanatag. Hindi maganda ang pakiramdam ko na nakatira dito kasama sila at maraming pagkakataon ang magigising ako na napanaginipan ko ang nangyari sa akin noon hanggang sa paulit-ulit na bumabalik ito sa isipan. May mga pagkakataon na nagigising akong nakikita kong may mga itim na sasakyan ang pumapasok sa compound at aalis din makalipas ang ilang minuto bagay na lalong naging dahilan para ma-paranoid ako. Restless, frustrated at the same time natatakot ako. May pakiramdam akong hindi basta negosyante lamang si Declan lalo na ng makita ng mga mata ko kung paano niya tinutukan ng baril minsan ang isa sa mga tauhan nito sa ulo pero binaba rin agad ng makita akong bumaba ng hagdan. Nakakatakot ang personality ni