DECLAN Nasa loob ng opisina ko naghihintay si Mendez ng abutan ko itong nakaupo at hinihintay ako gaya ng instructions ko. "Details," agad na sabi ko, dahil busy ako ngayong araw, lalo na at maraming akong naka-line up na mga meeting. "Here." Inabot ko ang folder na hawak nito at agad na binuklat. Binasa ko ang nakasulat sa report ni Mendez, habang kunot ang noo na pinasadahan ko ng tingin ang laman nito. "So, she's the one who wrote and spread the whole lies?" walang emosyon na tanong ko, habang nakatutok ang mga mata ko sa nakangiting mukha ng babaeng akala mo ay hindi marunong magkalat ng kasinungalingan, dahil sa maamong mukha nito. "Yes, siya nga, boss," sagot ni Mendez. "What do you want me to do with her?" tanong nito na alam kong naghihintay lamang ng sasabihin at i-uutos k