LIEGH Hindi ko alam kung paano lumipas ang oras ng walang naging reaksyon ang katawan ko sa loob ng bahay, kung saan ako dinala ng asawa ko. Siguro, malaking bagay na sinabi ni Declan sa akin na ligtas ako dito kaya kahit paano ay kumalma ako. Ang laki ng telebisyon sa silid, napakalawak rin ng kwartong kinaroroonan ko but still, uneasy pa rin ang nararamdaman ko. Sabihin ng ligtas ako but I'm afraid that closing the door without a breeze of air may lead me to suffocation again. Ito ang nangyari sa akin ng araw nakulong ako sa storage room ng kumpanya ni Declan. I have this fear na kahit anong gawin ko ay nahihirapan akong labanan lalo na kung may mga bagay na nakakapagpa-trigger sa emosyon ko bagay na kinatatakutan ko. Nasapo ko ang namimigat na ulo. Kung titingnan, parang ordinaryon