2

1828 Words
Gaya ng malimit na senaryo tuwing may meeting sila, nakaupo ang mga miyembro ng THE DROPOUTS sa kaliwang bahagi ng mahabang conference table, sitting in this order: Dean, Keaton, Lukas, Isaac, and Ciel. Sa kanan naman ang mga executive at maging ang manager nila. Then, Franco was sitting on the head seat. "Do you have a clue kung bakit ako nagpatawag ng meeting?" tanong sa kanila ng nasa early-50s na CEO. Even at his age, hindi maipagkakailang napakagwapong lalaki nito. Like Dean, he had sharp jaws and a high-bridged nose. Keaton looked at Dean. "Dean, anong meron?" Nagkibit-balikat naman ang leader nila. "Ewan. Wag n'yo akong tanungin. Wala pang sinasabi sakin," pagtanggi nito. Mahinang natawa si Franco. "Hindi pa alam ni Dean ang tungkol dito. So, any guess?" Isaac raised his hand. "New project ba? Reality show?" "O baka naman collab?" dugtong ni Lukas. "Yes! Tama ka, Lukas," sambit ni Franco. Napatingin tuloy lahat ng member sa main rapper. Si Keaton naman ay mahinang kinurot ang tagiliran nito. "Ikaw ha? Ang galing manghula," kantiyaw nito. Lukas laughed and put his left arm on Keaton's shoulder, pulled him close, and lightly kissed the crown of his head. Then, both of them looked at Franco casually after. Franco cleared his throat. "Where was I again? Oh, that's right. The collab." Humarap ito sa isang babaeng executive at inutusang magpaliwanag. The explanation went like this: a South Korea entertainment company sponsored an ambitious project of making a temporary Filipino idol boyband na ang lahat ng members ay manggagaling sa mga pinakamalalaking grupo sa Pilipinas. Five groups were invited, at kasama doon ang THE DROPOUTS. "At iyan ang agenda natin ngayong araw," sabi muli ni Franco nang matapos sa pagpapaliwanag ang babaeng executive. "Gusto kong mapag-usapan natin kung sino ang ipapadala--wait, before that, interested ba kayo?" Nagkatinginan silang lima. "What do you think, boys?" tanong ni Dean. "Gusto n'yo ba? Isaac?" Their main dancer shrugged his shoulder. "Ako, okay lang. Pero ano bang mapapala natin kapag sumama tayo dyan?" "Of course, promotion din iyan," sambit ni Franco. "Magkakaroon kayo ng Asian tour. Kung magiging successful ito, makakakuha pa kayo ng panibagong fans mula sa ibang bansa." Dahil doon, nagkislapan ang mga mata nila. So when Dean asked them again if they were interested, mabilis silang nag-yes. "Now, here's the question: sino ang ipapadala natin?" tanong ni Franco. "I say, Keaton?" sagot ni Dean. "He's the best singer in Asia. Kapag nagka-exposure pa siya, mabilis lang siyang sisikat lalo." "Grabe ka doon sa best singer in Asia, ha?" kontra naman ni Keaton. "Kaso, paano naman ang promotion ng album natin? Hindi ko naman yata kayang pagsabayin ang pagpro-promote sa dalawang grupo. Kawawa boses ko." Natigilan si Dean at napaisip. "Oo nga, ano? Mahirap ka pala palitan kung sakali." "Pwede namang ikaw ang kumanta ng high notes ko. Abot mo iyon." "Abot lang. Pero yung texture ng boses?" Napailing-iling si Dean. "So Keaton will stay with us." Isaac raised his hand again. "Matanong ko lang, ano bang concept ng grupo?" Franco looked at the female executive again. The latter explained that it would be a hip-hop group. "Then, let's send Isaac instead?" suhesyon ni Lukas. "Pwede n'yong paghatian ni Ciel ang lines niya," dugtong pa nito habang nakatingin kay Dean. "Good point, Lukas," sagot naman ni Franco. "Pwede nga siguro si Isaac--" "I object," sabat naman ni Dean. "Mahirap palitan si Isaac. Main dancer iyan. Magugulo ang choreography natin kapag nawala siya." "Pwede namang ikaw ang pumalit sa part niya, ah?" sagot ni Keaton. "Nagawa mo nga yung pamatay na back flip niya sa Mga Batang Yagit, e."  Natigilan saglit si Dean. "Well... it's not the same. I don't have his flexibility--" "Asus! Aminin mo na lang na ayaw mong paalisin si Isaac!" sabat ni Lukas. "Ikaw nga, sinuggest mo si Keaton, kumontra ba ako? Napakaduga." Umiling-iling pa ito. Napuno ng halakhakan ang silid habang si Dean naman ay pilit na pinipigilan ang sarili na mamula. Napatalak pa nga ito sabay sabi ng, "E di sige na, siya na." Mahinang siniko ni Ciel si Isaac. "Clingy pala sayo tong si Dean, ano?" Isaac shrugged his shoulders. "Ewan ko rin dyan. In-denial pa nga." Keaton raised another question, this time asking which groups were invited so far. "Hindi pa confirmed ang line up," panimula ng babaeng executive habang binubuklat ang dala nitong notebook. "Pero ang sinabi sakin, may dalawa nang confirmed: si Gus ng SPEED, at si Banjo." Natigilan si Ciel nang marinig ang pangalawang pangalan. "Teka, sino ang pangalawa?" "Si Banjo. Nakasama n'yo to dati sa Starquest, di ba?" Napalunok si Ciel saka wala sa loob na napatingin kay Lukas. To his surprise, nakatingin din sa kanya si Lukas. Seryoso ang mukha nito. Nakakunot pa nga nang bahagya ang noo. Maya-maya, tumango ito nang isang beses, na para bang inuutusan siyang magsalita. He closed his eyes. Instantly, that awkward meeting with Lukas and his cousin, Ephraim, resurfaced in his mind. "You have to do this, Ciel. I know this is a selfish request, but at least do it for Keaton. Mahalaga din siya sayo, di ba?" Bumuntonghininga siya saka dumilat. Pagkuwa'y dahan-dahan niyang tinaas ang kamay. "Yes, Ciel?" tanong ni Franco. "Ako na lang siguro ang pupunta," sagot niya. At the corner of his eyes, nakita niyang nandilat ang mga mata ni Keaton dahil sa sinabi. "Luh, ba't ikaw?" kontra ng best friend niya. The other executives gave him a look which asked the same question. Bigla tuloy siyang na-pressure. Bakit may impression siya na iniisip ng mga ito na hindi niya deserve ang mapasok sa collaboration na ito? "Sus, tinatanong pa ba iyon?" sabat ni Lukas. "Pinaka-simple ang role ni Ciel sating lima. Madaling saluhin kung sakaling aalis siya." Naningkit ang mga mata ni Ciel. "Tang ina mo, ah?" sagot niya. Samantalang, binatukan naman ni Keaton ang boyfriend nito. Nagtataka namang tinanong ni Lukas ang nobyo nito kung para saan iyon habang sapo-sapo ang parteng tinamaan. "Ewan ko sayo! Para mong sinasabing disposable si Ciel." Inirapan pa ni Keaton si Lukas. Tapos, tumayo ito sa lumipat sa bakanteng upuan sa kanan ni Ciel. Bakas sa mukha nito ang inis. Samantalang, parehong binigyan nina Dean at Isaac ng nanininising tingin si Lukas. "What?" naguguluhang tanong ni Lukas. "Totoo naman ang sinabi ko, ah? Konti lang ang lines niya. Di rin matataas. Kahit sino sa inyo, pwedeng kunin iyon." Nag-make face si Keaton. "At sinong kakanta? Ikaw?" "Uhm, if I have to, why not?" "Wow, ha?" Pinandilatan ni Keaton ang nobyo. "Kaya mong kumanta nang nasa tono?" Biglang napuno nang malakas na halakhakan ang silid. Sumigaw pa ng, "Burn!" si Isaac habang malakas na kinakalampag ang mesa. "Ano ba iyan, Lukas? Hanggang ngayon, taklesa ka pa rin," naiiling na lang na kumento ni Dean. "Saka wag mo ngang minamaliit ang role ni Ciel. Tandaan mo, siya sumasalo ng skin service satin. It requires a lot of courage din kaya. Tamo nga, ang taas ng engagement ng t****k niya dahil sa mga pagpapa-cute niya. Ikaw ba, kaya mong gawin yon?" "Tama!" malakas na sagot ni Keaton. "Walang madali ang buhay dito sa grupo natin. Lahat tayo, may mahalagang papel." Inirapan nito muli si Lukas. Napakamot na lang ng ulo si Lukas. Hindi kasi nito talaga naiintindihan ang nais iparating ng nobyo. As for Ciel, hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Keaton. It felt nice that his best friend felt offended on behalf of him. At talagang ang sobrang possessive pa nitong boyfriend ang inaway, ha? Nakiliti ang puso niya dahil doon. Then laughter died, and there was a short silence. "But if you think about it, parang tama nga yatang si Ciel ang ipadala natin," maya-maya'y kumento ni Dean. "Iyon ang pinaka-praktikal." "O diba? Sang-ayon din si Dean--" "Except hindi iyon ang ibig kong sabihin, Lukas," bara ng leader nila sa main rapper nila. "Remember, si Ciel ang pinaka-popular sating lima?" A few months ago, lumabas ang resulta ng isang online survey na "Most Handsome Faces in Asia". Only Ciel made it to the list. Nasa Top 10 pa nga ito. Then, Dean added, "If we send Ciel, hindi malayong siya rin ang maging center ng grupo. And we all know, mga center ang madalas na pinaka-popular." "May point ka doon, Dean," pagsang-ayon naman ni Keaton. "So if Ciel became the most popular member among them, hindi malayong ma-curious din ang new fans sa grupo na pinanggalingan ni Ciel. That means, more exposure din sa grupo natin." The executives agreed with them. Napapalakpak pa nga si Franco saka pinuri ang pamangkin nito. "May talent ka talaga sa business, Dean. No wonder sobrang successful n'yo," saad pa nito. "So, si Ciel ang ipapadala natin. Is there any objection?" tanong ng CEO nila. None did. "Then, that concludes it. Si Ciel ang final." Pumalakpak ito, na sinundan din ng mga executive at maging ng mga member ng banda. Keaton lightly tapped Ciel's shoulder. "Kaya mo ba? Ang bigat yata ng pressure na binigay namin sayo." Mahinang natawa si Ciel. "Syempre naman. Kakayanin ko. Para sa band ito, e." "That's the spirit. Basta remember, I'm always here kapag nahihirapan ka na. We're best friends after all." Tapos, niyakap siya nito. "Congratulations, Ciel." "Salamat, Keaton." Nagsilapit din ang iba nilang bandmate para i-congratulate din siya. The last one who did it was Lukas. "Congrats, p're," mahina nitong bulong. "And sorry din kung na-offend kita," dugtong pa nito habang pasimpleng tumitingin kay Keaton. "Hindi ko naman intensyon iyon. Ang sinasabi ko lang, dahil simple lang iyong lines mo, hindi kami mahihirapang mag-adjust habang wala ka--" "Sige, iyan ka na naman! Di ka talaga titigil, ha?" singhal na naman ni Keaton, dahilan para matawa sina Ciel, Dean at Isaac. Napakamot na lang ng ulo si Lukas. "Hay, ewan. Basta congrats!" Then, Lukas pulled Ciel closed. "And don't forget about your mission," bulong nito sa tenga niya na naging dahilan para mapalunok na lang siya. But before he could respond, Lukas lightly tapped his back and pulled himself away from him. Tapos, lumapit ito kay Keaton at sinubukang suyuin ang nobyo nitong galit pa rin. Franco asked them to settle down again para ipagpatuloy ang meeting. "Lukas, mamaya mo na suyuin si Keaton nasa meeting tayo," sabi pa nito nang hindi umalis si Lukas sa gilid ni Keaton. Keaton sneered, as Lukas scratched the back of his head. Tapos, dahan-dahang bumalik ang huli sa upuan nito kanina. Nagpatuloy ang meeting, but Ciel was too distracted to focus. Nang sandaling iyon, naglalaro na naman sa isip niya ang napag-usapan nila nina Lukas at Ephraim... Kailangan kong gawin ito. Ito lang ang magagawa ko, isip niya habang pasimpleng tumingin kay Keaton. Keaton was too focused on the meeting to notice his gaze. His mission was simple: seduce Banjo. Kailangan niyang makuha ang loob nito para magkumbinsi itong umanib sa mga Fortaleja. He must succeed. A failure was not an option. Because if he did, well, his biggest fear might happen. Keaton might die.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD