1

1339 Words
"Wait, Ciel," sabi na lang ni Keaton saka tinigil ang pagtugtog sa piano. Napatigil naman sa pagkanta si Ciel saka napatingin sa best friend niya. "Bakit? May mali ba ako?" "Hindi naman. Pero nawawala ulit ang support mo." Tapos, tumikhim si Keaton saka muling tinugtog ang piano. "Give me all of you, oh... Cards on the taaaable, we're both showing heart..." pag-awit nito kantang tinuturo sa kanya habang nakatingin sa kanya. "Remember the sensation kapag tumataas? Focus the sound on your nasal chamber," dugtong pa nito habang gumuguhit ng linya mula sa gilid ng ilong nito pababa sa ilalim ng baba. Napakamot naman ng ulo si Ciel. "Hindi ko talaga gets yang mga terminology mo sa pagkanta. Placement? Nasal chamber? Ano ba iyon?" Napaikot naman ng mga mata si Keaton. "Hindi ka kasi nakikinig sa voice teacher natin dati. Kung nakinig ka, e di sana dalawa tayong biritero dito, di ba?" "E... hindi ko ma-gets, e? Ano bang magagawa ko?" Napailing-iling na lang muli si Keaton. "Oh well, wala na tayong magagawa. Mabuti pa, praktisin na lang natin ulit ito. Nage-gets mo naman siya kasi, hindi ka lang consistent talaga." "Wow, sorry naman? Di ako sing-talented mo, e," kunwari'y nagtatampong aniya. Ngumuso pa nga siya pagkatapos. "Sus. Nag-practice din naman ako kasi kaya ako gumaling." Keaton pressed a random key in the middle of the piano, which created a middle range note. "At gagaling ka rin kung magpra-practice kang mabuti. Like, hello, you won Starquest for a reason. Vocalist category ka pa nga." "Sus. Para namang hindi mo alam na kaya lang ako nanalo e dahil pogi ako." Lalo siyang napanguso. Although he meant it as a joke, ever since naging regular na ulit ang pagpe-perform nila magmula nang magbalik si Dean, madalas na rin siyang napapaisip kung bakit nga ba siya nanalo. Okay, he knew he can sing, but he's pretty average on it. Heck, even Isaac who won because of his dancing skill, can sing better than him. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit siya parati ang may pinakakaunting linya sa mga kanta nila. He's mostly just harmonizing with Keaton too. Naningkit ang mga mata ni Keaton. "Hay nako, ewan ko sayo, Ciel. Basta, deserve mong manalo. Deserve mong masama sa grupo na ito. And if you think you don't, e di work harder to prove na dapat ka ngang nandito. Nandito naman ako para tulungan ka." Nag-okay sign pa si Keaton pagkatapos. Wala sa loob na napangiti si Ciel. Well, assuming na tama ang haka-haka niya na nanalo lang siya dahil gwapo siya, he doesn't really mind it. If anything, nagpapasalamat pa nga siya. Bukod sa naging stepping stone niya iyon sa pinapangarap na pagsikat, naging daan din iyon para makasama niya sa iisang stage si Keaton, na best friend niya. And first love. The only person he loves. Muling sumenyas si Keaton na magpapatuloy na sila sa pagpa-practice. Muli nitong tinugtog ang piano. While waiting for his cue to sing, Ciel quickly relaxed. Inalala rin niya ang mga panuto ni Keaton tungkol sa tamang pagkanta: engage your diaphragm, focus the sound on your nasal chamber para maganda ang labas ng boses, and most importantly, proper breath support.  "Card from the taaaable, we're both showing heart..." Kumislap ang mga mata ni Ciel matapos niyang kantahin ang linyang iyon. Ang ganda kasi ng labas. Buom-buo ang boses niya. Not to mention, smooth din ang vibrato ang dulo. "Iyon!" tuwang-tuwang bulalas ni Keaton. "Keep that up, Ciel." Samantalang, napakapa naman ng dibdib si Ciel habang humihinga nang malalim. "Grabe, hiningal ako doon, ah?" "Normal lang iyan kapag kumakanta ka nang mas mataas. Syempre, mas marami kang hangin na ibubuga, e, So dapat mas malalim din ang hugot ng hininga." Umusog si Keaton pakaliwa. "Anyway, pahinga ka muna. Tabihan mo ako dito sa piano bench," utos nito habang tinatapik ang libre espasyo sa kanan nito. Pinulot muna ni Ciel ang tumbler niya na nasa sahig saka tumabi kay Keaton. "Naniniwala ka nang nadaan lahat sa practice?" sabi nito muli sa kanya habang umiinom siya ng tubig. Binaba niya ang tumbler saka ito hinarap. "E hindi naman gano'n kataas yung inabot ko. Kumpara mo naman sa mga binibirit mong nota." Napailing-iling siya. It's almost three years since the k********g incident. After more than two years of hiatus, THE DROPOUTS finally released their new single: Stuck in the Moment. It was a power ballad song. Dito sobrang na-highlight ang boses ni Keaton. Mayroon kasing sobrang taas na sustained notes sa c****x at mataas na phrasing sa huling chorus, pero kinakaya iyong kantahin ni Keaton nang live. Ciel actually suspected that Keaton's insane singing skill was what revived their band's dying career. "Sira, mataas na rin iyon para sayo!" kontra naman ni Keaton sa kanya. "Baritone ka, remember? Natural lang sayo na mahihirapan kang abutin ang mga sinasalo kong nota." "Sus, e bakit naman ni Isaac, kinakaya? Di ba nga, noong nagpalit-palit tayo ng lines, siya pa ang sumalo ng c****x mo?" He was talking about that one surprised performance they had for their pre-debut single, Mga Batang Yagit. Nagpalit-palit kasi sila ng verses. Bale, nagpalit sina Ciel at Lukas. Keaton got Dean's, Dean's got Isaac, and Isaac got Keaton's. Iconic performance din nila iyon dahil napatunayan daw nila doon ang versatility ng bawat miyembro. "E falsetto naman kasi ang ginagawa ni Isaac. Maduga iyon." Umiling-iling si Keaton. "Basta, gumagaling ka na. Just keep on practicing, okay?" "Okay, sabi mo e." Tapos, ipinatong ni Ciel ang kamay sa piano saka sinimulang tumugtog. "You know I want you... it's not a secret I tried to hide," pagkanta niya habang nakatingin kay Keaton. But Keaton just smiled innocently. "Ito yung version namin ni Dean, right?" Two years ago, Keaton and Dean were invited to sing a cover of that song. Ginawa iyong OST ng gay romance film. Tango lang ang sinagot ni Ciel dahil nagpatuloy siya sa pagkanta. "But you're here in my heart... So who can stop me if I decide... That you're my destiny?" Napapikit na lang si Ciel nang sinimulan na niyang kantahin ang chorus. Gusto niyang maiyak dala ng frustration. Puta, ba't ba kasi mahal pa rin kita? Sigaw niya sa isip. At bakit ba kasi kailangan pang dumating ni Lukas sa buhay mo? As if the fate was taunting him, biglang bumukas ang kwarto sa vocal practice room kung nasaan sila ni Keaton at pumasok si Lukas. Napatigil tuloy siya sa pagtugtog. Lumapit sa kanila ang matangkad at may shoulder-length na buhok nilang main rapper. "Nandito lang pala kayo," sabi nito sa malaking boses. "Kanina ko pa kayo hinahanap." "Ay. Mag-start na ba ang meeting?" tanong naman ni Keaton sa nobyo nito. Tumango si Lukas. "Kanina pa nga kita tinatawagan kaso iniwan mo pala phone mo sa conference room. Ang galing-galing." Umiling-iling pa ito na parang nanenermon. Napakamot naman ng ulo si Keaton. "Sorry na." Napanguso pa ito. Napailing-iling naman si Lukas saka hinila ang braso ni Keaton para patayuin sila. "Anyway, let's go. Nakakahiya kay CEO Franco." "Sure," tugon ni Keaton saka humarap sa kanya. "Tara na, Ciel." "Sige, una na kayo. Patayin ko lang yung aircon." Inakbayan ni Lukas si Keaton saka ito giniya palabas. Keaton just waved as Lukas dragged him away. And before Lukas closed the door, binigyan muna siya nito ng matalim na titig. Parang nagbabanta. Then, he closed the door. Napabuga na lang ng hangin si Ciel saka napakamot ng ulo. "Napakadamot talaga nitong si Lukas," papailing pa niyang bulong. Then, he looked down on the piano and pressed a random key. It created a high-pitched tone, the same note Keaton would hit at the c****x of Rewrite the Stars. "Sayang, hindi man lang namin nakanta nang buo," malungkot niyang bulong sa sarili. Mapakla rin siyang ngumiti. "Kung sana ako na lang ang kinuha imbis na si Dean. Naaabot ko naman yung nota at sanay naman kaming mag-harmonize ni Keaton." Sa huling pagkakataon, umiling-iling siya saka umalis na sa piano bench. He turned off the aircon and the lights before going out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD