Lies MATULING lumipas ang ilang buwan. Damang-dama ko ang pag-aalaga ni Nathan sa akin. Kahit busy ito sa trabaho ay palaging tinatawagan ako nito, tinatanong kung uminom na ba ako ng gatas, kumain na ba ako, o 'di kaya'y naglakad-lakad na ba ako sa hardin, dahil iyon ang bilin ni doktora Chiu. Kailangan ko rin kasi ng ehersisyo. "Hija, narito na ang gatas mo." Napalingon ako sa nakangiting si Aling Yolly. "Si mommy, Aling Yolly?" "Nasa salas kausap ang kapatid mo. Nag-iyakan nga sila roon. Kasama sina Hailey at Mr. Brown. Pupunta ka ba sa lamay ni Mrs. Brown?" "Hindi po, sina mommy nalang siguro at Eunice." "May napansin ako kanina. Ang sweet ni Mr. Brown sa mommy mo. Hija, kung sakali bang mag-asawa muli ang 'yong ina okay lang sa'yo?" "Wala naman pong problema, basta ba pakamama