Burning flesh Kanina pa ako nakatitig sa sariling repleksyon. Ang totoo, nagdadalawang-isip ako kung tutuloy ba ako sa pagbisita sa aking ina. Kung pupunta ako roon, tiyak kong maging emosyonal lang ako. "May problema ba?" Untag sa akin ni Nathan. "Ang totoo, ayokong tumuloy, Nathan." "You sure?" "Yes," sagot ko. "Ikaw ang bahala, by the way, ilang araw na lang ay idadaos na ang ating engagement party." "Handa na ako, pakiusap, huwag mo lang akong iiwanan sa araw na iyon. Gusto kong nasa tabi lang kita," pakiusap ko rito. "Of course, I am." Lumapit ito sa akin at masuyong hinagkan ang aking buhok. "So, where are we? Sayang naman itong outfit natin." "Gusto kong kainin ang ilang mangga na natira. Wala ako sa mood na gumala, Nathan. Mangga na may bagoong ang nais ko." "Sige, ika