Sister "Ma'am, may babae pong naghahanap sa inyo. Eunice Brown daw po ang pangalan." Kunot-noong nakatitig lang ako sa kawaksi. "Pinapasok niyo ba?" "Hindi po, gaya ng utos niyo sa amin. Bawal magpapasok ng kahit na sino." "Good." Mula sa couch ay tumayo ako at naglakad palabas. Hanggang sa marating ko ang mala-higanteng gate ng aming mansion. Nahagip ng mga mata ko ang naghihintay na si Eunice. Naging alerto agad ang ilang mga security guards. "What brought you here, Eunice?" "Narito ako para sana makipagkasundo. Ayoko na ng gulo, Ms. Parojinog." "Paano mo mapapatunayan kung talagang tunay na hindi ka nga nakakatakot? Sa tingin mo ba basta-basta na lamang akong maniniwala sa'yo?" "Eunice!" Kapwa kami napalingon ni Eunice nang marinig ang boses ni Hailey. Nasa likuran nito ang